What if…

What if may nagmamahal sa iyo pero

may mahal kang iba?

What if yung mahal mong iba

ay may mahal rin naman palang iba?

Eh what if kung may mahal ka

pero hindi niya alam na mahal mo siya?

What if hindi niya nga alam na mahal mo siya

pero hindi mo alam mahal ka rin niya?

What if alam mo na mahal ka rin ng taong mahal mo

pero wala kang lakas nang loob na aminin ito?

O what if ang taong mahal mo handang umamin sa iyo

pero hindi mo alam ang isasagot mo?

What if alam mo ang isasagot mo sa taong mahal mo

pero sa umpisa hindi ka sigurado?

What if yung nagmamahal sa iyo ay sigurado na sa iyo

pero ikaw ay nalilito dahil may ibang nagpapakita ng motibo?

What if itong nagpapakita ng motibo sa iyo ay hindi para sa iyo

pero bigla kang nagkagusto?

What if naging kayo nang may motibo sa iyo

pero sa huli narealize mo hindi pala talaga siya ang para sa iyo?

What if gusto mo nang balikan ang nakaraan mo

pero ayaw ka ng bitawan ng kasalukuyan mo?

What if handa ka ng i-let go ng kasalukuyan mo

pero habang tumatagal ay natutunan na rin siyang mahalin ng puso mo?

What if pinili o pinagpilitan mong manatili sa kanya

pero sa huli, ang tanging nasabi nalang niya ay “wala na”?

What if di ba?

Lahat nang ito posibleng naranasan mo, o maaring ilan lamang sa mga sitwasyon na ito. nagmahal ka, nasaktan ka, nagkamali ka… umibig, nasugatan, nadapa…

Pero hanggat may hininga at may tibok ang iyong puso, lumaban ka dahil may pag-asa ka pa ring maging masaya.

(ps. this post was inspired by some of my friends who are now experiencing these ‘things’. you know who you are and i dedicate this to you and to all the people out there who can relate, as well. pls feel free to share your comments or what if experiences too. lovey’all) <3