scenical perspective

(*Scenical-authors word referring to a situation of a certain issue or topic)

blue-sky.jpg

5110, 3210, 3310, 3350, T610, 6600, at 6680. Iyan lang naman ang mga unit ng phone na dumaan sa palad ko. Bakit ko sinasabi ito? Wala lang gusto ko lang i-share kahit hindi siya related sa topic ko.

Tulad ng pag-ibig, maraming beses ito dumadaan sa palad natin… Ngunit ang tanong pag-ibig nga ba ito kung hindi naman ninyo nakakatuluyan ang mga sinasabi niyong taong minahal o mahal niyo? Cellphone narin ba ang turing mo sa pag-ibig na nadarama mo?

Bakit nga ba napaka komplikado ng buhay? Minsan naiisip ko tuloy, nagiging unfair si Lord. Pero hindi rin eh. Asa sa atin naman yun kung ano ba ang gagawin natin sa ating buhay. Lalo na sa buhay pag-ibig. Kung ating tutuusin napakaraming kwento ng pag-ibig. Minsan nagsisimula sa drama, minsan sa komedy, minsan pa nga sa away eh. Ngunit sa kabila ng sari saring kwentong ito iisa lang ang nais nitong itumbok. Lahat tayo may kakayanan na magmahal. Ang pagmamahal na ito ay may iba’t ibang uri. Pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa Diyos, at higit sa lahat pagmamahal sa taong pinakaespesyal sa iyo.

Minsan dumarating tayo sa punto na ayaw na nating magmahal. Bakit? Dahil ayaw nating masaktan. Ilang beses na ba napadugo ng pag-ibig ang ating mga puso? Ilang beses na ba nito pinaiyak ang mga ating mata? Ilang beses pa ba itong magmamaka awa na tama na ang mga pasakit? At ilang beses pa itong magsusumigaw na mahal mo talaga siya at nagpapakatotoo ka?

Napakaraming katanungan. Napakaraming pag-aalinlanagan. Ngunit sa kabila nito masayang magmahal. Masayang maging masaya kapag kapiling mo ang taong mahal mo. At higit sa lahat masayang mahal ka ng taong mahal mo.

Yun naman pala eh. Kahit masakit may kapalit na saya. Kahit mahirap may kapalit na ligaya. Kahit ano pang hinanakit sa pag ibig mapapawi lahat ito ng taong umiibig ng totoo. Nakakatawang isipin na ganito kagulo ang magmahal. Hindi man natin napapansin minsan unti unti narin tayong umiibig sa ideya ng pag-ibig mismo. Nakakaligtaan natin na yung tao ang pinapahalagahan at hindi ang salitang pag-ibig mismo.

Sa pagbuo ba ng isang relasyon may tama bang paraan na maari mong sundan? Paraan kung sa tingin mo tama ang tinatahak ninyong daan? Haaay buhay, pagdating sa pag ibig napakaraming katanungan.

Isa lang ang masasabi ko, hindi ibig sabihin na hindi dahil hindi mo nakatuluyan ang taong minahal mo hindi na pag-ibig iyon, nagkataon lang na pag-ibig parin iyon sa maling panahon at maling pagkakataon. Hindi ibig sabihin nagkaroon ka na ng bago kakalimutan mo na ang nakaraan mo. Ang nakaraan mo ang magtuturo sa iyo sa mga bagay bagay para sa kasalukuyang pag-ibig mo kung meron man.

Masakit, masarap, mahirap, Masaya, ano pa man naranasan mo ano pa man pinag daanan mo lahat ito ay may dahilan sa buhay mo. Di mo pa man nakikita sa ngayon kung ano ang dahilan na ito ngunit baling araw magpapasalamat ka sa mga pagkakataong napagdaanan mo.

Ganyan ang buhay pag-ibig. Mahirap talaga ipaliwanag. Maging ang pinakamatalinong nilalang sa mundo hindi niya ito mabibigyan ng perpektong kahulugan. Iba’t ibang tao iba’t ibang ibig sabihin. Iba’t ibang karanasan iba’t ibang kahulugan.

Ginawa ng Diyos ang pag-ibig para tayo maging kumpleto at para maging totoong tao. Kaya huwag natin itong abusuhin bagama’t pahalagahan natin ang pusong umiibig upang sa gayon patuloy parin tayong maging buo.

Categories: love | 2 Comments

Post navigation

2 thoughts on “scenical perspective

  1. Nice blog!

  2. tnx livette!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: