my dream phone!

nokia-n95.jpg

darating ang araw magkakaroon din ako ng ganito…

haaay.. cellphone nga naman. sabi tuloy ng tatay ko buti nalang hindi naging bf ang cellphone dahil kung nagkataon papalit palit. pag nagsawa papalitan na. kung may kulang, papalitan na. kung may hinahanap pa, papalitan na. at kung nainggit ka nga naman oo, malamang papalitan mo na nga. kung sa bagay cellphone lang ito, oo cellphone lang ito. nothing to be senti about. except lang naman sa mga pictures mo sa gallery (na pwede mo namang ilipat), text messages na sine-save (yun bang galing sa special churva), tpos mga fave music mo na sinave (na tipong dka makakatulog pag di narinig), at xmpre yung mga games sa dati mong phone (na animo’y pampatulog mo). aba’y halos lahat na ata ng tao sa pinas may cellphone ah. maging metro aide eh nagttext. akalain mo yun? ang nakaka asar pa, nagiging status symbol ang cellphone. mas mahal mas sikat. mas kakaiba mas kilala. at mas bagong unit mas in. san kapa? minsan nakakaloka pa ang ilang kaibigan ko, kung makatext parang wala ng bukas. iflo-flood k ng message (forwarded message) yung tipong gusto mo lagi nalang sana naka off cp mo gnyn. may mga kaibigan din akong para binabayaran ng mga networks dahil umaga, tanghali, at gabi ay may pagbati. sosyalan. yun bang good morning, good afternoon, at good evening ganyan na parang gusto pa nila atang gawin mong ulam ang mga text msgs nila. hehe! mayroon din namang nagtetext na kung galangin ka eh kelangan tlg may po at opo, pero if i know nagpapacute lang ganyan. may mga kilala din akong sobrang lambing na at the end of every message eh may tsup tsup, mwah mwah, o di kaya mwahugs ganyan. kaloka! haaay naku… nakakatuwa talaga!

nwei, sa kabila ng mga realization na ito walang makaka pigil sa aking mangarap… hehe! ah basta gusto ko ang unit na ito. by hook or by hook… harhar! cge na pagbigyan niyo nako. malay niyo mabili ko nga ito diba? pag hindi oakay lang din. pero kung kelangan kung rumampa para lang kumita gagawin ko… echos! hehe! desperada ang lola. wala namang mangarap diba? kaya nga “my dream phone” title ko kc nangangarap lang. pero minsan napapa isip din ako, kc aanhin mo naman ang 20+ na cp diba? pag nahulog yan sa banyo niyo gudbye 20+ na… hehe… tpos ang bilis pa bumaba ang value nito, tama ba yun? pero ewan ko ba basta na adik ako sa mga magagandang phone. sakit ba ito ganayn? kelangan ko na ba magpakonsulta?

wel, minsan may maganda rin namang naidulot sa akin ang mga ganitong bagay, infairness, kasi dahil dito natuto akong magsave, mapag ipunan lang ang bagay na hinahangad ko na hindi umaasa sa magulang ko. natuto ko ding pahalagahan dahil alam kong pinaghirapan ko. kung baga sa mga lalaki mas mahabang ligawan mas pinapahalagahan. at siyempre kahit papano nalaman kong ang isang bagay ay hindi lang basta pinapahalagahan kundi inaalagaan. kaw ba naman, hahayaan mo ba namang maging for charity to the poor ang kahihinatnan nito diba?

yun lang naman. naglabas lang ng saloobin sa cellphone. wala lang dahil sa oras na ito nagtatalo parin isip ko kung bibili ako o hindi? ano sa tingin niyo? patulong naman oh!

Categories: accessdenied!, Blogroll, life | Leave a comment

Post navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: