Tips sa pagtitipid ng bigas at kanin (tips on how to save rice)


resize-of-sen-biazon-visit-040408-173.jpg

pero bago muna yan ito muna ang picture ko with Senator Rodolfo Biazon. This was taken a while a ago lang dito sa Philrice Central Experiment Station, Maligaya, Science City of Munoz, Nueva Ecija. He had just a conversation with some farmers, researchers, and representatives from the local government.

palay.jpg

Ang bigas o kanin ay pangunahing pagkain nating mga Pilipino. Masasabing tatak na din nating mga Pilipino ang pagkain ng kanin tatlong beses sa isang araw, maging kasama man ng napakasasarap na mga ulam o di kaya’y simpleng asin at tuyo. Kaya’t importanteng pahalagahan natin ang bawat butil nito.

Maaari tayong makatipid ng bigas o kanin sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Pagkatapos ng anihan

· Iwasang magbilad ng palay sa mga pampublikong kalsada upang mabawasan ang pagkasira na maaring maidulot nito habang ginigiik at ipinoproseso.

· Siguraduhing malinis ang imbakan nito upang hindi atakihin ng mga daga at iba pang peste.

· Magkaroon ng brown rice sa mga pamilihan para sa mas masustansiyang alternatibo sa milled rice o white rice. Ang brown rice ay bigas mula sa kahit na anong rice variety na tinanggalan lamang ng ipa, naiiwan ang bran layer (darak) na mayaman sa vitamins and minerals. Maiiwasan din ang pagkasayang ng mga broken grains.

Sa pagluto at pagkain

· Magluto lang nang sapat o saktong bigas para sa hapag-kainan.

· Lutuin ng tama o wasto ang bigas upang maiwasan ang pagkatutong nito. Maaring gumamit ng rice cooker sa pagluluto nito.

· Iwasan ang pagtapon o pagpakain sa hayop ng natirang kanin. Sa halip ay maaari itong iluto muli at gawing iba’t-ibang putahe tulad ng sinangag, lugaw, rice salad o rice soup (maaaring maglagay ng link ng mga suggested recipes para dito).

  Sa pagkain sa labas
·    Mag-order lamang ng kalahating kanin at umorder nalang muli kung nais pang kumain.
·    Kung may kasamang bata (madalas hindi nauubos ang pagkain) maaring magsalo na lamang sa kanin upang hindi masayang ang hindi nito kayang ubusin.   Sa pamumuhay
·    Subukang kumain ng mga pagkaing mataas sa starch tulad ng mga produkto mula sa kamote o mais. 
·    Maari ring kumain na lang ng tinapay na gawa sa trigo kung saan masustansiya rin ito.
·    Kumain ng brown rice bilang alternatibo sa white rice. Mas masustansya ang brown rice at mas madaling makabusog ito.   Para sa karagdagang impormasyon at katanungan maaring mag-text sa Farmer’s Text Center  ng PhilRice sa numero bilang 0920-911-1398 o sumangguni mismo sa Philrice Central  Experiment Station, Maligaya, Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija. 

Categories: Blogroll, life, politics, rice, trip | Tags: , , , , | 1 Comment

Post navigation

One thought on “Tips sa pagtitipid ng bigas at kanin (tips on how to save rice)

  1. annzene

    whatihghsbddg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: