just an opinion…

maraming beses ko pinag isipan ngayong araw na ito kung ipopost ko ba ang opinyon ko na ito. hanggang ngayon at dahil wala na akong magawa ay ipopost ko na.

gusto ko lang ipahayag ang aking nararamdaman sa palabas ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy o PDA. ewan ko ba, this past few days bigla akong nagkaroon ng panahon para manood ng PDA thou hindi ako mahilig manood ng ganito pero if may pagkakataon nanonood ako.

paano ba ito? uhm, sige to make things easy sasabihin ko na, NAIIRITA na ako sa palabas na ito. i dont know if its because of the students (contestants), program format, host, or because of the show itself.

feeling ko kasi puro pag iinarte lang ang ginagawa nila eh. ano ba ito modified Pinoy Big Brother ba ito na puro “ATTITUDE” ang pinapakita ng mga contestants. hindi pa kasikatan eh nag iinarte na.

cge na tanggap ko na reality show ito and they are being real pero kung yung mga ganitong tipo ng tao ang pasisikatin goodluck nalang sa mga kabataang nanonood diba? alam ko maarte ako pero hindi yung pag iinarte na may attitude pa tulad ng ginagawa ng mga contestant ng show na ito. natural dahil sa ganyang pinapakita nila nagrereflect kung sino ang pinoy ngayon, i mean generally. ganoon na lang ba ang kayang gawin ng mga pinoy? pag iinarte?

may talent nga pero hindi maganda ang ugali. as i am watching the show medyo nakakdegrade din ang mga ginagawa nila. imagine sila sila nagbaback bite. of course di maiiwasan yun dahil contest nga ito diba? but pwede namang gawing healthy ang competition na ito diba?

nakakapikon din na kadalasan may mga activities sila na humahantong na nag iiyakan na ang mga contestants? how can they perform their best if panay ang iyak nila di ba?

sa kabila nito masasabi kong hindi talaga matatawaran ang mga hurado sa reality show na ito. wala akong masasabi. i know they are doing their part para lang mag improve ang mga “dreamers” (if yun ang tawag nila sa mga sarili nila) na ito pero sometimes kahit anong effort ng nagtuturo kung matigas ang ulo ng tinuturuan wala itong silbi.

anyway, marami pa akong gustong sabihin eh. kayo ba naaliw ba kayo sa palabas na ito? may nakikita ba kayong maitutulong nito sa inyo? o wala lang? trip niyo lang panuorin.

haaaaysh… wish ko lang…

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, trip | Tags: , , , , | 8 Comments

Post navigation

8 thoughts on “just an opinion…

  1. Pasensya na po mga viewers ng dream academy, nakakasira po sa imahen ng disenteng performer or artist and pagpapalabas ng negatibo aspeto ng kanilang pagkatao. Maling mali ang mga ipinapakita nila doon na ehemplo para sa mga kabataan na manunood.

    Totoong kailangan ding hubugin ang pagkatao ng mga talents upang sila ay maging makatutuhanan sa buhay, ngunit nasusobrahan yata sa pagpapalabas ng mga negatibong aspeto sa pagkatao ng bawat isa at ito ang napopolarize sa mga manunood. Idagdag pa natin dito ang patataray ng mga trainors sa mga talents. Kahit iyong pagkokomento ng mga hosts kagaya ni Toni Gonzaga ay nakakapikon din dahil masyadong mataray ang dating. Opinion ko lang ito, I don’t know yours.

    There should me more display and exercise of human compassion. Kung mayroon man katiting lamang ang aking nakikita dito. Again I might be wrong with my perception, and I stand corrected if ever.

    Dati enjoy ako sa show pero dahil sa sobrang padrama effects, awayan effects, siraan effects, tarayan effects na ginagawa dito, medyo (sa akin lang) naturnoff ako at hindi na nanonood. Masyado nang maraming telenovela na napapanood, sa musical sana ay awitan at musikahan lang. Wala nang padrama pa at uber na.

    Salamat yhen, and sorry for the long comment dahil matagal ko nang gustong sabihin ang aking nararamdaman (personally). I should have written an article on this pero ako’y nagpapasalamat at naisipan mong gawin.

  2. hi mer,

    i do agree with your comments. i really don’t like the idea of maximizing the extreme life of these contestants so that they can gain more viewers. i dont know, analysis ko lang naman. siyempre mas maraming exena mas panonoorin ng tao di ba?

    i think ok lang yung mga ganoong exena pero wag naman palagi na to the extent na halos everyday may nag iinarte. sabi nga ng kasama kong nanonood ng tv eh, binbayarn ba sila para umiyak???

    ehosa talaga. attitude level ang drama! dko keri!

    tama na. sobra na.

    yung mga may ganyang atitude hindi tatagal sa industriya. as in. promise!

  3. Mer Pints

    yhen,

    Korek ka diyan. Pray na lang natin na gawin naman nilang positive ang mga susunod pang eksena.

  4. yup prayer is the best answer…

  5. Mer Pints

    Ay answered prayer nga, lumabas kagabi sa Garry V doon sa show and what and what inspiring one; heaven came down sa mga moments na iyon, nawala ang mga negatibong bagay and Garry even prayed for them. Nakakainspire din talaga ang buhay ng Kristianong actor na iyan.

  6. ay talaga? dko ata napanuod yun. sayang naman. sana natauhan narin silang lahat. hehehe!

    powerful talaga na messenger si Gary v. God is really using him. kahit sa mga concert niya.

    wel, madali talagang kausap si Lord…. hehehe!

  7. kenny

    di ko gusto si kitchy anlaki ng braso kadiriiii kakainis akala mo kung sino magaling di naman kaya ang pinagsasabi nya ang yabang

  8. hehhe… pati tuloy si teacher kitchy napagdiskitahan na.. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: