pinanganak na pasaway…

Hindi ko alam kung katulad niyo ako na pinanganak na maging pasaway. Tama, isa akong pasaway. Gusto kong gawin ang mga bagay-bagay na kadalasan pinagbabawal ng lipunan. Pero not to the extent na mandadamay ako ng ibang tao. Yung para sa sariling kapakanan at kaligayahan ko lang ba? Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang aking kalayaan kung nagiging pasaway ako paminsan minsan. Nagkakaroon ako ng konsepto ng freedom.

Mas sinusuway ako mas nagiging pasaway. Kadalasan ganito ang nagiging response ko lalo na’t alam ko naman ang tama sa mali. Madalas lang kasi may mga makukulit na nilalang na paulit-ulit kang pagsasabihan at kahit gusto kong sundin kadalasan mas lalo akong hindi sumusunod. Mang asara ba… Masarap kasi yung ganoong feeling eh. Aminin nasubukan niyo narin yun. Yun bang siya na yung mapipikon kapapa-alala sa iyo. Eh ganoon talaga di ba?

Minsan, totoo din sa akin na masarap ang bawal. O sabihin na nating hindi minsan, madalas at mas madalas pa. For sure pati ikaw nasarapan ka din sa ginawa mong bawal. Iba kasi yung feeling na may thrill ang ginagawa mo eh. Para sa akin ang mga bawal na ito ang nagbibigay kulay ng buhay. Kung baga eh mga spices yan ng life ika nga. Eh kung walang ganayan walang lasa o matamlay ang life.

Oo alam ko po nakakakonsiyensiya din ito. Pero sa huli tanggap ko ang consequences ng mga ginagawa ko. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagwang masama. Lipunan lang ang nagdidikta na may masama akong ginawa. Who cares? hindi naman sila ang piniplease ko di ba? I really dont care what others will think about me, tutal naman buhay ko ito. Its my choice! Ako lang ang makakapagbigay ng direksiyon nito at hindi ang ibang tao. AYos lang makinig sa ibang tao kung mapakikinabangan mo sinasabi nila pero okay lang din na hindi. Nasa sa iyo yan. Kung ano ikakaligaya mo dun ka. Huwag mong hayaang lagyan ng lipunan nang limitasyon ang kaligayahan at kalayaan mo.

Hindi masamang maging pasaway, dahil hindi masama maging masaya at lagyan ng kulay ang buhay. Ang mahalaga alam mo kung paano ilugar ang pagiging pasaway mo… na wala kang nadadaling tao. Alam ko na may maapektuhan sa gagawin ko o gagawin mo kung maging pasaway ka. Para ano pa’t may salitang matuto kung hindi mo alam kung paano?

Ang mahalaga sa pagiging pasaway ay sa bandang huli ikaw ay may natutunan. Tama na ang paminsan-minsan. Basta sa isang minsan na iyo may bagay na humubog sa ating pagkatao. Yun bang hindi nawalan ng saysay ang pagiging pasaway mo dahil may mabuti itong naidulot ito sa buhay mo. Huwag mo lang hahayaang ang pagiging pasaway ang kumontrol ng buhay mo dahil ibang bagay na iyon. Makukulong ka na sa katotohanan na masarap ang maging masama pero sa totoo ay hindi. Kailangan mo lang makita ito pero hindi mo kailangang magpasakop rito.

Here is a clip on the positive side of being a pasaway:

Every revolution starts with a rebel. Cultivate a team with some particular bad attitudes – the ones with rebellious, contrary and divergent views – people who some might label as troublemakers. A maverick staff is not negative or cynical – on the contrary, they are passionate about their ideas. They do not defer to authority, they are dissatisfied with the status quo, they are impatient for change and they are angry about the obstacles put in their way. With employees like that, a business – and its products and services – should certainly stand out from the crowd!

Read the whole article HERE.

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships | Tags: , , , , , | 4 Comments

Post navigation

4 thoughts on “pinanganak na pasaway…

  1. Mer Pints

    He he natatawa me, ganyan din ako noong araw at kahit ngayon paminsan-minsan. Ang importante may kontrol na tayo, and the Lord provided us the measures of our core values and attitudes.

  2. yup… pero minsan hirap kasi sumunod lalo na kung yung nagpapa alala sa iyo ay wala rin naman sa katinuan di ba? kung baga dapat practice what you preach. eh minsan as i see it hindi nila napapansin yung napupuna nila sa iyo ay ganuon naman sila kaya nakaka asar minsan.

    its really hard to explain but its easy to act like one… hehehe!

  3. Masarap maging rebelde pa minsan minsan..
    Minsan gusto natin matuto tayo on our own kasi mas dun tayo matututo o kaya pride natin na kaya na natin maging independent. Minsan dun nasusubukan ang lakas at tatag natin sa buhay. Mas nakikilala natin kung sinu ba tayo talaga..

    DON’T MESS WITH ME!! katakot naman.. huhuhu!!🙂

  4. Hi sir emoboyblue,

    i certainly agre with you po… its true that doon nasusubukan ang lakas at tatag natin sa buhay. kung walang ganun senseless! naks! kung baga nagkakaroon ng kahulugan ang life kung may pagkokomperahan tayo.

    dont worry kuya harmless po ako… hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: