otso otso otso

naniniwala ba kayo na ang number 8 eh swerte?

mejo nakatutuwa lang kasi dahil ang petsa ngayon ay 080808.

ayon sa mga chinese ang 8 na number ay swerte dahil iniiugnay nila ito sa salitang prosper o wealth o kung sa tagalog pa eh ang pag asenso. ang hugis pa nito kung saan tinatawag na perfect symmetry ay nagpapahiwatig nang balanse sa pamumuhay kung saan sinasabi sa chinese astrology na pinaka-ideal na pamumuhay.

gayunpaman, may mga naniniwala ding hindi swerte ang 8 na numero dahil narin iniuugnay nila ito sa destruction o ang pagkasira o pag guho ng isang building o maaring pangarap na rin.

ngayon din ang umpisa ng olympics sa china na kung saan pinaniniwalaan ng karamihan ay magiging maaliwalas ang simula ng palarong ito. inaasahan din na maraming magpapakasal ngayong araw na ito. kabilang ka ba sa mga magpapakasal? dahil sinasabing magiging maaliwalas ang pamumuhay ng mag asawa kung ngayon sila magpapakasal.

pero ano nga ba ang totoo? ang swerte ay nasa sa atin lang yan. tayo ang gumagawa ng buhay natin. walang swerte o malas. nagkakataon lang minsan na binibiyayaan tayo ng poong may kapal kung kaya’t akala natin tayo ay sinuswerte. kung tayo naman ay napapahamak, dahil narin sa sarili nating kagagawan. thou minsan may tinatawag na aksidente pero wala talagang malas sa totoong buhay.

hindi naman masamang maniwala at di rin masamang hindi maniwala. ang mahalaga ay ang pananampalataya sa iisang Diyos na may likha.

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, religion, trip | Tags: , , | 4 Comments

Post navigation

4 thoughts on “otso otso otso

  1. kengkay

    naku, paborito ng mga little kengkays ko ang yang ocho ocho na kanta, hehe. dito rin, daming nagpakasal ngayong araw na to.. may kaibigan din ako na ngayong din ang wedding day. kung naniniwala ako? hmm….

  2. gmacomics

    nope i dont believe in luck. kaya nga hindi ko din sinasabi na good luck, im saying God Bless or pagbutihin u nalang as an appropriate word of encouragement.. luck are just make beliefs imho which leads to psychological impact in life..

  3. sommer

    …korek! kalito nga kung malas o swerte ba ang otso otso. pero tumpak, basta naman di matitibag ang faith natin ke God, walang malas at swerteng numero.=)

  4. wow, ckat na sikat pala talaga ang kanatang yun ni willie ms kengakay…

    ako din sir gmac, usually godbless din. pero minsan nagiging expression na kasi yung goodluck kaya ayun di maiwasan.

    hi sommer, tama yang sinabi mo na walang malas at swerte basta kay God lang tayo magtitiwala.

    magandang araw po sa lahat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: