kanina parang gusto kong kumain ng mga native na pagkain. nagsasawa na kc ako sa laging fastfood o kaya noodles o kaya hotdog… haaay… namimis ko sa probinsiya…
gusto ko kumain ng tinapa, tuyo, tapsilog, bagnet, buko, empanada ng Batac, longganisa ng Batac, pakbet, hilaw na mangga, isaw, tokneneng, tapos may KBL (kamatis, bagoong, lasuna o onion). hehehe parang naglilihi, nu ba yan! nakakamis lang talaga umuwi sa amin (Ilocos).
haaaysh… tama na nga…. naglalaway na ako.
ikaw ba? ano ba gusto mong mangyari sa buhay mo ngayon? naghahamon? hehe! hindi naman!
Masarap ang buhay sa Probinsya.Mababait ang mga tao doon at kinikumbida ka lagi na mamasyal sa bahay nila.Naghahanda sila ng tinolang native na manok at inihaw na dalag.HIHIHIHIHIHIH
Paano tatawag ang sikmura? Ang alam ko lang puwedeng tumawag ay ang bibig.
ako gusto ko sa umaga, PAKAPLOG.
oo nga ms kim bakit gnun sa probinxa ano? kahit hnd bongga ang pagkain nagiimbita pa rin cla… hehehe
sir artsee ha.. kulang kn naman ata ng tulog… hehhee
naku dinapinoy iba talaga trip mo…
Yhen,
Sorry, hindi mo ako naintindihan.
Sabi ko, gusto kong almusal ay PAKAPLOG, PAndesal, KAPe at saka itLOG
hehehe… sabi ko nga po… wala naman akong ibang sinasabi ah.. pxnxa na rin po dinapinoy… hehe
sabi ko nga po eh.. hehe… wala naman po akong ibang sinasabi ah… hehe…
cge po mukang masrap yang pakaplog mo dinapinoy… 😉
Hay, na miss ko tuloy din ang aking probinsiya. Na miss ko yung tahimik na lugar sa probinsiya kasi tahimik at parang mabagal ang takbo ng lahat. Dito sa Manila, ang bilis ng takbo ng oras, lahat nagmamadali. Ang pagkain puro instant dahil sa pagmamadali Kumpara mo sa probinsiya lahat may proseso, pumitas ka muna ng gulay, hugasan, hiwain bago lutuin di ba. Ang namiss kong pagkain dinengdeng, tinapa, tapos kamatis na may bagoong at sibuyas. Sarap no, heathy pa.
kain na tayo yen, prepare mo yung mga pagkain na sinabi mo sa Birthday mo ha.
hehehe… oo nga ms malou… pwede kayang ganyan ang handa ko sa bday ko? hehe!
tsalap tsalap!
Yhen
Happy birthday! Kailan ba?
ako ok na sa akin ang kape sa umaga. coffee na lang dear. hehehe.
salamat sir joe…
ngayon po bday ko…
coffee lang ba talaga kuya gmac? hehe
hehehehe. busy person eh kaya coffee na lang. hahaha.
happy bertdey yhen!!