sa daan paroon…

naglalakad ako kaninang umaga papunta sa aking opisina at napansin ko ang titingkad ng kulay ng mga bulaklak na nadaraanan ko. di ko natiis sarili ko, kaya ito kinunan ko na sila ng mga litrato.

ang bulaklak pala kapag kumpol kumpol, iisipin mo pare pareho lang silang bulaklak pero kapag inisa isa mo ito saka mo makikita ang ganda ng bawat klase nito. para din itong isang babae. kapag magkakasama ang mga babae iisipin mo pare pareho kaming lahat pero kapag inisa isa mo naman kami, doon mo makikita ang mga natatangi naming katangian at kagandahan.

napanood ko minsan, movie ata ni john lloyd at bea yun (thou hindi nila ako fan, hindi talaga promise!) sabi nang tatay ni john lloyd sa kanya “ang bulaklak daw parang babae, huwag mong pipitasin kung sisirain mo lang din.” ayan, in fairness may katotohanan ha… kasi minsanan mga lalaki mahilig lang pumitas ng pumitas, pag sira na o napagsawaan na itatapon na. hindi naman tama iyon di ba? di bale naring ordinaryo ang iyong ganda basta ba hindi ka laging pipitasin at ibabasura.

may nabasa din ako na ang mga bulaklak ay mga kahulugan kung kaya’t bago magbigay ng bulaklak sa isang tao kailangang alamin din ang kahulugan ng mga ito. tulad kunwari nang sa sunflower na ang ibig sabihin ay pagsamba o paghanga. check niyo dito sa iba pang meaning ng mga bulaklak.

kung ako’y magiging isang bulaklak gugustuhin kong maging gumamela (hibiscus-delicate beauty). tulad ng isang gumamela which comes in different colors, matingkad at makulay ang aking buhay. hindi lang literally im bold but also figuratively, i am. i can thrive kung saan man ako ilagay. pwedeng maging wild, pwedeng sa bahay, at pwedeng pang display (hehehe!).

ikaw ba? ano ba ang masasabi mo sa mga bulaklak? kung ikaw ay magiging bulaklak anong klaseng bulaklak ka?

dsc00706

dsc00707

dsc00711

dsc00710

dsc00708

dsc00717

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , | 34 Comments

Post navigation

34 thoughts on “sa daan paroon…

  1. wow! beautiful flowers yhen.
    ang galing naman ng pagkakakuha mo ng pictures.

    kakaiba ka! gusto mong maging gumamela… hmmm…

    just added you to my blogroll.
    you are always welcome in my siopawan. god bless!

  2. hello po rev… tama ka jan gusto kong maging gumamela… pangit ba? hehe!

    nwei, salamt po sa pag-add sa akin…πŸ˜‰

  3. elo po.. add din kta blogroll q ha..

    salamat nadin sa pagdalaw mo po sa blog ko..hehe.. mejo tama nmn cnabi mu..may mga lalaking pitas lang ng pitas tapos kpag sawa na itatapon na lang.. pero katulad nio mga babae, kmi mga lalaki rin po ay iba2.. may mga mbabait paring lalaki sa mundo.. kya lang hdn aku kasama dun, kc weird ako..wahaha..ingat po..

  4. ang gaganda naman ng gumamela na yan. naalala ko yong kanta nung elementary ako, hala kanta tayo.

    gumamela, gumamela,
    bulaklak moy sakdal ganda
    ang kulay mong pulang-pula (dilaw na dilaw naman kpag inulit)
    kaya’t minamahal kita.
    (naks napakanta ako ah)

  5. hi neto,

    salamat sa apg add sa kin.. inadd na rin kita…

    at in fairness umagree ka sa akin… ehhe… madalas kasi pag ganito mga post ko maraming lalaking ayw sumang ayon… ehhe!πŸ˜‰

  6. kuya eli, dko ata alm yang kantang yan ah… hehe! kapanahunan niyo po ba? harhar!

  7. kung ako ay isang bulaklak… ako ay isang… yellow bell… hindi siya kapansin-pansing bulaklak… walang magandang amoy… pero.. may pagkakataong nagiging useful… pero pagkatapos gamitin… tulad ng pagtusok ng bbq stick… mawawalan n ng silbi… itatapon n lng…

  8. dencios

    gumamela din kasi nakakagawa ng babols.
    tas santan na pedeng sipsipin ang katas.
    at tahong… hek! food pala iyunπŸ˜‰
    btw
    ang gaganda ng mga larawan.
    ang ganda sa mata
    parang
    ikaw lang…

  9. aba vhonne, nais mo atang iakw nalang ay itapon… hehe… btw, kapangalan mo ang ex jowa ko… hahaha…

    kuya dencio, ayaw mo naman gayahin ang pagiging gumamela ko… hehe… at ayan nambobola ka na naman. baka tumalbog na ako niyan… hehe!πŸ˜‰

  10. ano ba real name mo? kapangalan mo naman ung crush ko dati… ahaha… small blogging world?

  11. hehehe… real name? maria adrielle pero mas comfortable ako sa yhen… kaya yhen nalang… hehehe!πŸ˜‰

  12. ahaha… parang ang layo ng real name sa nickname… sakin… von carlo… pero ndi din ako komportable sa name n un.. kaya vhonne n lng… ehehe…

  13. hi yhen, salamat sa pagdaan sa blog ko. nice comparison, i levvet!

    and hey, nice photos. mga bulaklak ang isa sa mga paborito kong pechuran, share lang. =)

    add kita links ko ha. *mwah

  14. colorful photos, nice shots there yhen.πŸ™‚

    late na pero happy new year na din!

  15. hehehe… cge vhonne xb mo eh… harhar!

    hi joycee, salamat din. natuwa din ako sa blog mo eh… hehe!

    ces, happy new year, too! tnx din! hehe!

  16. siguro kung ako ang magiging bulaklak, isa akong orchids kasi kailangan alagaan ng mabuti and very very rare!! wahahah!! anyway, tama ka, at yung tatay ni jhon loyd na wag piptasin ang bulaklak kung sisirain mo lang din. wag din kami ibabasura.. T_T

  17. wow sosyal orchids.. pangmayaman c cindy… mukang kelangan mo ng matinding kalinga… hehe!

    at infairness maganda nga ang orchids…

  18. tagsu

    alam ko kinasal ka na kaya bakit di ipost ang mga pix ng kasal? kung tama ang info ko! ako naman e bubuyog na lang para taga pitas na lang ako ng mga bulaklak…http://tagsu.wordpress.com

  19. nice photograph.Regarding about your last question,kung magiging bulaklak ako gusto ko yung ROSE kasi matinik. >:)

  20. naku tagsu… paxnxa na pero bibiguin kita.. hnd pa ako ikinakasala eh… hehe!

  21. naks MC… so matinik ka pala… hehe!

    cge cge…

    happy weekends sa inyong lahat!

  22. Yhen1027, salamat at napadaan ka. Salamat at nagustuhan mo ang post at kahit paano napag-isip kita. ok lang maging seryoso, gusto mo umiyak ka pa eh. lol! naniniwala ka ba sa artista kapag sinabi nilang mahal ka nila? hehehe

    Nice Blog too..baka naman pwedeng mailagay iyong link ko sa gilid ng blog mo. ahahaa salamat! Salamat!

  23. Pingback: Pages tagged "delicate"

  24. hala, kala ko nick lang hawig sa tin.. lamu ba mariel real neim ko? maria adrielle? hahaha.. padaan.. *tameme-sa-ganda-ng-flowaz

  25. I like this. “Wag pipitasin kung sisirain lang din.” Saktong-sakto.

  26. Gusto ko lavender ako pag naging bulaklak ako, kasi aamuyin ako ng mga people, tas papanaginipan mo ako dahil sa bango.

    salamat sa passing-by sa blog ko.

  27. hmmn..kakaibang bulaklak sa gabi..ung dama de noche..
    napaka mysterious talga noon..
    parang ako..he!he!he!

  28. pede na ko sa chicharon bulaklak ^^ masarap na nakakabusog p ahahah ^^ jok lng peace

  29. Wow nice shots! Anong camera gamit mo?πŸ˜€ And macro-mode shots ito diba?πŸ˜€

  30. Ang galing naman ng mga kuha mo, Yhen!
    Kung magiging bulaklak ako, siguro, bulaklak ng kalabasa. Kasi, flower na, ulam pa! (Ginutom tuloy ako!)

  31. marlon: ayan na ang katuparan ng mga pangarap mo… hehe joke… nailagay ko na sa gilid ang link mo… salamat din…πŸ˜‰

    yin: yup yan ang neym ko… actually mariel nickneym ko nung bata ako. di ko lang itinuloy… hehe…

    emilayskie: salamat sa iyong pagbisita! sa uulitin hehe!

    k: salamat din… kaya pala… mukang kaw nga napanaginipan ko nung isang gabi. muntik na akong di nagising… ehhe…

    khzr4u: aba, myterious ang drama ha… ehhe!

    jex: cge pwede na rin… laging ka nga lang pupulutanin… hehe

    alps: yup macro mode… gamit ko eh yung sony cybershot na t77… love the colors, actually.

    jose: ay cge mgnda rin yan… di ako magugutom… hehe!

  32. salamat sa pag-add at sa pagbisita. I just added you too. Remember you can also grab the Cute Pinoy Blogger Badge, (i uploaded the code for easy use) Salamat..

  33. ok.. tnx marlon…πŸ˜‰

  34. kung ako magiging bulaklak, i’ll be…
    chicharong bulaklak! crunchy!

    oo na, corny na si kuya utoy.
    ang ganda naman ng pics mo, yhen!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: