paglingon sa nakaraan…

ilang taon na nga ba ako ngayon…

noong umiwi kasi ako ng ilocos hindi ko naiwasang isipin na tumatanda na pala ako. dahil nang mga panahong ito bumabalik ang mga ala-ala ko noong ako’y bata pa. naisip ko lang, sampung taon na pala ang nakalipas simula noong nakapagtapos ako ng elementarya. nakatutuwang isipin dahil maaring sa mga susunod na taon eh pwede na rin pala akong maging guest speaker sa graduation. o di kaya pagdonate-tin ako ng bagong silya, mesa, o computer. hehe! yan mga sumasagi sa isip ko. pero maliban sa mga ito may mga karanasan talaga ako noong elementarya na di ko makakalimutan. nadagdagan pa ang mga ala-alang ito noong nagtagpo tagpo kami nang mga kaibigan at ibang kaklase ko noon.

hindi ko makakalimutan yung teacher ko ng grade four ang expression niya kasi kada papasok ng klase eh “DOn’t say bad words, ukininayo(wel actually maiintindihan mo iti kapag ilokano ka)!” ayan favorite expression niya yan. anjan din yung walang kamatayang poem na “Trees” at “All things bright and beautiful” na kapag wala nang maipagawa sa amin eh pinapasambit na ito.

hindi ko rin makakalimutan yung pagploplot sa likod ng iskul namin. yun bang magtatanim ka ng gulay at kung ano-ano pa. grade six na namin natuklasan na hindi pala namin kapwa kaklase ang nagnanakaw ng mga bunga ng tanim namin kundi ang aming teacher (sumalangit nawa) mismo sa subject na iyo. hehe!

may teacher din kami na maganda at sexy. kaya mapapansin namin mga kaklase naming lalaki kapag siya na yung teacher aba, nagvovolunteer nang umupo sa harap na di naman nila ginagawa sa ibang teacher.

kung pagdidisiplina, walang tatalo sa teacher ko noong grade five. mantakin mong ang ginagamit niyang pamalo eh aklo o yung gawa sa kahoy na sandok.

naging paborito ko ring subject ang math kahit saglit lang. yun eh noong panahong yung teacher ko sa math eh walang ginawa kundi makipag-laban ng chess sa mga kaklase kong lalaki. mantakin mong sa isang oras na klase umaabot ng 30min yun kung sweswertehin pa eh limang minuto nalang kami magkaklase. hehe.

ayan, ilan lang ang mga yan sa mga experiences ko noon. aba nga naman, kung di ganun ang elementarya ko eh di ako ganito ngayon di ba? hehe! kayo ba? ano ba mga di niyo malilimutan noong kayo’y nasa elementary pa?

nwei, ito pala kami noon… mga inosente ba… noong mga panahong ito hindi mo alam kung sino balang araw ang makakasama mo pa. sino ang mag aasawa ng maaga. sino ang sisikat. sino ang yayaman. wala pang kasiguruhan ang buhay…

dsc00634

ayan, kaisa isang class picture ko noong elementary. hanapin niyo ko… hehe!

dsc00638

dsc00643

dsc00661

dsc00658

ito na kami ngayon… kanya kanyang buhay pero nagkikita parin naman kahit papano. kanya kanyang propesyon pero hindi parin nakakalimutang bumalik sa sariling lugar.  iba’t ibang pananaw iisang patutunguhan. ayan mas maalam, mas matibay, mas confident, at may pangarap…

dsc00588

dsc04023

dsc04030

dsc00633

ang daming nagbago. lahat pwedeng magbago. dati tahimik ngayon bulgar. dati pala away ngayon nagsisilbi na sa diyos. dati madungis ngayon makinis. dati pauso ngayon nagpapauso. dati magkaaway ngayon magkasambahay. dati madaldal ngayon pagurl. dati mayabang ngayon mayabang pa rin… hehe… nwei ganyan talaga ang buhay… lumipas man ang panahon maraming bagay pa rin talaga sa ating buhay ang di natin makakalimutan.

ikaw ba? kamusta ang buhay elementarya mo?

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , | 22 Comments

Post navigation

22 thoughts on “paglingon sa nakaraan…

  1. Ooops Una ko…

    Buti ka pa na alala mo ung mga dating klasm8t mo, ako wala kahit malapit lang namn school namin dito…

    naalala ko tuloy ung klasmate ko na natusok ko ng lapis sa mukha mangiyakngiyak sya kasi masakit daw pati yung gurl na klasmate ko shit hindi ko talaga sadya yun natamaan sya sa mata pag ka open ko na payong ayun guidance ako langyan, pero sa totoo lang ang lahat ng un e di ko sadya nadala lang ako ng kakulitan ko T_T

    http://jex009.blog.friendster.com

  2. kung ako tatanungin mo? makasaysayan masyado ang aking buhay elementary.. tulad ng lahat ng bata natutuwa din ako at naiinis o di naman kaya ay naiiyak.. eto ang mga panahon na takot ako sa mga teachers dahil mukha silang nangangain ng buhay. ang isa sa di ko lang naman makakalimutan ay ang pagsapak ko sa aking classmate dahil inaagaw niya ang crayons ko!! wahaha!! ayun dumugo lang naman ung ilong niya and my mom’s so proud of me!! whahah! nga pala, grade school pa lang ako noong makilala ko si soulmate ^^

  3. wow buti pa kyo nagkita kita na ule!! kami nde pa eh.. sobrang miss ko na nga rin sila eh.. hayyy ang sarap nga naman balikan ang nakaraan!!😀

  4. Saya talaga mag-reunion. Daming memories na binabalikan tapos napapangiti ka na lang at napapatawa kapag inaalala ninyo isa isa.

    Alala ko nung elementary noong unang nagka-crush ako obssessed! Hahah..

  5. jex: hindi ka naman warfreak sa lagay na yan ha… hehehe!

    cindy: hehehe konsitidor c mother! gang ngayon ba soulmate pa rin kayo ng soulmate mo? ehhe

    kuletz: tama ka jan masarap talagang balikan ang nakaraan…

    emilayskie: hahaha, natuwa naman ako sa sinabi mo. nawala sa mind ko yang mga crushes na yan ah… at oo, elem nga din ako unang nagkacrush… hehe

  6. ELIment

    ako nung elementary, tahimik at nasa isang sulok lang. kapag hindi kinausap ng teacher ay hindi kikibo. alam mo yhen, isa sa mga masarap balikan ay yong mga nakaraan tulad nito. lalo na with matching tingin sa mga lumang pictures. ngayon nga kpag nakikita ko yong pix ng crush ko nun, naiisip ko, ibang klase pala ang taste ko nun..hehe

    nga pala, tataasan ko na ang porsyento mo, .005 na! pwede naba?🙂

  7. This post brought too many fond memories of my days in elementary school.
    –Since sa probinsya ako nag-elementary, napakaraming garden projects sa school namin. Kanya-kanyang plots ang mga estudyante. Come harvest time, napakaraming kamote at kamoteng kahoy. Busog kami palagi sa ginatan hehehe. I remember we have Agriculture as a subject sa elementary. So every day, required kaming pumasok with a bolo or itak. Nowadays, I wonder if it is still safe to require the students to bring bolo to school.

    –Naalala ko nag-fishing expedition ako sa likod ng classroom ko nung one time na bumaha hehehe. At nakahuli naman ako ng isda hehehe

    Naku, ang dami pang iba. Yes, I had my first crush when I was in grade four hahaha

    Speaking of teachers, da best ang mga teachers ko in elementary. Matitiyaga talaga. I am still keeping in touch with three of them, especially my Grade One teacher. Constant pa rin communication namin even though we live miles from each other. Parang naging nanay ko na nga.

    Thank you for this post. I am inspired to write a similar post, perhaps someday when I get the chance to visit again my former school.

  8. P.S.
    Pahingi ng niluto mong champorado. Paki-LBC na lang hehehe

  9. kuya eli: anong klase ba ang crush mo noon? ehhee… at bakit mababa pa rin ang porsiyento ko? hehehe!

    nortehanon: halos lahat pala nagkaroon ng plots ano? ehhe… cge po antay ko po yung post mo re: this topic din po…

    ps. cge LB ko nalang po yung champorado… hehe

  10. Ang sarap magbalik ng panahon noh? parang ambilis lumipas, Ang araw dumadaan lang ng parang walang nagbabago pero isang araw magigising nalang tayo nagbago na pala lahat. I just posted something about looking back as well, hope you like it. GOoD POST!

    http://perspektib.blogspot.com

  11. hi marlon…

    ang bilis nga talaga ng panahon… haaayy… cge daan ako sa iyo maya maya!😉

  12. best in conduct ako nung elementary, hindi nila alam super mahiyain ako kaya ang bait ko, hahaha

  13. ang nostalgic naman!

    hmm… now you got me thinking… matanda na ako
    lolz
    i graduated elem on 92″ (11 yrs old ako nun)
    and that was 17yrs ago
    oh deym!

    parang gusto kong bumalik sa panahon na yun… naglalaro ng teks, jolens at tumbang preso.
    haiz! ngayon iba na nilalaro ko….

  14. Yhen, kakatuwa naman ang mini reunion nyo hehe. Sana till tumanda kayo eh magkakakaibigan pa rin kayo. Kami din ganyan ng mga HS friends ko. Nagkikita kita pa rin once in a while except me na palagi na lang nang iindian LOL. Ang babata nyo pa pala. 22 am I right? naku habang tumatanda lalo nagiging complicated ang barkadahan at smahan. dapat diba lalao siimple, pero lalao magiging complicated. haha promise.

    Anyway thank you for the visit and I will add you to my feed reader and blogroll para lagi ako mauupdate sa mga entries mo.

    Pax et Bonum Kapatid

  15. hisnameisdencios

    nakakatuwa naman ito.
    nung elem ako halos katulad din ng mga pix mo. kulitan lang.
    ang kulit ng mga pix at beybingbeybi ka pa.
    nagyon tignana mo naman diba? looking pretty.
    ang sarap ng samahan nyo sa mga litratong iyan ha.
    tressure ur frends.

  16. ms kengkay: ako most behave naman noong kinder… harhar… ngayon parang walang kabakas bakas nang pagiging behave. hehe!

    epfi: haha, pina ala ala mo po… ako din naglalaro ng teks noon. parang di babae ano? hahha

    bluepanjeet: 23 po… hehe. add na rin po kita ha.. tenkyu po…

    dencio: hehehe beybingbeybi ba? hehe! pati naman daw ngayon baby face pa rin daw po ako haha… feeling na naman eh…

  17. don’t say badwords.. ang tema ng teacher nyo.. kami ganito.. “get 1/4 sheet of paper..” nyahahaha..

    Join Senior Bloggista Campaign.. See http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details🙂

  18. wahaha… ayows yhen. buti naman text nilalaro mo at hingi tantying at holen🙂

    naalala ko…
    sa sobrang hirap ng buhay sa public elem… tinitipid pati papel.
    kung si jen eh 1/4 sheet of paper.
    nag eexam kami ng “1/8 sheet of paper”
    eh sa laki kong magsulat at sa kinaladkad ng manok ang sulat ko, pangalan ko pa lang eh hindi ko na mapagkasya. pak!

  19. walongbote: hala oo may ganyang exena nga noon… pina alala mo… khit wala naman dapat quiz hane… harhar!

    epfi: tatsing po ba yun? may naaalala pa akong laro eh… yung bawang base at color by color… hehe… kung gamit din lang s askul ang lagi kong nawawala eh yung lapis at bolpen ko… ewan ko ba me nangangain po ata…

  20. ang gaganda naman ng mga kabatch mo yhen…
    may mga boyfriends na ba sila?ü
    God bless!

  21. wow.. sau buhay elementarya.. sakin buhay hayskul… ehehe…

    daming pics… nice ate…

  22. kuya utoy…

    infairness sa mga yan wala pa silang jowa… puro career ang inaatupag…

    vhonne…

    oo mas marm akong memories noong elementary kesa hyskul eh… hehe😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: