simply POWERFUL!

matatapos na pala ang march… napakabilis ng panahon. malapit na ang panahon ng teambuilding, bakasyon grande, at sa iba summer classes. gayunpaman, gusto kong magbigay pugay sa mga 2009 graduates natin. nawa’y gamitin nila ang mga napag aralan nila sa pagunlad ng ating bansa.

sa kabilang banda nakalkal ko sa files ko ang isang souvenir page namin nung nag grad ako. habang tinitignan ko ito eh muling nagbalik ang mga ala ala ko nung colej. hindi ako yung tipong mahilig mag aral o nangangarir sa mga exams. ang mahalaga lang sa akin dati eh pumasa ako. naniniwala kc ako na kahit gaano ka kagaling nung nag aaral mo sa totoong buhay diskarte at tamang pag uugali lang ang kelangan para umasenso. pero di ko naman cnsbng wag pagbutihn ang pag aaral at lalong di ko sinasabi na wag itong seryosohin. ang sa akin lang mas masaya mag aral kapag hahaluan mo ng saya, kalokohan, at kaunting pagpasaway. hehe. aanhin mo kasi ang matataas na grades kung hnd ka naman marunong dumiskarte sa buhay di ba? hehe.

nwei, im proud to say that im a LOUISIAN. opo, graduate po ako ng Saint Louis University, sa Baguio sa kursong Mass Communication. hindi ako nagsisisi na ito ang kinuha ko dahil gusto ko ito. ang batch namin ang isa sa mga bibong batch at sa aking pagkakatanda ito ang aming paninindigan:

I am…

Sleepless…

Starving…

Stressed…

Broke…

…still POWERFUL!!!

n1042205914_30362596_4600139

dahil sa kursong ito, hindi ka masscom kung di mo na experience ang di matulog ng at kinaumagahn eh papasok ka pa ng walang ligo dahil sa paggawa ng mga projects. di ka masscom kung dika mauubusan ng pera sa mahal ng mga production cost. di ka masscom kung dika makakafeel ng pressure sa mga sobrang striktong professors mo na kulang nalang tumambling ka sa hirap ng pinapagawa. di ka masscom kung di mo kering makipagsabayan sa mga celebrity na nakakasalamuha mo. di ka masscom kung hindi makapal ang muka mo (dahil kailangan talaga ito). at dika masscom kung hindi kape ang dumadaloy sa mga veins mo… hahaha!

so ayan ano pa nga ba… para naman may challenge sa loob ng 20seconds tukuyin kung nasaan ako dun sa litrato sa taas. haha!

kaya kung tutuusin masaya talaga ang nag aaral. kaya wag nating itake for granted kung may pagkakataon tayo. ang mahalaga ineenjoy lang natin ito. yun lang naman ang mahalaga sa buhay eh ANG MAGING MASAYA KA SA LAHAT NG GINAGAWA MO. at ito pa ayon kay Bob Ong “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

ngayon pinapaalala lang sa atin na tayo mismo ang nagpapagalaw ng buhay natin. nasa sa atin kung pipiliin nating tahakin ang maayos na buhay o mananatili nalang sa kinalalagyan at hihintayin nalang ang panahong lalamunin tayo ng kahirapan.

for now, il be leaving you nalang with my grad pic THREE YEARS ago. hehe. malaki din ba pinagbago? hahahaha!

gp“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.” – Bob Ong

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 42 Comments

Post navigation

42 thoughts on “simply POWERFUL!

  1. fresh na fresh ang college grad pic ah

    hmm… naalala ko
    wala akong ganyang klaseng pic
    kasi nag inuman kami ng mga tropa ko
    kaya walang nakapunta sa pictorial
    wahaha

    • hahaha… magshot daw ba… sabagay yan yung mga panahong naghahanap ng celebrations… hahaha!

  2. congrats samin. hahaha🙂

  3. hindi naman talaga ko nakikipag paligsahan sa mga klasm8t ko kahit ang hihilig nila dun
    tama yung Bob ong.. aktuwali hindi ko pa talaga lubusan na babasa ang mga libro nyan… sa totoo lang nag aaral ako dahil may gusto lang akong patunayan… lagi nga nila sinasabi sakin “Nag aaral ka ba talagA?” nyehahaha lagi ko lang sagot e “OO at Hinde” nakakainis na kcng sagutin ung mga tanong na un wahaha

    putcha isang taon na lang graduate na ko ewan ko lang kung msabi parin nila ung salitang… “Nag aaral ba?!” wahahhahahahaha

    “Study is useless but the codigo is d best….”

    nakaka miss ung pag aaral, enjoyin lang talaga natin ang buhay A_A

    bb…

  4. miss ko na din ang aking school days!! wow naman! mascom graduate ka pala!! pinangarap ko din maging masom pero some things are just not meant to be.. toinks!! sa lahat ng gragraduate, saludo ako sa inyo!

  5. enjoy

    st. louis ka pala? balita ko magaling na skul daw talga yan sa baguio. at masscom ka pala ha. tama ka dun sa mga sinabi mo neng. masscom din kasi ako kaya lang undergrad. pero naranasan ko rin yung mga sinabi mo na pumasok ng walang tulog. actually meron pero 1hour lang dahil sa sandamukal na mga projects. at naranasan ko rin ang gumastos ng sobra pagkatpos ay biglang nawalan ng saysay dahil nagsipaglayasan ang mga taong responsable para sa editing ng production namin…. hay!

    pero iba talaga ang saya ng masscom… nakakapagod but worth it🙂

    • sabi nila one of the best schools daw sa pinas… di ko lang alam… hehehe…

      masscom ka din po pala… hehhe… enjoy talaga ang buhay masscom…

  6. gudang

    HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWW!! idol! idol ko talaga lahat ng mga gumagradweyt.. imagine naman, nakatagal ka ng higit isang dekada ng buhay mo sa impyerno, ay este sa eskwelahan! GALING MO!😀 hands down!🙂

    pakapalan nga pala.. anyway, pengeng help!😀 thanks!

  7. simplefula09

    wow….galing nmn po…. mhalaga na enjoy po ang skul days….😛
    ganda ng post…..😛

  8. Hulaan ko kung nasan ka dun! Lower left corner, tama ba ako???? weeee.

    nakakamiss din ang college days noh??? Panalo talaga si Bob Ong! =)

  9. Yhen, I agree – Saint Louis is one of the best schools in the country and praise God, you are part of their tradition of excellence. Been thinking of moving up there to teach. I thought it’s a cool idea…

  10. pareho pala tayo ng course. Mass Comm din ako, Broadcast Comm nga lang ang tawag sa skul namin.

    congrats batch 2k9!

  11. masaya bang magMASSCOM?
    nais ko sana iyan eh, kaso nameMENTAL BLOCK ako lagi eh.🙂

  12. waah..gusto ko na ding grumaduate..hehe..mass com ka pala..yan din ang pangarap kong kurso dati pero hindi kinaya ng powers ng parents ko..hehe..ngayon eh sisikapin na lang maging psycho. hehe

    • mgnda din naman ang psych… mas challenging… hehehe.. atleast human science pa rin siya…

  13. Jose

    ‘Kala ko, grad pic ni Mickey Ferriols yung ipinost mo; ikaw pala ‘yon, Yhen!
    Sang-ayon ako sa pananaw ni Bob tungkol sa importansiya ng edukasyon. Katunayan, hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na masamang anggulo tungkol sa edukasyon.
    At ang hula ko naman dun sa pic mo ay tulad din ng kay Joycee: lower left corner.
    Great post, Yhen!
    Take care and GOD Bless you and all your loved ones always!!!

    • hehehe mickey feriols tlge eh noh? yung buntis siya… hahhaa…

      nwei, tama po ang mga hula ninyo… kao nga yung nasa baba… hahha…

  14. naitago mo pa din ang grad pic mo ano? ganda ng lola ko talaga oo..whew

  15. Wow ganda naman ng grad pic mo sis. Wala ka pa rin pinagbago. Beautiful as always ka pa rin. SLU ka rin pala. Pa-graduate na jan ang pinsan ko ngayong April. Chem naman sya.

    Ganda ng mga sinabi ni Bob Ong. Katuwa talaga yan.

    • wow astig naman ng pinsan mo… ang hirap ata ng chem… baka tutumbling ako pag yun ang kinuhang course… hehehe..

  16. Huwaw! Pretty Yhen, ang ganda naman ng kuha mo ,iha, dyan sa grad pic mo. Hmn, ako kaya, nasaan na kaya yung grad pic ko? Tagal na kasi nun eh hahaha! Napaghahalata kung gaano na ako katanda hehehe

    What a nice post. You are encouraging students to keep on and study well.

  17. ELIment

    astig yong grad pix m ah..henyo talaga si bob ong. hehe

  18. very nice recollection!

  19. ced

    wow! tiningnan ko tuloy gradpic ko! hahaha
    gusto ko na ulit magpagradpic. sana makatpos nadin ako! hehehe

    at astig tlaga mga quotes ni bob ong!

    ingats palagi=p

  20. dencios

    yhen ang masasabi ko lang, maganda ka at masipag at smart talaga. kaya nga crush kita..

    • hahaha salamat papa dence… kung close lang tayo maniniwala ako… hahhaa! panay ka kc bola kuya…

      nwei, update ka naman… nu napo ngyayri sa iyo?

  21. wow payat ka pa nun ah…jejeje!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: