going NORTH…

for sure, sa mga panahong ito you are already planning a bonggang bonggang summer escapade. kung napag isipan ninyong mapadpad sa Ilocos Norte ang mga sumusunod ay ang mga lugar na huwag na huwag ninyong kaliligtaang puntahan. Ilan lamang ang mga ito sa mga historical places sa Norte.

Juan Luna Shrine

Location: Badoc, Ilocos Norte

Description: It is a reconstruction of the two-storey house where the famous Filipino painter, Juan Luna, was born. Makikita mo dito ang mga paintings ni Luna kabilang na dito ang kanyang sikat na work of art na Spolarium. May mga antiques o lumang gamit din sa loob nito na ginamit pa ng mga magulang ni Luna. Gayundin, may mga litrato ng orihinal na itsura nang nasabing bahay.

lunashrine08

lunashrine13

St. Augustine Catholic Church (Paoay Church)

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: This church was established by the Agustinian Fr Antonio Estavillo. Gawa ito sa corals and bricks. At sa maniwala kayo o sa hindi kabilang ito sa UNESCO’s world heritage list.

paoaychurch20

dsc00293

Marcos Mausoleum and Museum

Location: Batac, Ilocos Norte (my hometown yehey hehe)

Description: It showcases the memorabilla of the late Philippine President Ferdinand Marcos kasama ang kanyang labi na makikitang nakacover sa isang glass coffin. Kung nais pa siyang makilala, why not visit him one of this days.

marcos03

marcos10

imelda-1b

St. Williams Church and Sinking Bell Tower

Location: Laoag City

Description: This is one of the biggest cathedrals in the country and became the seat of diocese in Laoag. 85 meters away naman eh matatagpuan ang Sinking bell tower. Dati kasyang kasya pumasok ng kabayo kasama ang kanyang amo sa pintuan nito ngayon kailangan mo ng yumuko para makapasok. Ayaw mong maniwala? subukan mong pasukin ang tower na ito.

cathedral13

cathedral08

Malacanan of the North

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: Ito ang official na bahay ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matatanaw mula sa labas ng bahay ang mahiwagang Paoay lake. Ang salitang malacanang ay nagmula sa salitang tagalog na ang ibig sabihin ay “may lakan diyan.”

malacanangnorth12

malacanangnorth18

kung trip niyo naman ay mag beach o magsunset. di din papahuli ang Ilocos Norte jan.

Pangil

Location: Brgy. Pangil, Currimao, Ilocos Norte

Description: Dito makikita mo ang iba’t ibang rock/coral formations. Kung saan maari ka pang magtampisaw sa mala-pool na binubuo nitong form.

dsc00300

Suba Beach and Sand Dunes

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: Near the famous Fort Ilocandia is the famous Suba Beach. If ang trip mo eh payapang dagat na maitim na sand, ito ang sagot sa hinahanap mo. Sa kabilang side nito ay ang Sand Dunes. Hindi lang sa maiinit na lugar tulad ng Dubai may sand dunes, sa Paoay matatagpuan mo rin ito.

near_suba

Bangui Windmill

Location: Bangui, Ilocos Norte

Description: This is compose of 15 windmills kung saan lined up sa shore. Dito nagmumula ang kuryente sa ilang bayan ng Ilocos Norte. Ito ay may 70 meters high at ang blade nito o paling-paling sa ilocano ay 41 meters long. Ito ang natatangin at unang windmill sa buong Asya.

windf101

Pagudpud White Sand Beaches

Location: Pagudpud, Ilocos Norte

Description: Located ito sa pinakdulong part ng Ilocos Norte. Famous ang town na ito sa mapuputing buhanging handog ng kalikasan sa kanilang seashore. Maliban dito makikita din ang Patapat Bridge kung saan nasa pagitan ito ng dagat at bundok papuntang Cagayan, Paraiso ni Anton kung saan maaring akyatin upang maramdaman ang malamig na tubig mula sa bundok, at ang Blue Lagoon na kung saan madidiskubre ang hiwagang handog ng karagatan.

dsc00407

kung food trip naman ang hilig mo ito ang para sa iyo

Empanada

Where to eat: Riverside/Empanadaan, Batac, Ilocos Norte

Description: Ang Batac Empanada ay isa sa tinaguriang pinaka-best empanada sa buong Pilipinas kung kaya’t nagsagawa ng festival na nagbibigay pansin sa pagkaing ito. Binubuo ito ng kinayas na papaya, longganisa, itlog, at monggo.

dsc00269

Miki

Where to eat: Pick a Bun, Batac, IN or Jade Karla Foodhouse, Currimao, IN

Description: Maliban sa empanada anjan din ang Batac Miki. Homemade ang noodles nito na ishashape ng sobrang nipis ang flour. May kakaibang aroma at lasang Ilocano ang noodles na ito kung kaya’t dont miss to taste this also.

batac-miki

Bagnet

Where to buy: Batac/San Nicolas/Laoag Market

Description: Deep-fried pork belly. best served with KBL (kamatis, bagoong, lasona/onion). Parang lechon-kawali na mas prito. hehehe. basta ganun.

bagnet2

Cornik (chichacorn)

Where to buy: Paoay, IN

Description: A deep-fried corn-kernel delicay. Malutong na mais na masarap pang meryenda.

img_chichacorn

so what are you waiting for? bisitahin na ang Norte para sa mas exciting, mas challenging, at mas bagong adventure sa buhay.

…at dahil summer na nga hindi na ako nagpahuli jan. last weekend nagkaroon kami ng sem-ender activity sa church namin. dahil wala namang beach dito sa Nueva Ecija, nagpool nalang kami. we spent our time at Blue Waters Resort located at Bakal III, Talavera, Nueva Ecija. 50 pesos ang entrance at kung balak mag nyt swim eh magdadagdag ka lang ng 30 pesos. medyo nahimasmasan naman ako sa swimming na ito…

kantahan blues

kantahan blues

effort yan

effort yan

ate at kuya

ate at kuya

makulit na bata

makulit na bata

pagurl na bata

pagurl na bata

sa gilid

sa gilid

malamig-paakap nga...

malamig-paakap nga...

jump-off

jump-off

d thinker

d thinker

talon na

talon na

dive

dive

maliban jan, ito na yung litrato kong may bangs… pasensiya na di kc obvious dun sa nilagay ko. pero ito pilit na pilit lang ha. ayan, sige naway mag enjoy kayo sa magiging bakasyon ninyo. huwag niyong kaligtaang dumalaw sa bahay ko ha. hehe.

larawan1146

larawan11471

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 22 Comments

Post navigation

22 thoughts on “going NORTH…

  1. parang pumayat ka ahπŸ™‚

    uyy kasama sa plano ko yan pag uwi ko
    badoc and vigan

    thanks for the heads up

    • pumyat? dm nga po nagsasabi… hahha joke…

      i think vigan is a nice choice too if you are interested to historical places…

  2. ELIment

    ang ganda talaga ng ilocos. tamang tama to..alam mo ba na kasalukuyan kaming nagpa-plano ng team duilding dito sa ofis at ang destination…. ilocos!

    lilibutin namin ang kasuluksulakan ng bayan mo kaya siguradong extiting to. bagaman napunta na ako sa mga magagandang lugar na yan, excited parin ako..kase type na type ko talaga ang vigan at syempre ang beack sa pagugpod!

    • wow talaga? pwede kayong magstay sa Philrice batac kuya for accomodation. i think 100 lng ata per nite sa dorm dun… pero if pagudpud kayo overnyt i think apo idon is one of the best resorts there.

  3. Ang ganda naman talaga jan sa Ilocos. Jan nagmula ang mga parents ng jowa ko eh.

    Gusto ko yung wind mills. Sana talaga lagyan na lang buong Pilipinas nyan ng wind mills para mas mura ang kuryente. Tutal lagi naman malakas ang hangin kung saan-saan da vah? Kaso summer ngayon. Mas applicable siguro ang solar power energy. Hehe..

    Ang cute naman ng pictures nyo. Kaso mas nagutom ako eh. Teka makabili nga ng empanada.

    • hahaha tama bka nga mas mura ang kuryente pag nagkataon…

      san sa ilocos ang boylet mo?

  4. sandijmartin

    pasyal ka nanaman… pwede bang maging bodyguard nyong dalawa para libre rin pasyal koπŸ™‚

    Grabe ganda ng Ilocos… ilang taon na rin yata ang huling punta ko dyan..

  5. joycee

    Angganda ng beach! Angganda palaa sa Ilocos, well kelan kaya ko makakapunta jan? hehehe.

    Salamat sa tour Yhen!πŸ™‚

    • try going there this holyweek… i think the beaches here is one of the best places in the Philippines wer you can have your muni muni… hehe

      • naku fully-booked na ang Joycee ng April at May waaaah.

        Pero gusto ko magtravel sa buong PIlipins bagu lumabas ng abnsa. Kanina binalita sa TV Patrol yung Currimao, magaganda nga beaches nila dun. 8-10hrs daw ang landtrip hehe.

        Pupunta ko jan!!!!!

        • tama yun nga yun yung fineature sa tv patrol…

          alm mo ba tambayan namin ito nung highschool ako… pag ala kming pasok dito ang deretso namin… bonding moments lang… dito din nabuo ang ilan naming pangarap…

          tulad ng…

          sana pag kinasal ako ibababa ako ng helicopter sa mga rock formations na yan etc etc…

          or sana pag nakagraduate na tayo makapagtayo ng sariling resort dito etc etc…

          ayun naunahan na km… may nag invest na dun ngayon…

          dati talaga wla kang mkikita sa kbilang side nun kundi bundok na maraming puno at halaman ngayon may mga resorts na at mga cottages… ang bilis talaga ng panahon… naisip ko tuloy tumatanda na nga ako… hehe

  6. wow ganda ng pics.naalala ko ang holy week trip namin ng barkada noon. pumunta kami vigan,abluarte ni chavit at pagudpud.sarap ng empanada!!waaaaa.

    developed na ba ang pagudpud yhen?kasi nung pumunta kami hindi pa masyado.

    • yup medyo asenso na ang pagudpud ngayon… magaganda na din ang mga resorts…

      nakarating din pala kayong baluarte… hehehe.. mgnda din ang vigan lalo na sa gabi…πŸ˜‰

  7. wow enjoi na enjoi keo sa bakasyon..kainggit…ahahay

  8. sarap naman ng buhay oh..pagalagala na lang..sana makapagliwaliw din ako ngayong summer!πŸ˜€

  9. ced

    wahhh! buti ka pa nakagala na! sarap magbakasyon, kitang kita naman sa inyo! hehehe

    nagutom ako sa food! huwaw!

  10. ay naku yhen, nakarating na ako dyan sa bahay ni apo makoy sa paoay at sa kanyang kinabuburulan sa batac at talaga namang nag enjoy ako..di talaga magsisisi kapag nagpunta dun ang isang turista..palibhasa e taga dyan ka kaya alam na alam mo ang lahat ng pasyalan ano?

    • di naman po sa alam… nagkataon po kc nung bata ako kapag may bisita cna mami at dady galing abroad o galing sa ibang lugar sumasama talaga ako pag pinapasyal nila… kaya alam ko po yung mga tourist destinations dito…

      grabe po ang IN ngayon sobrang developed na siya for tourists talaga…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: