OPINION MO…

Yesterday was  another big day to some 15,000 Filipinos who actively participated in a rally against chacha or conass. Laman siya ng mga pahayagan, telebisyon, radyo at maging sa web. but honestly, I still can’t understand what chacha or conass is all about, siguro until the time na mag effort ang mga nagpasa nito na ipaliwanag ng MALINAW at HUSTO sa taong bayan kung ano man ito saka ko lang maiintindihan ang batas na to.

However, ano man ang dahilan nito iisa lang naman ang gustong ipahayag ng ilang mga Pilipino, at ito ang hindi pagsuporta sa administrasyon at sa pagextend o pagtakbo uli nito sa susunod na taon.

As I was browsing the net, natagpuan ko ang isang article sa Inquirer na pinamagatan How the students want their President to be?

And here are some of their answers:

“Someone of great moral integrity- who is able to gain the trust (and support) of the people even if one’s decisions are contrary to the public mood.”
-Anthony Paul Pasia, Ateneo de Davao University 2006

who will be the NEXT BIG THING?

“I want a leader with strong ethical and moral standards, someone who has a word of honor in terms of standing up for the rights of the people and to serve the common good.”

-Tieza Santos, Ateneo de Manila University 2006

“I’m looking for a leader who is good in his action not only to what he preaches and exhibits a kind of leadership which comes from the heart, for service and not for the popularity or money.”
-Dun King Saucejo, Ateneo de Davao University 2008

Ayan so if I were to ask you HOW DO WE WANT OUR PRESIDENT TO BE? what would be your response?

Ano nga ba ang hinahanap natin sa isang Presidente? Sino nga ba ang may ganitong katangian?

On the other hand pala, today eh TREE PLANTING at MASS WORK ang buong PhilRice.

Our best for our farmers...

Our best for our farmers...

This is to keep the place clean and environment friendly at ang mahalagang factor jan eh ang pagparticipate ng lahat dahil lahat tayo responsable sa ating mundong ginagalawan.

Isang bansa, isang diwa

Isang bansa, isang diwa

at dahil bukas eh Independence Day… hope everyone will do his/her part. Its not about memorizing our National Anthem nor putting our Flag in designated areas, its not about using it as a design to our clothing nor bodypainting but to embrace our country with all our hearts and soul. To the extent na pahalagahan natin ito sa pamamagitan ng pagpreserve ng ating kultura tulad nalang nang kagandahang asal na mula pa sa ating mga ninuno at pagpapahalaga sa mga iba pang pinamana nila. Of course, its not easy dahil sumasabay din tayo sa pagbabagong dulot ng panahon pero sana kahit minsan huwag din nating kalimutan ang ating nakaraan kung saan natuto tayong tumayo bilang mga Pilipino. wag naman tayong gagawa ng mga bagay na ikasisira ng ating bansa, kung talagang mahal natin ito sa atin mismo magsisimula ang pagbabago tungo sa pag unlad ng bayang ito. tulad nalang nang sa commercial ng Smart, tanungin din natin ang mga sarili natin kung ano na ba ang nagawa natin sa bayang ito? ano nga ba mismo ang nagawa mo at partisipasyon mo na masasabi mong naging

tayo mismo

tayo mismo

bahagi kang ng kaunlarang gustong makamtam. wag na nating tignan o husgahan ang mga taong namumuno sa atin, oo partly dapat nagsisismula sila s apagbabago pero dapat gawin din natin ang part natin bilang mamamayang Pilipino. ang hirap kasi sa atin gusto natin iba ang gagawa iba ang mag sisimula pero tayo makikinabang. alisin na din kasi natin ang ugaling pagsisisi sa iba, harapin natin ang katotohanang wag tayong aasa sa iba.

at dahil jan, napansin ko lang napakadami ng sumulat sa wall ng AKO MISMO, na as of 11AM today (June 11, 2009) eh umabot na ng 174,084, pero ilan ba dito ang naisakatuparan ang mga binitiwang salita? Ikaw, ano na bang nagawa mo sa bayan mo?

Happy Independece Day to everyone!

Categories: Blogroll | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 46 Comments

Post navigation

46 thoughts on “OPINION MO…

  1. A call to pinoy blogs and bloggers to link blogs on HR 1109

    We are issuing this call to all pinoy blogs and bloggers to link to other blogs discussing or posting on the issue of the House Of Representatives passing HR 1109 in congress. Link to these blogs even if your blog’s topic is not on anything related to HR 1109.

    HR 1109 is one the most important actions of the current congress that will affect the whole country and our lives.

    Let us link together to give pinoys the opportunity to be properly informed on the issue so that they can intelligently decide on their own or join a group to take action.

    clicke here: http://tinyurl.com/cn3yxw

  2. Pingback: a call to pinoy blogs and bloggers to link blogs on Con-Ass HR 1109 « 2010 Presidentiables

  3. Gunitain natin ang mga nagawa nang ating mga bayani upang makamit ang kasarinlan nang ating bayan. Isabuhay ang kanilang mga pinag laban at wag natin silang kakalimutan. Alalaahanin natin sila hanggang ngayon sa makabagong panahon at matuto sa mga naging hamon ng kasaysayan. Kahit sa maliit na paraan tulad nang pagtatanim ay makakatulong sa pagbabagong inaasam ng atin bayan. Tulad ng isang halaman, kapag minahal at inalagaan ang ating bayan magiging isa itong maunlad at mayabong na bansa. Kailngan lng ng ating pagsisikap at pagkakaisa upang makamit ang inaasam. Wala sa pangulo o kahit sinong nasa gobyerno maguumpisa ang pagbabago. Kungdi ako mismo, ikaw mismo, tayong mga pilipino ang sagot sa pagbabago.

    Nice post ms. yhen.

    • mas mabigat pa mga salita mo kesa sa akin ah… hehehe nwei tnx for sharing your thoughts…😉

  4. “Ang gusto ko sa isang lider may paninindigan at pinapahalagahan ang saloobin ng kanyang nasasakupan. ”

    – Jubert John Marzan, Bicol University Tabaco Campus 2009

    hapee independence day sa lahat ng pinoy! mabuhay ang pilipinas! mabuhay ang mga pilipino!

  5. kung mga kabataanlang ang masusunod

    edi si Chiz na mananalo!!

    Go Sir Chiz!!!!!

    gusto ko nung dog tag ng ako mismo. 40 pesos daw isa
    at ang proceeds a mapupunta sa charities… sabi yan ni kuya Otep

  6. bukas mag cecelebrate din kami ng independence day..
    EB portion hehe..:)

    ung dog tag parang masayang makiisa pero walang time para makapunta..hirap talaga pag may trabaho hehe…

    hmmm..di ko pa din alam kung sino ba ioboto ko..at sino ang karapat-dapat..

    napadaan ate..:)

  7. jodi

    wala na atang katahimikan ang ating bansa na pinamumugaran ng mga hunghang na mambabatas..iwas pusoy kase si gloria dahil tiyak na parurusahan sya sa susunod na di na sya presidente..itutulad sya sa nangyari kay erap…

  8. agree ako kay kuya Jason. kay Sen. Chiz ako.🙂

  9. ELIment

    kanina habang nagbabasa, medyo madaming naglalaro sa isip ko. tulad ng pagpili ng magiging pangulo, at iba pa. pero pagdating sa dulo, medyo matindi yong tanong mo. hehe. oo nga sa totoo lang. sa bayan kase natin na namulat sa kulturang banyaga, ang paggawa ng mga bagay para sa bayan ay hindi priority.

    kami sa samahan, isinusulong namin ang pagmulat at pagpapahalasa sa ating sariling kultura. dahil ito ang identity natin..ito ang kabuuan natin. pano tayo makakalayo kung hindi natin kilala ang pinagmulan natin?

    hindi pa ako nag-reg sa ako mismo, pero kung mag-reg man ako…sasabihin ko, AKO MISMO ANG MAGTATAYUYOD NG MULING PAGPAPAKILALA AT PAGBABALIK NG MGA LARO NG LAHI.hehe yan kase ang naumpisahan ko na.

  10. thanks for dropping by my blog, your blog has been bookmarked…

  11. ang hinahanap ko sa presidente eh yung tunay na may malasakit sa mga mahihirap. it’s time to help the needy! andami pobre sa pinas!😦

    count me in🙂

  12. I want a President na selfless, hindi mahilig sa nepotism at hindi mahilig magpataba ng bulsa!

    May pag-asa pa ba tayo?😦

  13. sandi

    isang presidenteng marunong gumamit ng kapangyarihang pinagkatiwala sa kanya ng mga tao😉

  14. dencios

    simple lang naman ang gusto ko:

    Leader na hindi nangaabuso ng kanyang kapangyarihan!

    • ang tanong eh meron pa ba nun kuya db? myb wer expecting too much or searching for a leader na di naman talaga nag eexist… haaay

      • dencios

        yhen, mahal ko, anu ba kasi ang gustong leader ng tao, HERO? LOL

        • hehehe malamng yun nga ang hinahanap ng tao… gusto nila si superman or si batman ganyan… hehe

  15. sana dumating na sa Pilipinas ang pagbabago.
    Matagal na tayong pinamumugaran ng corrupt.

    May pag-asa pa ba tayo??

    sana meron…

    Hi ate yhen!!!

    • tama… matagal na tayong pinamumugaran ng corupt.. hanggang kelan ba to?

      Hi jason!

  16. Jasom, ba’t boto ka kay Chiz? May nagawa na ba sya na masasabing nagkaroon ng major impact para sa bayan? hehe, napaka-seryoso ata ng tanong ko.

    • actually natanong ko din yan… mdmi may gusto kay chiz pero ang tanong ano na bang nagawa niya?

      • baka kasi napagkamalan nilang si chiz yung kumanta ng tatsulok at halleluyah lol

        di ba magkamukha sila ni bamboo? lol

        • hehehe malamng… nagkataon lang cguro talaga na hawig niya c bamboo… hehehe… plus factor yun…

  17. hindi ko alam kung boboto ako sa 2010. parang wala naman kase akong mapili sa mga kakandidato. lahat sila may mga pansariling iteres.

    sana makapasyal ka din dito…
    http://momsupsndowns.blogspot.com

    salamat at God bless!

  18. usually naman sa ngayon yung mga iniisip ng mga tao puro pang sarili.. pero para sakin hindi natin kelangan ng mabuting mamumuno.. dahil nasa atin parin naman, nasa sarili natin kung tayo mismo gagawa ng magandang pagbabago..

    • very well said…

      kaya dapat bago pa maghangad ang isang Pilipino na maging pulitiko kelangang ang pagbabago magsimula mismo sa kanya di lang puro pangako…

  19. Sana makamit natin ang tunay na pagbabago.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: