makabayan? o nakiki uso lang?

natanong ko sa sarili ko yan nang minsang bumyahe ako sa Maynila na halos lahat ng sasakyang nakikita ko mapa jeep, taxi, tricycle o kahit dmax, innova, crosswind, starex atbp ay may nakikita akong Philippine flag.

car_philflag

kahit saang banda ako magpunta eh nakakakita ako ng watawat ng Pilipinas. nagpatulong nga ako kay pareng google na maghanap ng mga larawang meron nito at infairness di siya nahirapang maghanap. ito ang ilang mga resulta:

1. Sa sumbrero

ne_ph_3

2. Sa mga T-shirts

filipino_flag_peace_tshirt-p235121091662015684trlf_400

3. Sa mga jackets

6a00d4142090c86a470110181c4e98860f-320pi

333634823v2147483647_350x350_Front_Color-Black

4. Pwede din siyang gawing dog tag

phillipinesw

5. Body paint

philippine_flag_by_model

6. Tatoo (pauso ni Batista yan)

batistaflag1

so ayan, ilan lang ang mga yan. halos lahat na nga ng gamit pwedeng lagyan ng Philippine flag. di naman masama iyon dahil kahit papano nakikita natin kung gaano ka-proud ang mga Pinoy na Pinoy nga sila (tayo) pero makatarungan pa rin ba minsan ang paggamit nito?

kikodi ko alam kung nauso lang ito dahil na rin kay (pareng) kiko. pero ang pagiging makabayan eh di lang ganun kababaw eh na maglalagay lang ng aninag ng watawat eh makabayan ka na. ang pagiging makabayan ay lifestyle yan, isinasapuso at isinasagawa, di lang puro pakitang tao. ganito lang yan eh, yun bang sasabihin mo isa kang Kristiyano pero taliwas lahat ng ginagawa mo sa pagiging Kristiyano na naayon sa Bibliya. hindi ba pagiging impokrito iyon?

ikaw ba? natanong mo na ba sa sarili mo kung nakiki uso ka lang ba o makabayan ka talaga? sana naman bigyan nating hustisya ang pagladlad ng watawat natin. mahalin natin ang bayan natin. di lang ito panandaliang responsibilidad kundi habang nabubuhay tayo, habang may dumadaloy na dugong Pilipino sa atin, habang nasa Pilipinas tayo, matuto nating pahalagahan ang bayang ito.

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, politics, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 50 Comments

Post navigation

50 thoughts on “makabayan? o nakiki uso lang?

  1. naku sis, naloka ako dun sa litrato na bold star ata yon tapos may suot syang watawat..di ba bawal dapat yon kase iginagalang ang watawat at di dapat hinahaluan ng kung ano man na kahalayan..ewan ko ba, makabayan ba yon?

    • hmm.. big question di ba? sana marealize nila (ng mga Pilipino) ano ba talaga ang essence ng pagiging makabayan…

  2. dencios

    aba may punto ka.

    teka hmmm…

    tingin ko kasi uso ang mga iyan ngayon e so pag uso makikiuso pero sa kabilang bansa since uso nga e di magiging proud ka wearing it.

    maganda ba ang ganyang attitude? hinde! hehe e kasi naman pag hindi uso yan BADUY ang feeling mo/naten

    pero ako, uso o hindi proud ako lalo as an OFW na humaharap sa ibat ibang lahi.

    aba pango ata ako!

    takecare yhenπŸ˜€

    • Bilib talaga ko sa mga katulad mo kuya Dencio. kasi kahit nasa ibang bansa ka na/kayo proud pa rin kayong mga Pinoy kayo.

      i think yun ang mahalaga dito eh. maging proud na Pinoy at pangalagaan ang pangalan sa ibang bansa para kahit sa ganoong paraan eh makikita sa atin ang pagiging makabayan natin.
      πŸ˜‰

  3. Very nice entry Yhen. Tama ka na ang pagmamahal sa bayan ay hindi basta basta naipapahayag sa pag-gamit ng simbolismo ng ating watawat…

    Ang iba nga ay mali pa ang pag-gamit… Hindi ito pwedeng gawing disenyo ng damit. Hindi rin ito pwedeng gawing damit.

    Pwede itong maging bahagi ng ating mga damit kung ito’y ginamit bilang watawat mismo na simbolo ng ating bansa kaya pwede yung nasa itim na jacket…

    Being nationalistic is more than just self-expression in terms of art. Being nationalistic would mean to act for the betterment of our country and for our fellow Filipinos.

    Wearing clothes with flags is not enough. Paying taxes is not enough. Simply going out to vote is not enough. We need to make a difference, for being nationalistic is not a one time deal, for we are and we will be Filipinos for the rest of our lives.

    • i agree po dat being nationalistic is more than just self-expression….

      its not because we have our Philippine flag in our items eh makabayan na tayo, being nationalistic is something that we think for our country’s sake first. yun bang iicipn natin lagi na bago tayo kumilos o bago natin gawin ang isang bagay tatanungin muna natin mga saraili natin kung makabubuti ba ito sa bansa natin.
      πŸ˜‰

  4. Ang ating watawat ay simbolo ng ating iNang bayan at pagka pilipino..Saan man panig ng mundo basta’t may pilipino taglay ang simbolong ito… at ang simblong ito ay nananahanan sa ating mga Puso.

    Napaadaan lang kabayan, at nagbibigay pugay na rin sa entry mo na ito bilang isang makabayang pilipino.

  5. not exactly makabayan. siguro fashionable..but at least they are trying diba. this is a very nice post. you really took the time to compile all of those examples

    http://kcatwoman.blogspot.com/

  6. Being Pinoy siguro hindi naman yan sa pag lagay ng flag o kung paano eto gagamitin. Minsan karamihan din sa atin, kapag daw nag english na tayo di na daw tayo makabayan. The only thing that defines us a true Pinoy is learning about ourselves and learning where we came from. Then we will know where we can place ourselves.

    I like the black hoodie.

    • The only thing that defines us a true Pinoy is learning about ourselves and learning where we came from.

      TRUE!

      kilalanin natin ang ating mga sarili.πŸ˜‰

  7. kewl.galing.well, pagiging makabayan or nakiuso lang, it still rocks to be pinoy!

    ganda ng jacket.pwedeng yan na lang gift mo sakin yhen?

    • hahaha sure sure… kelan ba birthday mo? kelangan kapalit ng jacket na yan eh isang box ng beryls chocolate… yung iba ibang klase ha… hahaha

  8. Ganyan talaga ang mga makabayang Pinoy,ipinagmamalaki nila ang pinangalingan nila. Pero mas maganda siguro at honorable na tao kapag babalutin ng flag ang kabaong. Iyung kuya ko ng namatay ay binalot ng American flag ang casket niya at mayroon pang 21 gun salute ng US Marines.

    • i think sir cocoy may ganun din sa pinas yun nga lang yung mga opisyal lang na matataas ang ginaganun… hehe

  9. nakakaasar yung mga ganun nuh? feeling ko eh nakikiuso lang.πŸ™‚

    • cguro nga darwin.. pero di naman masama maki uso diba? ang mahalaga alam ang dahilan ng pagiging makabayan…

  10. nako yhen isa kang certified makabayan

    dahil nakasama mo sa pic si mr. kiko!!!

    hehehehe

    gusto ko ng jacket!!!

    naalala ko nasa gloves ni pokwang
    yung flag of the Phils

    tapos sinita sya ng MTRCB

    • hmm di ko ata nabalitaan yung kay pokwang ah… hehe

      ang gwapo ni kiko grabe… ang amo ng muka…πŸ˜‰

  11. aun oh kasama ni ate si papa kiko eehehe..

    akswaly gusto ko bumili nung cap na ganyan hehe..

    kasi ung meron ako tahi na 3 star and the sun lang hehe..

    yap di naman masamang ibandera lalo ang watawat ng pilipinas un nga lang may time na..ginagawa lang syang pang porma..

    basta ko im proud to be pinoy.. rocks..

    • cge cge… sb mo eh… hehe…

      teka… tanungin nga kita bakit gusto mo ng ganung design?

  12. ayun oh, may picture ni francis m! hehe.

  13. hmm, good start na rin ‘yung paggamit ng sarili nating flag. ang totoo, natutuwa nga ako na preferred na ng mga pinoy ‘yung design ng flag natin kesa sa design ng flag ng us (star spangled ) o canada ( red maple leaf ) o di kaya naman eh sa uk ( union jack ). kung d’yan maguumpisa ang makabayang lifestyle, eh ‘di good ‘di ba?πŸ™‚

    and, i’m naiingget sa pic mo with the master rapper!

    • hmmm a different perspective… at some point totooo din yang sabi… dis is a good start nga…πŸ˜‰

  14. gandang tanghali

    ate yhen!!!

    nako!!!

    di pa ko kumakain lagot!

    hehehehe

    kain po!!

  15. para sa akin, isa itong sinyales o pagpapahayag ng pagiging makabayan ng isang tao… nakakatuwa…

    MABUHAY ang Pilipinas, punitin natin ang mga sedula…. toinkz

  16. hindi ko kinaya yun body paint haha

    agree ako sa sinabi ni coolwaterworks!

    padaan yhenπŸ™‚

  17. ay mali di pala .. damit pala yun haha toinks!!! erase eraseπŸ˜€

  18. narr, i am essentially against this type of publicity. “nationalism” is now being sold as apparel. and even dog tags?! haha marketisation, indeed.

  19. Aba maganda at makabayan ito!
    Bagaman madaming naki2uso lang, para sa akin okay narin ito.at least, khit panu alam nating mas gusto na ng pinoy ang sarili nating tatak kesa sa tatak ng ibang bansa.hndi na tau nahi2ya bgkus ibinabandera na talaga!madami na talagang proud pinoy!at ang maganda dito, naging part ito ng fashion ky palagay ko pgtagal ng konte magiging masmalalim pa ito.2lad ng emo at hiphop diba naging way of lyf tlga sya?
    Siguro kaunteng direksyon nalang at respeto sa bayan.direksyon pra pra gabayan ng wasto ung mga nkiiuso para maging 2nay na pinoy sa isip, sa salita, sa gawa at sa porma!

    • naku way of life na po ba talaga ang tawag dun kuya? hmmm

      cguro ang mahalaga eh mahal natin ang ating bansa and wer proud to be pinoys…

  20. regin

    you dont really care whatever purpose they may have, at least they have the voice and action sayin im a Filipino / kahit gaano kaliit and action at least di ba. maski nakiki uso lng.

  21. Mabuhay ang lahing Pinoy!

  22. rockwitralph

    Gusto ko ang mensahe ng artikulong ito.

    Keep up the goodwork Kabayan!

    Rocky

  23. isa kang bayani kaibigan!! Mabuhay ka!πŸ˜„ MABUHAY ANG MGA PINOY..

  24. Andrew

    Ganda ng iyong isinulat kabayan. Totoo ang karamihan dyan. Pero meron din kagandahan ang mga pa-uso na yan. Marami sa ating mga kababayan ay nawalan ng patriotismo sa ating bayan. Sa ganitong paraan nalamang nila nagagawa na maipaalam na sila parin ay may dugong Pinoy, na sa mata ng iba ay isang kababawan. Ito ay di isang ihemplo ng pagiging impokrito ngunit indibidualismo ng bawat tao.
    Di tayo lahat perpekto, may pagkukulang din tayong lahat sa bayan natin. Ang tunay na Pilipino ay isinasabuhay sa isip, salita at gawa di man natin magawang lahat ng tatlong yan makakurot man lang ng isa. Sa isip at gawa lumalagay ang mga produktong yan na alam nila na sila parin ay puso para sa inang bayan. Sa pamamagitan nuon ay may patriotismo pa palang nanalantay sa dugo ng bawat indibidwan na yan na doon natin tunay na mauunawaan.

  25. monkey d natzu

    bastat tayoy pilipino, makabayan tayo

  26. monkey d natzu

    Ganda ng cup .. Astig !πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: