Laruan

may mga bagay, na itatapon mo na mapakikinabangan pa pala ng iba.

tulad nalang nang batang nadaan ko sa liblib na barangay ng Pagadian City, Zamboanga del Sur. hindi ko napigilang mapalingon sa kanya di dahil agaw pansin ang itsura niya kundi dahil sa bagay na hawak niya.

DSC04335 copymarami ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang sasakyang laruan na tila gawa pa sa isang lagadera (container).

naalala ko ang kabataan ko. naalala ko na minsan sa buhay ko natuto akong matuwa sa mga simpleng bagay lang sa mundo. yung tipong ang silbi mo lang sa buhay ay maglaro. ito ang mga panahaong payapa pa ang isip at walang konsepto ng problema.

sa kabilang banda, naisip ko bigla ang kinabukasan ng batang ito. nakahahabag dahil kapag nagagawi ako sa mga mall, Nintendo DS o PSP na ang hawak ng ilang kabataan. ang ilan pa nga ay de-remote na na laruan. ito yung tinatawag nilang ‘grassroots’ na karamihan sa atin ay di pa nakikita ang ganitong buhay o sitwasyon sa Pilipinas.

ang batang ito ay nagrerepresenta sa komunidad na kinalakihan niya. ilan pa kayang kabataan sa kanyang lugar ang katulad niyang masaya na sa ganito kasimpleng laruan o sa ganito kasimpleng buhay?

DSC04331 copymatuto tayong magpasalamat sa kung ano man ang mayroon sa atin ngayon. matuto nating tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto natin ay nakukuha natin agad.

isipin nalang natin na kung ganito ang buhay natin ano nalang sila diba? sila, na kahit sa hirap ng buhay nagagawa paring mamuhay ng payapa at may ngiti sa mga muka.

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 76 Comments

Post navigation

76 thoughts on “Laruan

  1. boypulubi

    pwede bang magtanong? base ba ako dito?

  2. boypulubi

    Batang mayaman o mahirap man, simpleng saya lang ang kagustuhan. Bigyan mo lang ng malaking karton, ito’y paglalaruan na. Mga laruang magagarbo, para kanino ba ito?

  3. Wow naman Yhen Yhen, napakaganda ng iyong tinuran,

    btw, puwede ka na maging photographer, maganda ang pagkakaportrait mo sa bata, may emosyon akong nakikita.

    naalala ko tuloy noong kabataan ko,

    dahil wala kaming gaanong pambili ng laruan,

    gumagawa kami ng laruang galing sa basurahan

    alam mo ba yung lalagyan ng alcohol alcohol?

    ayun tinatanggal namin yung cup nun, nilalagyan namin ng butas tapos, kukuha ng tansan (ayun yung magiging gulong) tapos tatalian

    may instant kutsi-kutsihan na kamiπŸ™‚

    • shocks yhenyhen… hehe… naalala ko tuloy kabataan ko ganyan kc tawag sa akin yun kung di naman yeyen… hehe

      nwei, tnx. masarap kcng kumuha ng litrato ng mga bata kc napakanatural ng emosyon nila.

      naku oo naalala ko mga kapit bahay namin ganyn din gawa din sa bottle ng alcohol… hehe…

      ang simple ng buhay noong araw ano?

      • totoo.
        ako, napakagaling ng pagkakakuha ng litrato sa bata.
        madaming sangkap ang ipinapakita ng dalawang litrato.
        talented!
        apir!
        maganda na, matalino pa, mabait pa, thoughtful pa, talented pa, san pa ko makakahanp ng ganitong dyosa?
        apir!
        masaya akong muling makadalaw sa iyong tahanan.

        • ayan, kinumpleto mo na naman araw ko dahil sa pagdalaw mo sa bahay ko… naks… hehe…

          pero salamat.πŸ˜‰

          salamat na rin sa pambobola mo… hehe…

          di mo lang kinukumpleto araw ko pinagaganda mo pa… hehe

  4. ay ang galing naman, napaka kreyeytib naman nyan..

    napaganda ng iyun sinabi, na dapat tayung mabuhay o makuntento sa kung anung merun tayo ngayon.At hndi nga lahat ng bagay nakukuha natin agad!

    nice!! =)

    • yup… iba na kc ang buhay ngayon db? parang laging moving ang mga tao at may mga napagiiwanan na din pala…

      pero ang mahalaga eh maging masaya tayo sa lahat ng bagay…

  5. na inspire ako dito.

    nice post.
    napadaan lang.πŸ™‚

  6. ELIment

    Ang ganda ng sinabi mo yhen.minsan kc khit puro blessing ang nasa harap ntin di parin ntin maiwasang magreklamo.
    Hndi naman msamang mangarap pero kc tau gat di ntin naku2ha ang gus2 ntin hndi o ayw ntin pansinin ung mga mumunting bagay n nku2ha ntin.
    …naala2 ko din ung latang traktrakan ko nun. Simple, di magarbo pero nagla2rawan ng mga simpleng pangarap.hehe

    • wow… may patutunguhan ang simpleng traktrakan kuya eli.

      dahil may gulong ito nagagawa nitong umusad paunti unti hanggang maabot ang finish line… kaya lets keep on reaching our dreams…πŸ˜‰

  7. ahmmm alam mo ba nung bata ako magagara ang toys ko..original na trex at teradactyl ng zoids, original na barbies, tamiya, pero binalewala ko lang at ahmmm sinira..hehe

    netong pag tanda ko lang naisip na collectors item pala ang mga iyon at pede kong idonate sa iba kung di ko naman pala trip na laruin ..hahay

    • hehe oo nga…

      ayusin mo nalang uli… malay mo may isang bata na mapapangiti ng mga laruan mong yan diba?

  8. joan

    ..nakakahabag. ahhhhhhhhm sana nga din naiisip ng mga ilang kabataan na sanay sa mga magagarang laruan ang sitwasyong ng batang ito. tsk.

  9. nakaka-move naman ‘tong article na ‘to. let’s just hope na sana, hindi mapariwara ang batang ito. sana magsilbing hamon sa kanya ang sitwasyon n’ya ngayon para magsikap s’yang mapabuti ito…

    • hay cnb mo pa… sana may kinabukasan pa rin siya… at sana magpatuloy pa rin siyang mangarap at magsikap…πŸ˜‰

  10. tama ka..napakasimple ng buhay sa mata ng batang ito..sana rin maging simple lang ang mga maging hamon sa kanya ng buhay paglaki niya..

  11. ang galing,,,

    parang karwahe sa cedie at princess sarah..

    napa ka creative naman nyan. at
    nature friendly pa kasi

    ni recycle ang plastic container.

    makapagdonate nga ng mga recyclable goods sa mga ganyan para mapakinabangan at di dumami ang mga basura sa paligid.

    pede na ba ko advocate ng green earth?

    • pwedeng pwede na jason…

      eco-friendly toys… naks… hehe…

      gawa kaya tayo ng ganung group tapos ipamigay natin sa mga bata? hehe

      • oo marami akong mga x-men at marvel na laruan.

        baka pede irecycle gagawin nating wheel chair

        • hmm… cge… simulan na nag pangongolekta…

          it all begin with small things ika nga…πŸ˜‰

  12. Awww, katok ito sa puso naten na we should be thankful for the things that we have.πŸ™‚

    Thanks for sharing girl!

  13. hisnameisdencios

    tsk.. sapol ako dito. talaga ngang dapat nagpapasalamat sa blessings. ako kasi focus muna sa pamilya bago ang lahat e. kasi kelangan din namin talaga. pero lagi ko nga sinasabi sila na bahala kung mat sobra sa mapapadala ko ay i share na lang nila.

    • wow, tlgng family first ka rin pala dencio… ok lang yan. ang mahalaga eh thankful tayo sa kung ano mang meron tayo di ba?

  14. you know what yhen you really have a big heart at I really admire you for that!! sorry dahil masyado akong naging busy dahil madami din akong inasikaso. I miss reading your blog!

    anyway noong bata pa ako actually di ko naranasan yung walang laruan at syempre thankful ako sa parents ko dahil doon, at tama ka we all have to be contented sa kung anong meron tayo.

    • hi cindy,

      its been a long time ha… nwei, just want you to know that i am happy for you… hope everything will be ok…

      nwei, db we r really blessed kaya lets be thankful for everything.πŸ˜‰

  15. waah, katouch naman ito

  16. Haha I played this kind of toy when we were younger. We were so poor, sarap maglaro sa dumi.

    Now that I have grown, poor pa din kami pero iba na ang nilalaro ko, computer.

    On the lighter note, kung gusto daw nating maabot ang pangarap natin, kelangan magsumikap, at kapag nakamit na natin ito, share mo rin yung blessings na yun..

    Hay naku, nakatutok ako masyado kay Santino.

    • adik na ba kay santino? hehehhe…

      pero kuya db it ol begins with smol things kaya dapat magstrive tlg…

      tulad mo, ang layo na ng narating mo… naks…πŸ˜‰

  17. kami di kami nagkaron ng madaming laruan bilang na bilang lang..hindi kami kasi sinanay sa maluhong bagay ng magulang namen kaya nakaka relate ako sa batang yan..mga gawa nameng laruan gawa ng lolo ko..

    tapos ang laruan na madalas kong laruin nun..
    eh paper doll na madaming madami damit ganun lang masaya na ko hehe..kaya nangarap ako maging fashion designer dahil sa paper doll na un..

    • hahha tama, naalala ko yang paper dolls na yan…

      your true, cguro nasa upbringing din ng magulang yan… yung iba kasi spoiled na eh..πŸ˜‰

  18. update…
    ito ang update. hehehe.
    medyo di makahinga ng mabuti ang
    butiki kaya ito napunta ospital palage
    para sa check up.
    sa monday pa ko nakasked for sputum exam.
    kaya ito, kinakailangan ko ang iyong matindi
    at pagsusumamang panalangin yhen ha?

    • para saan ang sputum exam?

      anong nangyari sa iyo?

      yaan mo di lang panalangin handog ko sa iyo…

      hugs and kisses pa, para tuluyang bumuti pakiramdam mo…

      pagaling ka ha…πŸ˜‰

  19. laruan.
    tama,
    ilang beses din ako umiyak dahil
    sa mga laruan nakikita ko pero di ko
    naman mabili.
    .
    .
    .
    maganda ang post na to.
    maganda at sobrang totoo ang aral
    na pinapahiwatig ng buong
    sanaysay.
    .
    .

    kaya palage mo sanang ipagpatuloy
    ksabay na patuloy mong pag ngiti. =)
    apir!

    • tama… naalala ko din ang mga panahong yun. naranasan ko ding umiyak dahil di nabili ang gusto kong laruan. gayunpaman, natutunan ko ring disiplinahin sarili ko na di lahat ng bagay eh kailangan ko, na di lahat ng bagay pwede ko ng makuha kapag gusto ko, at di lahat ng bagay ay para sa iyo…

      pero natutunan ko na mas masayang maging masaya sa mga simpleng bagay lang sa mundo…

      kaw din ngiti ka din lagi…πŸ˜‰

  20. laruan.
    tama,
    ilang beses din ako umiyak dahil
    sa mga laruan nakikita ko pero di ko
    naman mabili.
    .
    .
    .
    maganda ang post na to.
    maganda at sobrang totoo ang aral
    na pinapahiwatig ng buong
    sanaysay.
    .
    .

    kaya palage mo sanang ipagpatuloy
    ksabay ng patuloy mong pag ngiti. =)
    apir!

  21. stormy

    ka-iyak naman yung bata..

    tama nga.. ang daming tao ang hindi kontento sa kung anong meron sila..

    pero yung mga ganitong tao.. naiisip ko, ano naman kayang meron sila at nakakaya nilang mabuhay sa ganitong klase ng pamumuhay..

    emo na naman ako..tsk!

    • anong meron sila?

      siguro yung courage na kelangan nilang mabuhay sa mundo. kapag kasi ganyan kasimple ang buhay mo, you dont demand for more than anything else.

      but like wat i always say, there is only one important thing in life and that is to enjoy it…

  22. Very nice reflections Yhen…

    This presents a stark contrast maybe to most people, but from I came from, this is also a normal sight…

    And I also grew up having “make do” toys… But I had a happy childhood…πŸ™‚

    • yes kuya, thats the most important thing… ang na enjoy mo ang kabataan mo at naeenjoy mo ang life mo…πŸ˜‰

  23. dati ang laruan ko lang ay basket. ayaw ko kase ng mga robot robot o kung ano ano..

    may emotion yung picture. pwede ka ng photog. buti na lang di giordano yung damit ng bata kung hindi di ako maniniwala. yay.

    kamusta po ate yhen?

    • hehehe bkit namn po basket?

      eh paano kung naka giordano nga ukay naman db? hehe

      ok lang kuya.. hehe…πŸ˜‰

  24. naalala ko to…

    naggagawa kami ng tape recording kasi nasa germany daddy ko.

    tapos nung turn ko na na magsalita..

    “daddy bili mo nung ano
    nung legong barko”

    mga naka 5 times yatang beses ko nasabi yan sa buong casette tape…

    ayeee may legong barko ako with daddy’s love

    • wow ang galing naman…

      teka talaga nasa germany dad mo?

      waah i need to talk to you… hehe

  25. mylensandmystory

    awww tats ako dun ah..

    nabalik tuloy ako sa pagkabata kung ilang beses din akong umiyak ng dahil jan..

    amff..newey may bago na akong bahay yhen!

    http://mylensandmystory.wordpress.com/

  26. ‘ a story that never fails to teach us lessons kahit na panahon pa ng mga ninuno naten ay meh nagyayare ng ganitu..
    – napadaan lang po.. one smooth read you have here.. keep it up! =)

  27. chiiz it’s such an emotional image may kurot sa puso ko..naranasan ko rin yang mga bagay na yan to think na mag basura pa ang laruan ko diyan before but it was a happy childhood then..

  28. This is a poignant post for me, Yhen, as it evoked so many memories of my childhood. For one, it reminded me of my brothers when they were young. Ganyan ang laruang truck nila. Ang pagkakaiba lang, yung sa bata sa larawan ay malaking plastic container. For my brothers, it was an empty Johnson’s baby powder plastic bottle. And for the wheels, my brothers would cut circles from worn out slippers.

    • ah tama… i saw one like that too when i was young… ganun nga gamit ng mga kalaro kong kapitbahay…

      nwei, tnx for passing miss n…πŸ˜‰

  29. tama ka tita yhen dapat laging magpasalamat sa kung ano mang ang meron tayo… nakakatuwa na hindi naman talaga kailangan ng mamahaling laruan para magpasaya sa tao, ang trak-trakang yan ay daig pa ang robot at psp para sa batang lumikha at naglalaro niyan…

  30. yhen i like the pictures above.

    so innocent,sweet,sincere and serene.

  31. ang ganda. nice entry, it made me realize that i am so blessed..

    naisip ko din ung laruan kong ganyan nng bata pa ako at un ay 22years ago na… akala ko wala ng gumagamit ng ganun ngaun.. tapos bigla kong nakita ang picture na yan…

    minsan din akong katulad nya.. pero sa tamang determinasyon, sikap at pangarap sa buhay.. may mararating tayo.. oero syempre kailangan nating maging mapagkumbaba at matutong magmahal sa kapwa..

    i am complaining i have no shoes… until i saw a boy who have no feet….

    “isipin nalang natin na kung ganito ang buhay natin ano nalang sila diba?”

    thanks yhen!

    • agree kuya boni…

      lets just be thankful kung nasaan tayo ngayon… life has never been easy but it can be fun and fulfilling…

  32. My son was amazed with the toy..and i explained to him what this post is all bout..he’s 4 years old and smart enough to comprehend the situation ng bata dito sa post mo…galiiing, i missed my childhood then..yeah!!!

  33. mayeh

    ndi na bago sa akin ang mga bagay na ganito dahil nung bata ako ay ganyan din ang laruan namin pero its amazing na sa kanyang murang edad ay masaya siya kahit ganon lang ang kanyang laruan, marahil ay ipinamulat sa kanila ng kanilang magulang na wala silang pera. bilib ako sa magulang nitong bata dahil naipamukha nila na talagang maraming pwedeng magawa sa mga basura.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: