aftermath (part 2)

pero sa kabila nang mga dinanas ng mga nasalanta ng bagyo nakita ko pa rin ang mga mukang handang bumangon. naisip ko tuloy na iba talaga ang Pinoy. anjan pa yung tipong nagagawa pang ngumiti at magpakyut sa harap ng camera sa kabila ng trahedya.

_DSC0268_DSC0451DSC05000DSC05006dahil jan sa pagpapatuloy nang pagtahak namin ng mga bahang lansangan nakita at natagpuan ko din ang pag asang makakaahon pa at makakabangon pa ang mga taong nabiktima ng humahagupit na si Ondoy.

hindi na kami hinayaang pumasok pa sa mga sobrang liblib na barangay ng Pasig dahil na rin sa taas pa ng tubig. at pagkakataon na rin ang pumigil sa amin dahil tumirik ang aming sinasakyang truck.

opo tumirik siya kaya nagdesisyon kami na ipamigay na sa mga residenteng natapatan namin ang mga bigas na dala. aba noong una’y nagkaroon pa ng komosyon dahil may ilang opisyal ng kabilang barangay na dapat pagdadalhan namin ng bigas na dapat dun daw ibaba sa kanila pero dahil nga di na makapasok ang truck ipinagpatuloy na lang ang pagbigay nito sa mga malapit na bahay.

_DSC0316kinalaunan na solve din kung paano ipamimigay ang mga bigas na aming dala. isa isa itong binuhat at ibinangka sa isang bahay na di masyadong naapektuhan ng baha at dun sinimulang magdistribute.

_DSC0333DSC05026

at ng bumuhos ang malakas na ulan, wala din kaming nagawa kundi magpaulan. ayan nababakas sa aking muka ang resulta ng pagbuhos ng ulan… haha… xnxa na po, wala kasi akong dalang damit. umuwing basa at natuyuan sa byahe ang lola…

_DSC0447isa na ito sa mag experience na hindi ko malilimutan. ang sarap ng pakiramdam ng tumutulong. isa man itong maliit na bagay pero para sa mga tinutulungan sobrang thankful sila.

sobrang sarap ng feeling na mapapangiti mo ang bawat tatanggap ng bigas. yung tipong sasabihan ka ng:

“salamat ng marami, may makakain na kami ngayon gabi.”

“balik kayo dito ha.”

“mag-ingat kayo sa paguwi ninyo.”

enough na ang mga salitang yan at mga ngiting wari’y nagpapasalamat para mapawi ang pagod, lamig, at effort ng pagpunta namin sa lugar na ito.

_DSC0400_DSC0386_DSC0423sa mga panahong may malalakas na bagyo ang pinagdadaanan natin. sa mga panahong delubyo ang kinakaharap natin. at sa mga panahong ang kinabukasan at pag-asa’y umaalon papalayo sa atin, may dalawang bagay lang na sa tingin ko’y dapat nating bigyan pansin:

*MAGTULUNGAN TAYO – hindi masamang tumulong sa nangangailangan at lalong hindi masamang iabot ang ating mga kamay sa mga buhay na kailangang isalba. walang tutulong sa Pinoy kundi kapwa Pinoy.

DSC04959DSC04979

*MANALIG SA DIYOS – sa mga ganitong pagkakataon, ang pagdasal at pananalig sa Poong Maykapal ay isa sa pinakamakapangyarihang paraan para labanan ang sakit at makabangon sa kinalugmukan.

DSC04882

ngayon, may mga nagbabadya na namang sama ng panahon. maging alerto at maingat po tayo. ipagdasal po natin ang kaligtasan ng bawat isa.

salamat kay mhar na nagpadala nitong litratong ito. batid ko rin ang pagiging safe ng bawat isa sa inyo.

besafe

“Trouble and perplexity drive me to prayer and prayer drives away perplexity and trouble.” ~Philip Melanchthen

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, religion, rice, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 54 Comments

Post navigation

54 thoughts on “aftermath (part 2)

  1. salamat ang bait mo talaga ate yhen..πŸ™‚
    hugs..
    tayt..
    pagpalain ka..at ang buong grupo mo..
    mwah..

    • hi lovely…

      ginawa lang namin ang alam naming makakabuti sa iba lovely….

      hope ok na family mo…

      missing you…

      hugs hugs!

  2. forbiddenlei

    naka naman, ang manang yhen ko. bait bait. ask lang. ikaw b ung nasa isang pic? ang tapang ng itsura. kakatakot! eeerrr. hehehe atapang ng itsura mo dun

    • hahaha oo ako yun… medyo uncomfortable na ang manang mo kasi nasa baha na nga tumirik pa ang truck na sasakyan namin… hehe

  3. ang sarap tumulong di ba.. atsaka ganito na yata tayong mga Pinoy. Natural na sa atin na tawanan ang mga problema. Biruin mo yun, ang dami dami nating problema araw araw, nakow, pag sineryoso natin yun baka mabaliw na tayo. Hindi naman sa natutuwa ang mga Pinoy na nangyayari ito sa kanila.. pero life has to move on. They needed the courage to continue life.. and smiling could somewhat ease the pain.

    smile naman diyan..

    tayo tayo rin ang magtutulungan..

    malaking smile para sa isang problema. matatapos din yan.
    πŸ™‚ <———-| Ax Realm

  4. ikaw ba ang kumuha ng mga pics na yan ate yhen? nakakatuwa naman… iba talaga ang Pinoy… pagkatapos ng lahat ng problema… hindi nawawala ang mga ngiti… pati ako napa smile sa mga larawan…πŸ˜€

    wala man akong naitulong para sa kanila, isang entry na lang sa blog ang iaalay ko para sa lahat…

    http://batanggero.blogspot.com/2009/10/tuloy-ang-laban-ng-buhay.html

    • yes vhonne, ako nga… pero yung mga may muka ako, di ako ang kumuha nun… ehhe…

      ipagdasal mo nalang cla… yun ay malaking tulong na!

  5. boypulubi

    Maraming Salamat sa mga naitulong niyo.
    Maraming salamat sa nag-padala sa inyo.
    Maraming salmat sa lahat.
    Mabuhay kayong lahat.

    Nakakagaan ng loob na ang lahat ay nagkakaisa.
    Tumutulong sa kapwa kahit ang iba ay nasalanta din.

    Ingat.

  6. sa likod ng mga lungkot at paghihirap nandyan nakaabang ang matatamis na ngiti at
    maliligayang pagsasaya.

    masnakakadali kasi sa pagrerecover ang pagsasaya.
    ibig sabihin ang pag-asa ay abot kamay lang.!!

    Waw
    πŸ˜€

    Hi ate Yhen magandang umaga !!!!!

  7. ang sarap talaga ng feeling kapag nakakatulong ka sa kapwa di ba? iba pa rin yung pakiramdam na nakikita mo yung expression ng mga tao, yung hope sa mga mata nila after all they’ve been through.

    katatapos ko lang magbasa ng daily devotion ko at very timely yung topic about the “Roller-coaster Rides of Life”. tulad ng roller-coaster, ang buhay natin minsan nasa ilalim, minsan naman nasa itaas. ang trahedya na dala ni ondoy ay isa sa mga “ilalim” sa ating buhay. at umasa tayo na pagkatapos nito ay nasa “itaas” naman tayo.πŸ™‚

    • tama, pero tulad ng sa roller coaster, kahit na nadadalas na tayoy nasa ilalim, darating at darating pa rin ang tym na tataas tayo kaya wag mawalan ng pag-asa…

  8. Life must moved on, ika nga. Now it’s time to give Mother Nature a favor. Let’s all be a responsible individual, we should learn how to follow the 3 R’s (Recycle, Reduce, Reuse).

    At naka pose ka talaga sa camera,πŸ˜‰

    • tama kuya k… mahalin natin c mother nature!

      di ako nakapose kuya… kinakapa ko nga pwet ko kc basa na… hehehe

  9. harsh ng weather.

    relaxed meanwhile ang government.

  10. Mr. Nonsense

    kahit baha…tuloy ang fiesta. only in th philippines.

  11. only in d phils tlga…

    saya sa kabila ng trahedya..pinoy na pinoy… ^_^

  12. ambait naman, saan sa pasig kayo pumunta? taga pasig kaya ako, di mo man lang ako nirasyunan ng bigas, hahaha..totoo ngang masarap tumulong sa iba, iba yong feeling na nararamdaman ng mga tumutulong. nice deed ooops good deed yhen! keep it up.

  13. ooohhhhh… ang sarap naman sa pakiramdam…

  14. dencios

    tsk. nagbackread ko sa part 1. tsk. hindi magandang tignan lalo ang mga bata at ang basura’t baha. hay… sana matuto na sila na mag recycle, magtipid, maglinis – in short maginf responsable at handa.

    • haaay cnb mo pa papa dence… pero ganun talaga… wala tayong magagawa! nwei, mag smile nalang!

  15. Ambait naman… Meron lang talagang hindi maipaliwanag na kasiyahan kapag alam mo na nakagawa ka ng kabutihan. =)

    • korek…

      masarap gumawa ng mabuti sa kapwa…

      c Lord na bahalang magbless sa mga tumutulong!

  16. brotherutoy

    galing talagang photog ni yhen namin!πŸ™‚

    sad ako, wala na ako sa blogroll…😦

    pero dahil pinoy, smile pa rin!πŸ™‚

  17. ELIment

    wow yhen, ang ganda naman ng pagkakataon na yan..na nakatulong kayo. ang sarap siguro ng pakiramdam kapag ikaw mismo ang nag-abot. God bless.

  18. sa kahit anung pagsubok, may mga tao talagang handang tumulong sa mga nangangailangan..

    God Bless you!!πŸ™‚

  19. smiling people of asia kaya tayo…..kaya nga hindi basta napapatumba ng anumang bagyo ng buhay….

  20. Ang sarap ng feeling ng nakakatulong noh?? Natural na talaga sating mga Pinoy ang tawanan na lang ang mga problema.

    Pagpalain ka nawa ng Panginoon, Yhen!πŸ™‚

  21. astig! nakapunta ka rin pala sa mismong pinaghatiran ng mga relief goods.. ako hanggang sa donations lang.. gustuhin ko man, hindi rin kakayanin dahil sa school loads. kasi kahit one week na walang pasok, supposedly defense week namin yun kaya na move siya. pero ayos na rin. na extend ang preparations. alam ko ring nakarating sa mga nangangailangan ang mga dinonate namin. Saludo talaga ako sa mga Pilipino! Apir!

  22. aba aba…

    hi te yhen! wave wave! $,$

  23. napadaan lang po!

  24. big akaps for you ate yhen! kaya nating lahat ang pagsubok na ito. basta sama sama.πŸ™‚

  25. ang taray ng lola sa picture…naka-chin up ba.

  26. anne

    We are doing the same thing here in Korea to help the victims of ondoy there.It’s good that there are a lot of Pinoys here who gather as one to extend help there.Basta sama-sama kayang-kaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: