aftermath (part1)

noong linggo, habang nanonood ako ng mga balita patungkol sa Bagyong Ondoy at sa mga taong nabiktima nito, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahabag. sa sobrang grabe nang nangyari, sinabi ko sa sarili ko na hindi enough na pinapanood ko lang ang mga taong to na naawa at ipinagdarasal, I NEED TO DO SOMETHING.

dahil jan, kinausap ko ang presidente namin ng dorm na mangalap ng cash at in kind donations. di siya nagdalawang isip at sinuportahan ang ideyang ito. kaya noong lunes nagsimula na kaming magflood patungkol dito. at its a good thing naging positive ang response ng mga tao sa PhilRice.

nakalikom kami ng Php 22, 463 cash donations (not bad)

DSC04920walong boxes ng damit, kumot, etc

DSC04929at bigas, na galing mismo sa PhilRice

DSC04943matapos kolektahin ang lahat ng ito, nagdesisyon kami na umalis nung huwebes at ang perang nalikom ay dalhin sa Kapuso Foundation. dito nakilala namin ang isa nilang staff (na mejo litang na rin dat tym dahil wala pa raw siyang tulog). siya rin nag advice sa amin na kung pupunta kami sa mga lugar na nabiktima ni Ondoy mas mabuting magpasama kami sa army o pulis sa lugar para di kami kuyugin. at yun na nga ang ginawa namin

_DSC0137DSC05046upang maisagawa na ang aming misyon, nagpatuloy kami sa pagpunta sa lugar na nasalanta ng bagyo, particularly sa lungsod ng Pasig. pag dating namin ng Pasig, nagpasama kami sa mga tauhan ng munisipyo, na kasalukuyang nag rerepack din ng mga relief goods, para ihatid ang dala naming bigas.

DSC04964

habang binabagtas namin ang mga kalsada dito na binaha halong awa at pagkabahala ang nararamdaman ko para sa mga tao dito. bigla kong naisip na:

“kamusta na kaya sila?”

“makakabangon pa ba sila mula sa trahedya?”

“paano na kapag may parating pa na bagyo?”

_DSC0307ibat ibang klase ang nakita ko, may mga batang pilit ginagawang playground ang baha o sadyang wala lang silang magawa…

_DSC0289_DSC0371

may nag aantay ng biyaya…

_DSC0280may mga nakatingin pa sa kawala…

DSC04970may mga nalubog na struktura, kasama na ang simbahang walang kalaban laban…

DSC04986mga bahay na walang kamalay-malay…

DSC04985

basurang nakatambak, at ang ila’y palutang lutang

DSC04989mga sasakyang stranded dahil di na makadaan at tumirik…

DSC04969at mga hayop narin na sadyang naghahanap ng masisilungan at makakain.

DSC04992ilan lamang yan sa mga bakas na iniwan ni Bgayong Ondoy. napakasaklap. nakakalungkot. nakahahabag.

ang dating larawan ng pag asenso ay ngayo’y larawan na ng pagkalumo.

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, rice, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , | 8 Comments

Post navigation

8 thoughts on “aftermath (part1)

  1. forbiddenlei

    base ba ko?

    grabe tlga yung bagyo no? ang lupet. hndi p humuhupa ang bagyo eto n2mn ang isang papansin n bagyo! ay taenes

    sana maging ayos n ang lahat

  2. hays..ok lng po yan..just pray..$,$

  3. we have to pray, yan kasi ang pinaka malakas sa lahat!

  4. speaking of kapuso…

    naalala ko tuloy ang mel and jay last week, sabi ni joey di leon as a comment sa bayanihan after ondoy, “sa panahon pong ito, lumalabas po talaga na mas importante ang ating mga kapamilya…(pause)…”

    then humirit siya, “mas importante ang ating mga kapuso…”

    wahahahaha. natawa lang ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: