paalam sa isang matalik na kaibigan…

i am not so sure how to begin this entry. but yesterday, while going to the world trade center, pasay city, para sa last day ng agrilink 09, sa loob ng jip na sinakyan ko may tumatak talaga sa akin na mga salita. i always see this sticker since i also attend to victory christian fellowship, pero dat tym, saka lang nagkaroon ng meaning sa buhay ko ang sticker na ito. it says…

DSC05315yes, it is indeed true. i realized that we only have one life to live, kaya we should make the most out of it.

last friday, i was so shocked sa isang nakalulungkot na balita. i was having my lunch that time when one of our officemates/friends called telling me that Ate Toni or Antoinette Kindipan, who was also our officemate/friend died.

habang sinasabi sa akin ni ate lou ang details wala akong ibang magawa kundi umiyak nalang sa isang tabi. kinilabutan ako noong panahong iyon. AYOKONG MANIWALA. oo, ayoko talagang maniwala hanggang sa kinumpirma na nga na wala na talaga siya. na kasama nga si ate tony sa nalandslide sa benguet. na pati ang dalawang kapatid niya at mom niya wala na rin.

that time, i ask my self, bakit si ate toni pa? she is just 26. marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay. bakit si ate toni pa? na alam kong napakabait? at bakit si ate toni pa? na maraming nagmamahal sa kanya.

hindi ko rin lubos isipin na namatay siya sanhi ng landslide. naramdaman ko yung struggles ni ate toni ng mga panahong iyon. yung tipong matatabunan ka ng buhay na walang kalaban laban. yun ang masakit dun.

noong mga panahong iyon sobrang natulala talaga ako sa mga pangyayari. ang mahirap pa dun magkakahiwalay o magkakalayo kaming magkakaibigan ng mabalitaan namin iyon. naghahanap kami ng pwede naming pagshare-ran ng nararamdaman. yung grief, yung pain, yung sadness. halo-halong pakiramdam.

sa buhay ko, hindi ko pa naranasang nawalan o mamatayan ng kapamilya. kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mawalan. pero si ate toni, kahit hindi ko kapamilya, sobrang sakit ng dinulot ng pagkawala niya. ngayon lang ako nalungkot sa tana ng buhay ko ng ganito katindi.

noong gabi ding iyon, hindi talaga ako makatulog. inantay ko ang balita, umaasang walang katotohanan ang lahat ng iyon. nananalangin na sana hindi si ate toni ang bangkay na nahukay. pero natapos ang gabing tila hindi ako binigyan ng pag-asa sa mga aking hiling. humiga ako, umiyak sa tabi ng tatay ko, at naglabas ng sakit na nadarama.

sa pag-iisip ko, hindi talaga ako dalawin ng antok. hanggang sa dumating ako sa punto na may naririnig akong iyak. noong mga panahong iyon, hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang mga iyak na naririnig ko o sadyang may umiiyak lang sa tabi ng tinutuluyan namin. umiikot ako sa kama na tila bagang di ko mahanapan ang kapayapaan sa puso’t isipan. hanggang sa napagod nalang ako sa kakaiyak at kakaisip kung kaya’t nakatulog din ng saglit.

hanggang ngayon, ilang araw na rin ang nakalilipas, di ko parin mapigilan ang sarili ko na umiyak sa tuwing naalala ko ang nakapanlulumong pangyayari. dati kung may nakikita akong nalalandslide, nababaha, at binabagyo, nakikisimpatya ako. pero ngayon, isang malapit na tao sa puso ko ang namatay dahil sa delubyo ay iba pala ang pakiramdam nito.

masakit magpaalam sa taong malapit sa puso mo, pero mas masakit magpaalam kung alam mong ang taong iyon ay kailan ma’y di mo na makakatagpo.

si ate toni lang naman ang pinaka unang naging tunay na kaibigan ko dito sa PhilRice. si ate toni lang naman ang tinatakbuhan ko noong mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko. si ate toni lang naman ang nakikinig sa lahat ng saloobin ko. at si ate toni lang naman ang isa sa mga tunay na kaibigan kong alam kong laging andiyan pag kailangan ko.

dual modehindi ko aakalain na noong nag get together tayo sa manila last July, kahit sandali lang, eh ang mga huling araw na makakapiling ka namin ate toni.

5613_110937877550_663972550_2610865_4671341_nDSC03610hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita ate toni. mamimis ko ang mga ngiti mo, ang mga kwento mo, at ang mga walang kamatayang payo mo sa akin.

sa mga oras na ito ayokong magalit kay Lord sa nangyari. gusto ko siyang tanungin kung bakit. pero alam ko na kahit gaano kahirap tanggapin may dahilan siya kung bakit ka niya kinuha. maybe, YOU HAVE SERVED YOUR PURPOSE in life, and that is to give Him the glory.

Romans 8:28And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose.

sobrang naiyak ako sa last entry ni ate toni sa facebook na isinulat niya noong oct 3 habang nanalasa ang bagyong si Ondoy. nakita ko na noong panahong isinulat niya iyon ay tila ba handa na siya sa kung ano man ang posibleng mangyari sa kanya.

If there is something good about the rain, for me, it would be these realizations. Tonight, even as I write this, the rain continues to pour on. But what’s good about it is that it makes me value more the thought that life is brief, that there are so many things to be thankful for, that I can always trust the One who gives life to spare my life and the ones I love from this storm. – Antoinette Kindipan

Everytime the rain will fall, I will always remember you Ate Toni!

te toni at ako

PAALAM ATE TONI! magkikita din tayo sa malayang panahon!

Categories: accessdenied!, Blogroll, faith, life, love, relationships, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , | 85 Comments

Post navigation

85 thoughts on “paalam sa isang matalik na kaibigan…

  1. ELIment

    Yhen, alam mo kahit sandali ko lang nkasama sa work si toni naramdaman ko sa kanya yong pagiging sincere nya.di man kami nagkaroon ng time para sa personal na kwen2han ramdam ko yong kabaitan at yong pananalig nya sa Panginoon.
    Nakakalungkot, parang dko kaya isipin na yong toni na nakilala ko e natabunan lang ng landslide.parang di nya deserve.dko rin kaya i-imagin yong hirap hbang natatabunan.pero siguro nga ‘wala nman kung ihahambing sa hirap na yun yung nkatakdang makamit nya kpag ksama na nya si Lord….

    Na-touch ako ng sobra sa sinulat nya.parang alam nya ‘yong mangyayari.

    Haay, ang buhay nga naman.dpat talaga lagi tayong handa kase yong last day natin dumarating nalang.biglaan.di mai2wasan.

    Kalungkot…

  2. dencios

    nako common friend nyo pala ito ni boss eli.

    condolense

    ..
    😦

    hay..

    di ko alam ang sasabihin ko pero may dahilan ang lahat. alam ni God ang reason na yun kahit siguro tayo ay naguguluhan pa…

    isipin na lang natin na masaya na siya kapiling si BIG BOSS sa taas.

  3. forbiddenlei

    ayan p 3rd base nlng ako huhuhu

    sorry ate yhen hndi ako nkapunta huh! busy kasi ako. ang daming malll tour. alam mo nmn ako. hehehe

    napagod nga ako kakapirma eh. haizt
    puro kalyo na

    ang dami ko kasi pans. hehe

  4. forbiddenlei

    aw ang sad nmn nito. as usual GOODBYE is indeed the hardest word to say.

    haizt i can feel the pain ate yhen. let it flow. kaya mo yan,

    huhu

    ang sad pramis. ako, mas gusto ko pang mas mauna akong mawala kesa maramdaman k ung pain nang mawawalan ako ng mga taong mahalaga skin. huhuhu

    • yes lei, saying goodbye is the most painful word i have encountered… im starting to hate goodbyes…

  5. hbh

    Hindi ko sya inabot sa devcom, pero kilala sya ni misis ko.
    Gayunpaman, nakikiramay ako.😦
    ( — kuya robert )

  6. nakita ko sa mata mo ang lungkot, nung friday..di ko din alam sasabihin ko..
    nakita kita nung kumakain ka nung umalis kami ni brailee ung lungkot na nararamdaman mo..
    she’s now an angel kasama ang pamilya nya..may purpose talaga si GOD sa mga nangyari..
    masakit man kailangan maging matatag..
    i know..etong sulat mo nababasa nya kung nasan man sya ngayon..

    lets pray for there soul..
    a big hug..ate yhen..

  7. nakakasad naman ang post na ito, sumalangit nawa siya at for sure di naman siya pababayaan ni God sa taas, naku kaya mo yan, pero wag mo aasahang magiging madali ang lahat, hay ang galing ko talaga magbigay ng advice pero sarili kong advice di ko masunod,, heheh! don’t say goodbye yhen, hindi pa apos ang lahat.. ^__^

  8. aw. aw. aw. nakakalungkot talaga yhenyhen..

    pero sadyang may oras talaga ang lahat..

    paalam din toni.😦

  9. All of us know that at some point in time, we will succumb to death.

    It is how some of us go through it that is saddening.

    Paalam Toni.

  10. Makikidalamhati na rin po ako sa nangyari.

    Napadaan lang po, nagustuhan ko po itong site mo.

    Isama ko na lang sa blogroll ko para mabilis ang dalaw ko.

  11. condolences ate Yhen..

    sad nga….

    pero lets pray pa din..

    ate Yhen kamusta ka na?

    Ayos ka lang ba??

    Hug at tapik tapik sa likod…

    Its Ok..

    everything’s gonna be just fine.

  12. Di talaga natin malalaman kung kelan ang end of line natin..
    kaya tama na live yor life to the fullest.

    • yes jason… kaya dapat ayusin na natin ang life natin habang maaga pa…

      lets focus ourselves to God!

  13. ——> i feel very sorry for you ate lhen. i know what you’re feeling right now.

    minsan na din akong nawalan ng mahal sa buhay. kakalungkot. parang hindi ko rin kakayanin. pero di ko magawang isisi sa Panginoon ang nangyari. alam kong may plano siya para sa kanya, sa amin. may kasabihan ngang “God is to good to be mistaken”.

    at tama ka ate, nagampanan na ni ate toni ang purpose niya sa mundo. siguro ngayon, mas kelangan siya sa itaas.

    let’s just pray for her soul, and for the souls of her mom and her siblings. and for all the souls who perished on that day.

    • unang una salamat sa pagdalaw mo sa bahay ko.

      at pangalawa, salamat sa prayers…

      GodBless! dalaw ka uli ha.

  14. ang lungkot lungkot mo yhen… masaya na sya kung nasan man sya ngayon.

    ikaw naman kasi toni, alam mo namang delikado sa lugar mo hindi ka pa lumabas ayan tuloy natabunan ka… God ikaw na ang bahala jan kay toni.

    (aaawww)

    yhen smile ka na… o sige nga, sa last picture sino si yhen don????? hmmmmnnnn…. may premyo ang makakahula…

  15. The last line of her letter (to me) dated Feb 01, 2006 was a question that says, “Maraming Salamat.. Sa nagpahirap sa iyo.. Sa mahal mo at hanggang kailan mo mamahalin?.. -Toni..

    When you’ll gonna go and pay your last respect, please whisper that i’d loved her in many ways even up to her last breath.. I’ll surely miss her..

    • yes kuya, i will…

      let’s pray for her soul…

      i believe that she is already happy with the Lord.πŸ˜‰

  16. whew! pakiramdam ko ramdam na ramdam ko yung pagdadalamhati mo at ng iba mo pang mga kaibigan. kulang na lang maiyak ako. seryoso. bago ko kasi basahin itong entry mo, nabasa ko na ang balitang ito sa isa pang blogger na kaibigan (si homebuddyhubby). Kilala niya rin kasi siya. hayz! nakakalungkot…

    at yung last entry niya sa facebook, nakakalungkot talaga..

    • grabe po talaga…

      hopefully this time, wherever she is right now, eh masaya na siya at punong puno ng kapayapaan.

    • ei, just want to know pala link nung sinasabi mong fren din ni ate toni… tnx

  17. Yhen,

    napadalaw muli, nawili ako sa site mo ang dami mong taga-hanga.. hindi ako magsasawa sa pagdalaw at magbigay komento..

    siyanga pala naka-link ka na sa site ko para mabilis ang daloy ng trapiko.. ha ha ha sabay ganun eh.

    • salamat sa walang sawang pagdalaw… dalaw ka lang po lagi…

      add na po kita sa link ko…πŸ˜‰

  18. awwww…kalungkot…i also feel your pain…rest assured of my prayers…

  19. boypulubi

    Nakakalungkot talaga ang pangyayaring ito.
    Nakikidalamhati ako sa kanyang pagkawala kahit hindi ko siya kakilala.

    Ingat tayong lahat.

  20. Nakaka-touch yung huling sinulat niya. Very meaningful at ramdam mo yung faith and belief niya sa ating Creator. I almost cried. Nasaan man siya, may she rest in peace. Tragic man yung naging death niya, I know that God doesn’t want that to happen.

    My condolences to you Yhen at sa lahat ng nagmamahal kay Toni.

  21. condolence po.. sadyang marupok ang buhay…dpat lang 2lad ni ate toni mo, maging handa tau at magpasalamat sa KANYA sa ipinahiram na buhay saten..

    kya mo po yan… πŸ˜‰

    • tama… maging handa tayo sa ano mang pwedeng mangyari sa atin… siguraduhin nating alam nating kung saan tayo mapupunta kapag namatay tayo…

  22. Grabe nakakalungkot naman… daming buhay na nasayang dahil sa bagyo! Sana wag na maulit ito.
    Prayers for Toni… Condolence po….

  23. ay super sadness but i know your friend is happy now. Just be happy for her. my condolences.

  24. Hi Yhen,
    This is such a sad post. Yet, it shows how positive your outlook is about life and about friendship.

    I so love serenity in the last pic.

    Salamat sa muling pagbisita, Yhen. I’ve been away from blogging some time. I have wanted to blog again after Ondoy and Pepeng but I just couldn’t. There was just too much sadness in my heart.

    • oo nga, medyo namiss ko ang presensiya mo sa tahanan ko…

      nalulungkot ka rin? pwede naman nating piliing maging happy diba?

      smile na jan miss n.πŸ˜‰ GodBless!

  25. Hindi talaga ako magsasawa sa pagdalaw sayo d2 kasi gusto ko lagi matignan yung picture sa headings mo.. tarshier ba tawag dun? yung smallest monkey..

    siyangapala baka gusto mong muli matawa at maglibang, para kahit papaano ay mapawi an iyong pagdadalamhati.

    Tara na sa Malabon.

  26. karizma'08

    hi ate yhen hndi ko man kila2 si ate toni nki2ramay prin ako!!!!!ndi ko man xa kila2 alam k0h sa hitsura plang lam ko n mbait xa at mtulungin pag pray n lng ntin xa kung nsan man xa ngaun god bless ate toni kya muh yan ate yhen go,go,go???tnx…

    • salamat karizma….

      ipagpatuloy mo ang pagdarasal sa soul niya ha…

      tnx din sa encouragement.

      GodBless!

  27. dhyoy

    nakakalungkot ang nangyari… minsan di natin alam kung bakit bigla na lang nawawala yung mga taong ayaw nating mawala sa buhay natin… alam ko ang pakiramdam walang kasing sakit, pero kahit anong iyak ang gawin natin di na maibabalik… sa panaginip na lamang natin sila makakasama…

    sobrang nalulungkot ako sa sinapit ng friend mo….

    • yan din ang inisip ko nung una dhyoy… diko din talaga alm kung bakit…

      but eventually, when the time comes, marerealize mo rin kung bakit. ang pain naman ay nagtatagal sa puso natin kung hahayaan natin itong magtagal…πŸ˜‰

  28. patumbling tumbling muna ate yhen to bring a joyful and exciting aura. naks.. smile ate yhen!!! the world welcomes you to walk straight ahead, and expecting you to wear smiles!!

  29. Its just now that I’ll be making my comment here, but rest assured that when I heard the news, I included her in my prayers.

    I hope you are okay now. God bless +

  30. Sabi ng tatay ko hinde daw tayu dapat malungkot kapag may namamatay, limited man ang time na nakasama naten sya dito sa mundo, walang hanggan naman naten silang makakasama sa langit.

    May her soul rest in peace.

    • hay tama ka jan joycee…

      her journey on earth ends but her journey to eternity has just begun…

  31. Waaaaaaaaaaa.. Naiyak naman ako rito Yhen! Huhu..

    Kahit hindi ko close si Ate Toni ay talagang naiiyak ako sa nangyari. Hindi ko pa naranasang mawalan ng mahal sa buhay dahil sa sakuna pero kahit papaano eh nararamdaman ko ang lungkot mo.

    Naniniwala ako sa sinabi mo na God has a plan or she might already have served her purpose in this life. Ang ganda naman nung facebook status nya. Mukha ngang naramdaman na rin nya ang mangyayari. Sana ay maging masaya na sya saan man sya naroroon.

    • salamat emilayskie…

      tama na ang lungkot, dahil sa ngayon alm kong masaya na siya kasama si Lord!

  32. Hi Yhen, this got me almost teary eyed. Sad and such a terrible death. I know how you feel, sometimes we feel guilty and angry over the things that happened. I am sorry for the loss of a friend.

    Condolences.

    • sadness po talaga kuya k. pero i believed God allowed it to happen, we may not know the reason now, pero for sure in God’s time He will reveal it.

  33. Happy Friday!!

    teka hahanapin ko sa dyaryo namin kahapon nakow!!

    sana di pa naitapon!!!!!!!!!

  34. ate yhen nakita ko na picture mo sa dyaryo!!

    Manila Bulletin
    Thursday, October 15, 2009
    B-7

    Agriculture Section
    πŸ˜€

    hehehehe pa autograph!!!!

  35. condolense yhen.. tama make the most out of it… habang buhay pa tayo.. too young to died..😦

    • haaay yeah… andami pa niya sanang pwedeng gawin sa buhay… oras na niya talaga eh, wala na po kaming magagawa.

  36. i am literally crying as i type this comment…ang buhay nga naman ay tulad ng isang paglalakbay….hindi natin alam kung kailan hihinto ang tiklado nito…
    …nakikiramay ako at kasama ng isang dasal ……

    • salamat kuya blu…

      ganun siguro talaga ang buhay… napakaliit ng buhay na hiram natin sa mundong ito kaya wag natin itong sayangin sa mga bagay na walang kwenta.

  37. hi ninang. =P
    sige labas mo lang. everything is perfect in God’s plan. ^^,]
    muah. amback.

  38. thats so sad. god bless though.

  39. Malapit na mag-isang taon… Sino sasama sa akin pasyalan ang kanyang puntod?

    I was there during her burial. And… It rained hard! Tears rolled on my cheeks and asked, β€œWhat’s good about the rain?” Why is it that still in her burial, umulan pa ng malakas?

    Yap there were a lot of people who came and comforted the Kindipan family. Yet, lahat kami noong umulan ay naghanap ng masisilungan. But God is sovereign. He is the Almighty.

    As the Scriptures says in Psalm 135:6, β€œThe LORD does whatever pleases him, in the heavens and on the earth, in the seas and all their depths.”

    Your memories, Tonette, still remains in my heart…
    Ja mata…
    Tlaa…

    • Hi kuya stoix,

      yeah, its almost a year na… haaay…

      kahit wala na si ate toni, ung mga ala ala nya dko pa rin malimutan… esp kapag umuulan…

      nagkaroon tuloy ako ng magandang pagtingin sa ulan…πŸ˜‰

      have a wonderful day po lagi kuya.

      GodBless

  40. mhelghie

    hi bhezt angelica,

    muzta ka na? sana ayus kalang dyan ah, sana makauwi ka sa new year gusto kita kasing makasama eh kahit saglit lang plzz… sana makauwi kana ….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: