sad ang xmas sa pinas?

nitong mga nakaraang araw masyado akong nababahala sa mga nangyayari sa Pilipinas. lagi nalang kapag nagbubukas ako ng tv sa umaga para manood ng balita sa unang hirit at umagang kay ganda puro mga nakababahalang pangyayari ang mga iniuulat.

natanong ko tuloy ang sarili ko paano na ang pasko ng mga Pilipino?

parang kailan lang nakaranas ang ating bansa ng isang delubyo. sino ba naman ang makakalimot sa sunod sunod na bagyo na nagdulot ng matinding pagbaha sa kapuluan. ilang buhay at ari-arian din ang nawala ng walang patumangga. maaring tignan DITO para sa iba pang impormasyon.

matapos ang ulan sunod sunod na sunog naman sa ilang lungsod ng kamaynilaan ang naganap. kabilang na dito ang valenzuela, new manila, tondo, at quezon city. kasimbilis ng baha ang ang apoy na tumupok sa mga bahay, buhay at ari arian ng ilang residente.

nagbabadya din ng galit ang bulkang mayon nitong mga nakaraang araw. madalas nakalive feed ang mga balita ngayon sa anumang aktibidad ng bulkan. kamusta naman ang mga residenteng nasasakupan diba?

maliban sa mga forces of nature sumasabay pa ang tao sa mga karumal dumal na balita. nangunguna na dito ang massacre sa maguindanao na talaga namang nakaririmarim. halos masuka ako sa banyo nang makita ko ang ilang larawan sa nasabing krimen. hangad ko ang hustisya ng mga biktima.

nakikiisa ako sa pagkamit ng katarungan

may mga kidnapping din na nangyayari na talaga namang halang ang bituka ng mga gumagawa ilan lamang dito ay ang nangyari sa agusan at zamboanga. ano ba naman bakit kailangan magkakasunod na mangyari ang mga ganito?

eeksena pa ang ating pangulo na talaga namang nagdeklara pa ng martial law. ano na naman bang drama yan? buti nalang nagchange ng mind ang lola at ginawang state of emergency nalang.

may aasahan pa ba tayo nitong nalalapit na pasko? may dahilan pa bang ngumiti ang mga Pinoy sa kabila ng mga kaguluhang ito?

may tatlong bagay lang naman ang dapat nating isa alang alang:

1. matuto tayong magpatawad at mahalin ang kapwa ito palang napakagandang regalo na

2. maging responsableng mamamayan tayo. isipin natin ang kapakanan ng ibang tao. sabi nga sa movie na 2012 “the moment we stop fighting for each other is the end of humanity” yun ba yun? basta yun…

3. at alalahanin natin na ang diwa ng pasko ay dahil sa kapanganakan ni Jesus na ating tagapagligtas. kaya magthank you tayo kay Bro dahil siya ang ilaw ng pasko

batid ko ang ngiti sa bawat Pilipino ngayong pasko. alam ko napakadaming pinagdaraanan ng bawat isa sa atin. malaki o maliit mang unos ito ang mahalaga ay bumabangon tayo sa pagkakalugmok.

ps. sa mga kaibigan ko na kasama kong nag Christmas party nung weekend, Salamat. pagpalain ang lahat ngayong pasko.

GODBLESS EVERYONE!

Categories: accessdenied!, Blogroll, faith, life, politics, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , | 62 Comments

Post navigation

62 thoughts on “sad ang xmas sa pinas?

  1. dhyoy

    sabi nila kahit anong mangyari tuloy pa rin ang pasko… pero minsan parang ang hirap magcelebrate kasi alam mo na hindi lahat magiging masaya…

    pero sabi nga, wag mong isipin yung mga di magagandang nangyari, ang sariwain dapat ay yung mga masasayang pangyayari. para laging happy🙂

    hihi… Merry xmas Yhen! (hugs)

    • sinabi mo pa… ang hirap magdiwang kung hindi lahat magiging masaya…

      nwei, ang mahalaga naman sa pasko eh alam natin ang dahil kung bakit ito ipinagdiriwang di ba?

      merry christmas…😉

  2. hay, yhen naalala ko tuluy yung mga pangit na nangyari sa bansan natin! sana sa pag pasok ng bagong taon wala ng ganyang mga peligro, o kahit anu mang sakuna, tuloy parang ang hirap magsaya ganung alam nating mga ilang mga kababayanan nating hindi buo ang kaligayahan dahil sa sila ang nakasapit ng sobrang kalungkutan.

    Sana nga wala ng masamang mangyari next year, para lahat masaya! hehe..🙂

    maagang pasko sa iyu yhen! and manigong bagong taon nadin! GBU!

  3. Yung mga pangyayaring ‘to ay panawagan sa’tin ni Lord, pero di dapat tayu mawalan ng pag-asa, tuloy pa din ang Pasko to celebrate His goodness.

    Merry CHRISTmas Yhen!🙂

  4. hanggat may parol pang nakasabit…at mumunting ilaw na aandap-andap sa ating puso..tuloy ang pasko!

    …..siguro nga sa mga pangyayari sa atin lately…maalaala nating ang tunay na diwa ng Pasko…

    ….mensahe ko yhen…

    IBALIK NATIN SI KRISTO SA PASKO….

    kasi birthday nya….pero di sya ang sentro ng pagtitipon…
    kasi natatangaing araw nya..pero madalas etchapwera siya..

    kasi parang ramdam ko ang krismas is about US…TAYO!

    EH HINDI KAYA!

    kay Jesus na araw yan…

    • salamat sa paalala kuya blu na ang diwa ng pasko ay hindi tayo kundi si hesu kristo na ating tagapagligtas….

      minsan kasi nangyayari sa atin ang mga karumal dumal na bagay para ipaalala na hindi natin hawak at kontrolado ang buhay natin kung kayat mas mabuting manalig lagi sa Panginoong tagapagligtas. gusto niya ring iremind sa atin na ngayong pasko, isipin naman natin siya…

  5. doug_grave

    hi ms.yhen medjo malungkot ang pasko dahil sa mga nangyayari lately pero sabi nga ni dhyoy “eh kahit ano nman mangyari eh tuloy pa rin ang pasko” cguro di nga lahat masaya. Pero dapat sana humanap tayo nga paraan para makapag pasaya dis christmas season..

  6. Dorm Boy

    I’m sure magiging masaya pa rin ang PASKO. It’s been the attitude of Filipinos to manage a smile even at the lowest point of their lives. Sadyang masayahin ang Pinoy. Kahit na marami pang bagyo at kalamidad o kamalasan sa buhay me paraan ang mga kababayan natin kung panu maging masaya!

    Merry Christmas Yhen!

    • tama cnb mo pa…

      pag nagpunta ka ngang mall dami pa ring tao…

      hay grabe talaga ang pinoy…

      merry christmas din sa iyo…

  7. hay same worries with me kasi naman nanonood din ako ng news so parang ang reaction ko is ano ba yan di ba? pero tayo pa? eh masayahin tayong mga pinoy so yakang yaka yan! merry christmas yhen!

  8. hayz! sa totoo lang, ang dami talagang mga nangyaring hindi magaganda sa last quarter ng taong ito.. super! kaya nga isa mga wish ko ngayong Pasko eh maging happy rin ang Pasko ng mga kababayan natin na directly naapektohan ng mga bad sides ng 2009.

    anyways, Happy Holidays, Yhen! Baka di ako makapag-online starting tom dahil uwi ako ng prov. so agahan ko na. hehehe

    Merry Christmas and Happy New Year!

    http://www.hiraya.net
    http://www.hiraya.co.nr
    http://www.yfcnews.com

  9. May tiwala pa rin ako sa ting mga pinoy yhen, masaya pa rin, hindi man ganun kasaya sa iba eh alam ko nasa mga puso natin to. =p

  10. alam naman natin na kahit ano pa mang kalamidad, delubyo ang dumating satin, ipagdiriwang at ipagdiriwang natin ang pasko na may ngiti sa labi. mas marami kasi tayong dapat ipagpasalamat sa Kanya.

  11. merry christmas pala ate yhen. : )

  12. hehehe para na rin akong nagbasa ng recap ng mga happenings sa 2009. parang year end news ito ah.

    merry christmas yhen! grabe nga ang mga calamities na dumaan sa pinas this year. pero its also amazing to realizing na napaka-resilient nating mga pinoys, nagagawa pa rin nating magsmile despite our many tragedies…

    please extend my christmas greetings sa family mo yhen. group hugs!

    • hahaha yearend report ito father…

      yan ang isa sa magandang ugali ng mga pinoy… nagagawa paring ngumiti at tumawa sa kabila ng problema…

      salamat father…

      maligayang pasko po sa inyo…

  13. by the way, i like your photographer. sino ba siya, lagi the best ang mga kuha niyang photos sa u, lalo na yung sa fb.

  14. kailangan pong piliting maging masaya ang pasko.
    ang mga delubyo na yan ay mga pagsubok para gawin tayong maging masmatatag..

    hayaan nating sa araw ng pasko ay masaya ang bawat Pilipino. kahit isang delatang spam lang ang hain, kahit cupkeyk na may nakatusok na kandila
    basta magkakasama ang bawat myembro ng pamilya sa araw ng pasko! Yahoo!!

    merry xmas ate yhen!!!

    HEHEHEHE

    tambling tambling muna!!!!

  15. tama ka jan hamster… di mahalagang bongga ang ihahain… ang mahalga magkakasama at masaya ang bawat isa…

    maligayang pasko at bagong taon hamster…

  16. dpat lng tlg mging pasitib ol d tym!! cuz sbi nga,

    “ders a rainbow olweiz after d rain..”

    meri krismas ate yhen!!
    😉

  17. 今天冬至,好冷啊,呵呵

  18. The Lady in Green Ruffles

    Happy holidays!
    masaya pa rin kahit ilang bagyo pa ang dumaan!

  19. merry christmas ate yhen..

    madami mang nangyari sa taong ito,
    nawa’y sa pag pasok ng taon ay maging maligaya ang lahat..
    kahit na maraming pag subok..

    tuloy pa rin ang pasko..
    at kasama natn sya ngayon..:)

    hugs.

  20. jose

    Yhen, I’m wishing you and your whole family a most blessed merry, merry Christmas and a peaceful, prosperous, joyous new year!!! GOD Bless you always, Yhen!!!

  21. Sana ang nakaraan nalang ang sad, and hindi na ang bukas. Mabiyayang bagong taon po sa lahat ng mga pumuna at pupuna palang.

  22. Hay, yung pinsan ko na nasa picture magkamukha daw kami!

  23. meri krismax!!

    hafi new year!!

    God bless po, te yhen!!

    😉

  24. Hi yhen! Nakikisilip lang po dito sa bahay nyo.

    I guess, despite sa mga nangyari sa ting bansa this last half of the year, kailangan lang talaga tayong maging optimistic about what the country is headed to. Siguro lang with the right attitude and a clear and positive outlook to what lies ahead, everything will be fine. Basta hawak lang tayo kay Bro and thru Him, nothing is impossible. That’s the true essence of Christmas — putting Him in our hearts and minds will eventually help us reach a better place in our lives.

    Merry Christmas and Happy New Year po!

    • hi bongkito..

      salamat sa pagsilip mo sa bahay ko.

      thanks also for sharing your thoughts…

      happy new year…

  25. wui yhen melikismas!!!!!!!! mukhang busy ah!!! malamang andaming pichurs sa new year post mo inaabangan ko yun!!!!!!!!!!! AMINUYIR!!!

  26. Mr. Nonsense

    forgiveness and love are the best things we can give this christmas…right on!

  27. HAPPY HOLIDAYS! :))

  28. Let’s look forward for a better 2010! Go Philippines!🙂

    Happy new year!

  29. Respeto. Yan ang kulang sa karamihan .. hindi lang sa Pilipinas.

    Matuto lang sana mag bigay ng respeto sa bawat isa.

    Hindi natin kailangan magbigayan ng pagmamahal sa totoo lang, dahil hindi naman lahat ng taong makakasalamuha mo ay lovable! nyahaha! PERO kung lahat ng tao ay rerespetuhin ng bawat isa.. mas konti ang away mas walang gulo, mas tahimik ang buhay, mas ligtas ang lansangan, mas masaya ang mga susunod na pasko.

    • yeah i agree… punong puno ng values ang tinuturo sa atin pero pag lumalaki na nawawala na ang values na un esp wen it comes to respect.

  30. aMpf !

    ** g4nUn tLqA bOo.lyff !!! hAixzt !!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: