pulitika. politiko. pilipino.

kadalasan kaakibat ng salitang pilipino ay ang salitang pulitika at politiko. kung baga sa totoong buhay eh nasa sistema na ito ng mga pilipino.

bakit nga ba? ano bang meron sa philippine politics? kung ako lang hanggat maari ay iiwasan ko ang ganitong paksa sa bahay ko pero hindi ko naman sinabing hindi ako makiki uso di ba? kaya ito, maghahayag din ako ng pananaw ko sa bagay na ito.

aaminin ko sa edad kong to dapat isa na akong registradong mamboboto pero mas pinili kong hindi magparehistro. bata pa lang kasi ako nakikita ko na kung gaano kadumi ang pulitika sa pilipinas. bata pa lang ako nakikita ko ng wala o kakaunti pa lang ang umasenso sa mga pilipino. at bata palang ako iisa lang ang pangako ng mga pulitiko na hanggang ngayon eh sabihin na nating 20 porsyento palang ang nagkakatotoo.

yun ang totoo. matagal ng sinisigaw ang pagbabago. kopong kopong palang, yan na ang isyu. pero tila baga ang pagbabago na mismo ang nasanay sa ating pilipino at hindi tayo ang nasanay sa dapat na magbago o pagbabago. kaya ito, ganito pa rin tayo.

isang kahig isang tuka. trabaho sa ibang bansa. taya sa loto, jueteng o sweepstakes baka sakaling manalo. lubak-lubak na kalsada papunta sa inyo. bilang ng ng krimen nadadagdagan sa bawat kanto. presyo ng bilihin tumataas pa ng todotodo. at higit sa lahat ang magpaloko sa mga pulitiko.

minsan di mo na rin masisisi ang mga pulitikong ito dahil kung tutuusin ginagawa lang naman nila ang trabaho nila, yun nga lang natatapos ang araw na sila ang panalo, sila ang mayaman, sila ang kumikita, at sila ang may kapangyarihan.

ngayon, kung susuriin mo iisa lang naman ang pangako at hangad ng mga tumatakbong kandidato eh, yun eh ang matulungan ka at ang ating bansa na umasenso, pero kapag sila na ang nakaupo, unti unti ng nagbabago ang mga hangaring ito. na tila ba nagka amnesia nalang at ang mga pangako ay nagkandaloko loko.

pagbabago? huwag na tayong umasa sa kalokohang ito. ang pulitiko sa pilipinas di na yan magbabago. kahit ilang administrasyon pa ang magdaraan. sabi nga nila “it will always be the same scenario”. aba ganun talaga. asa ka pang ang pilipinas ay aasenso. parang sa pamilya lang yan eh mana-mana. kung sa genetics pa yan eh hereditary ang tawag diyan.

sige na, nega na kung nega ako sa pulitiko sa pinas. eh anong magagawa mo? makukumbinsi mo ba ako na posibleng magbago ang senaryo? maipagmamalaki mo ba sa akin ang mga pulitiko ng bayang ito? mapapaniwala mo ba ako na bukas makalawa ang pilipinas ay aasenso? at maipapakita mo ba sa akin na darating ang araw na di na mababahiran ng dumi ang pulitika sa bayang to?

aba, kung oo ang sagot mo at naniniwala ka sa posibleng pagbabago siguraduhin mong may mapapala ka sa kandidatong iboboto mo sa nalalapit na eleksiyon, para sa huli hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo.

sa mga boboto, galingan ang pagpili ng kandidato. siguraduhing ang pipiliin mo ay kayang mapanindigan ang sigaw na pagbabago.

sa mga hindi boboto, ok lang yan, manalangin na lang tayo na di man tayo maging bahagi ng eleksiyong napipinto, sana sa mga susunod na araw, sa mga susunod na buwan, ang mahihirang na pangulo, at mga pulitiko ay makapaghatid nga ng pagbabago at hindi mga pangakong, talaga namang napapako.

ayan, share ko lang mga encounters ko sa ilang pulitiko.

ex pres n pres candidate joseph estrada

pres candidate gordon (ako ung nakapink sa likod, naghost kc kaya di makadiskarteng magpapix)

vice pres candidate binay

cynthia villar, pres candidate manny villar's wife

pgma and sec yap in an exhibit i attended

senator maceda

senator biazon

senator zubiri

palawan congressman baham mitra

mayor george estregan jr

“Politicians and diapers have one thing in common. They should both be changed regularly and for the same reason.” – Unknown Author

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, politics | Tags: , , , , , , , , | 51 Comments

Post navigation

51 thoughts on “pulitika. politiko. pilipino.

  1. wow!!! ang saya naman—may pictures ka pa sa mga bigatin ng bansa.😉

    • hehehe yep… i dont love politics but i do love taking pictures of me wd dem… ironic… hehe

  2. nakakatuwa naman yung mga pics.and mas nakakatuwa to think na hindi ka proud sa phillipine politics.i’m sharing the same sentiments and yet,never giving up believing that there was somebody out there na may dugo pang ‘lingkod-bayan’.yung uunahin ang kapakanan ng nakararami bago ang sariling interes.

    magandang araw.nakiraan lang.

    • yup… wel, di na kc nagbabago eh.. pare parehong pangako pero walang natutupad…

      too bad, we belong to this stinky politics…

  3. Ugh, kahit kailan talaga hindi ako naakit ng pulitika. Bunga ako ng mga henerasyon na walang nakita kung hindi ang lalong pagsadlak ng bayan sa hirap.

    Madumi and pulitika. Iyan ang kinalakihan ko na kaisipan na napapatunayan naman sa bawat halalan na dinadaos sa bansa.

    Ayoko makisawsaw sa pulitika. Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na ako dapat makialam. May paninindigan ako at hindi ko iyon bibitawan kahit gaano pa kumapal ang lusak na kumakapit sa pulitika sa bansa.

    BTW, you might want to vote for someone kahit ayaw mo. Yung friend ko, nagagamit yung pangalan niya kahit hindi siya rehistrado. Kainis.

    Just passing. ^_^

    • magkapanahunan cguro tayo kc parehong klase ng pulitika ang kinagisnan natin hehe…

      salamat sa pagbahagi mo ng pananaw mo…

      aba dapat ireklamo ng friend mo yan ha… kakaloka talaga…

      tnx for passing…

  4. ang layo na ng narating mo yhen, can not be reach ka na ata ngayon. imagine nakadaupang palad mo na sila samantalang marami sa atin ay sa tv lang nakikita yan mga kasama mo ngayon sa pix. bukod kang pinagpala…

    • ngek, parang signal lang ah cannot be reach… hehe di naman po… nagkataon lang po yan…

      sb nga nila, we r all blessed in our own ways…

      tnx po uli…😉

  5. dencios

    alam mo yhen, naiisip ko na sobrang nag rerely na karamihang pinoy sa politiko natin na in a way dun na sila umaasa. sa kanila na inaasa lahat. isipin natin yung rallies, eh diba iyung iba nakikirally lang para sa binibigay na suhol at pagkain ng mga pilitiko? sila yung mga taga squatters mostly.

    nakakaasar lang kasi hindi naman natin puedeng isisi yung lagi sa gobyerno eh, kasi ay hindi talaga lahat maiibigay ng 100%. saka may papanigan at papanigan din ang mga iyan. mahahati talaga ang mga taong maniniwala sa kanila so hindi excuse ang hindi ka boboto just becasue marumi ang politika sa atin. kasi lagi namang may pag-asa yun. PERO kung ikaw, yan ang pananaw mo, maniniwala ako kasi my sense of direction ka, maunlad ka, tumutulong ka. OK yun! eh iyong nagmamagaling na wala namang naitutulong at hindi na lang sila boboto? yun ang masama.

    gayunpaman nasa tao na kasi yan, nasa diskarte, nasa tyaga yun, nasa mentalidad na “magagawa ko to!”. kaso asan yun sa kanila? naghihirap silang lahat pero ang mga anak nila 8, 9, 5… tama ba yun?

    Hi yhen :3

    • tama ka jan papa dence…

      naiisip ko minsan nasa mga pinoy din ang problema, kahit anong tulong ang ibinibigay ng gobyerno kung di pinapahalagan ng taong bayan wala ring mangyayari. ang masaklap nasanay kasi ang mga pinoy sa doll out o laging bigay ayun ayaw tuloy kumayod at maghirap. kadalasan gusto pa lagi easy money…

      nakakasawa na ang katagang ito, pero totoo life is a choice. u can actualy change ur living by the choices we made.

      so der, hope papa dence u will hve d best or perhaps good choices of politicians…

      thanks for sharing ur thoughts papa dence…

  6. bigatin! wit wiw!😆

  7. sayang naman yhen, bilang pilipino tungkulin na natin ang maghalal ng taong gugustuhin natin. karapatan kase natin yun. kung di tayo magsisimula sino at kanino pa. hindi solusyon sa isang naghihikahos na bansa ang hindi pagsali or pakikiisa sa pulitika (marumi man ito o malinis) we just need to do our part by giving our single vote.. and the rest is history.. let them do their job and may God bless them..

    kung ang lahat ng tao hindi mag paparehistro at kung ang pananaw ay tulad nito, pano pa?
    marami pa rin namang mga magagandang bagay ang naidudulot ng paghalal natin sa mga pulitiko.. hindi naman lahat kasama sa bulok na sistema…

    siguro kung may pag babago man tayong inaasam, dapat siguru sa atin nga mismo magsimula..

    may pag asa pa naman talaga ang pulitika sa bansa, kailangan lang talaga ang partisipasyon ng bawat isa sa atin…

    oops! may nagtext! haha

    “Miss Yhen, sana sa susunod na election, rehistrado kana!”

    nagmamahal,
    COMELEC (haha)

    • hi kuya boni,

      thanks for the enlightenment. however, i will stand to my opinion na hindi talaga ako magpaparehistro at hindi ako boboto.

      its not that i dont care for my country, its just dat, i know that if these politicians have really good intentions, they dont need to run for any position just to serve the Filipino people and the country. aba, kung ang lahat ng pulitiko eh balak kumandidato para magsilbi, mali ata iyon. di ba mas maganda kung tlgng bukal sa loob mo ang magserve eh di magserve ka kht wala kang inuupuang pwesto.

      its just so sad lang kc talaga na eversince d world began wala ng nabago sa pulitiko sa pinas… kung baga sa show eh repeat performance lang lagi yan.

      too bad also that in the philippines when we say politics, kaakibat pa rin nito ang salitang, money and power. pinoy kasi gahaman sa kapangyarihan yan in nature, but stil, i love being pinoy…

      ganun lang yun eh, kahit gaano kapangt ang pamahalaan ng pinas, kaht gaano kadumi ang pulitika sa pinas, kahit madami pa ang mahirap, kahit magulo ang mga bayang tao, at kahit maraming matatalino at sa sobrang talino eh nag uutakan nalang, MAHAL KO PA RIN ANG BAYAN NA ITO.

      • yey! thanks din yhen! yun naman mahalaga MAHAL NATIN ANG ATING BAYAN. Tsaka hindi ka man makaboto, sigurado naman you can influence people to choose the rigth one..

        cheers!

        pa picture nalang ako kasama ka pag nag kita tayo. at pag nagawa ko un! parang nakapag papicture nadin ako sa lahat ng kasama mong politician hihi!

        • hehhee ganun talaga… aba kapag nakapapicture naman ako sa iyo para na akong naka papicture ng artista nyan… naks.. hehe…

  8. Joyo

    hmmm… minsan kasi yung mga tao feeling nila nasa mga taong uupo ang iaasenso ng buhay nila… e kahit anong galing ng nakaupo kung ang mga tao ay walang kusa na magsumikap hindi talaga sila makakaahon… ang mga uupo sa trono ay tutulong lang sa atin para maging mabilis ang pag-aseso natin… para mas maging kumportable tayo pero hindi sila ang magtatrabaho para mabuhay tayo… haizzz minsan nga lang para sa kapakanan ng mamamayan ay nagiging para sa kapakanan ng kayamanan ng nakaupo… ayun hihi opinyon ko lang naman yun hehehe… hindi naman ako makaboto pero sana nga maging mgnda ang resulta ng halalan na yan… para maiba naman😀

    • agree ako jan, it will always boils down to wat the Filipinos are up to… sometimes the problem is wd d people talaga, not the government, not the project, but definitely the people…

      nwei, whoever wins the election, hoping that there will be a change, a positive change…

  9. Talagang may mga picture. :p lolz.

    One vote matters, Yhen. But it’s your choice din naman.😉 Sama na lang tayo mag vote. ^^

    • wahaha xmpre, ayaw mo ba?

      hehehe samahan nalang kita magvote… naks… hehe… mukang nag enjoy ka sa bday mo ah…😉 winks

      • Di bagay sayo serious. :p

        LOL.

        • hahha isa kang malaking azar… pagbgyan mo na ko.. minsan lang manyari to sa buhay ko… hehe

          atska d nmn masama magseryoso ah, weh….. hehe

          • Sinabi ko bang masama? Sabi ko hindi bagay! Mas bagay sayo magpa cute lang! Kasi ang cute cute mo! Tingnan mo pics mo oh! :p Heheh.😉

            • ay nakupo.. alm mo gutom lang yan… hehe…

              tumatalbog na ako sa kakabola mo…

              • Hahahaha. Hindi nga! Di kita niloloko! The best yung pic mo sa likod nang sinumang matandang yun! Hahaha. Natawa ako. ;P ang kyyyyuuut!

                • hahaha adik ka talaga…

                  pagdiskitahan daw ba mag pictures ko..

                  at di ako pakyut ha… mag pakyut ung mga di kyut, kaya di ako pakyut ok… hehe

                  • ay chat!? hihi.nagseselos nako!! hahaha

                    • hahaha sorry naman kuya boni…

                      di bale, masaya naman ako at isang gwapoing tulad mo ang dumadalaw sa bahy ko… wee… hehe

                  • di bale, masaya naman ako at isang gwapoing tulad mo ang dumadalaw sa bahy ko… wee… hehe – aba! lumalandi ka na ah! di bagay! dapat cute lang! :p

  10. aba, politikong politika ah?! hehehe🙂

  11. “Politicians and diapers have one thing in common. They should both be changed regularly and for the same reason.”

    ayos ito ah… totoong-totoo… hehehe…

    para sa mga boboto… maging matalino…
    para sa mga hindi boboto… huwag magreklamo…
    kung gusto ng pagbabago… pumili ng wasto…
    kung isa kang pulitiko… tama na ang panloloko…

    “Bote mo para sa Prito!”

    • hehehe natawa naman daw ako dun sa mga hindi boboto, wag magreklamo?

      aba bakit hindi, karapatan din kaya nmn un bilang tao.. hehe

      • hahaha… kaya ko nasabi na wag magreklamo ang hindi boboto… kasi… sayang ung isang boto para sa taong sa tingin natin eh karapat-dapat…

        halimbawa… tie sila ng kalaban niya… kung ang isang boto ay napunta sa karapat-dapat… panalo na… hehehe…

        pero ang tanong lang ngaun… meron bang karapat-dapat?

        • hehehe korek.. un din ang tanong ko.. meron bang karapat dapat? hehe

          nwei, laht ng bagay pwedeng magbago at sana kasabay ng hangarin ng mga pulitiko na magbago at maisaayos ang sistema ng ating bansa ay ang pagbabago na tungo sa pag asenso ng bansang ito…

  12. akala ko tuloy nagbabasa ako ng blog ng isang political analyst hehehe

  13. Psst.

    Nabusy. :p

    yun lang.

    Tsaka di ako nagseselos. Sobra ka naman.

    Ayoko lang masira image mo.

    Dapat cute ka lang always. Bow. :p

    • hahaha… odi cge na nga… wag na lumandi…

      sorry po tay…

      • Hahaha. Joke lang.

        Go spread your wings. :p

        Hahahah.

        Di ka ba busy?

        • bz rin, pero i have tym for u.. naks… hehe kaw pa lakas ka sakin….

          kaw ba? dka rin ba bz? hehe

          • Hindi na. Kaya nga kinukulit na kita.😉

            • hahaha…

              sabi ko nga eh…

              bakit dka na bz?

              bakit ako kinukulit mo?

              nrrmdaman ko in a few minutes may bago ka ng entry sa blog mo… hehe

              • Hala. Sobra to.😦

                Wala akong entry today.

                Kinukulit kita kasi masaya kang ka kulitan.

                Tsk.

                Di naman ako ganon kasama na mangkukulit para may comment.

                (hurt mode)

                • asus tampururot…

                  wag ganun.. magpapaliwanag ako… hehe…

                  ang ibg kong sbhn, nakakatuwa lang kc laging updated entry mo… un lang yun… kaw talaga….

                  dahil jan may ice cream ka sa akin… hehe…

                  nu ba gsto mong flavor? sokoleyt o tsis?

  14. Vladelle Francisco

    hi. im vladelle francisco from st scholastica’s college, manila. u have a well-said blog post there🙂 i would like to ask if u know some youngsters who blogs about Philippine politics too?🙂 for my thesis. can i have their links? ur reply is very much appreciated. thank you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: