buhay atbp…

sa mahabang panahon, hinayaan kong pagpahingahin ang blog ko. sa kadahilanang di ko rin maintindihan. may mga pagkakataon na gusto ko magsulat pero mas pinipili kong hindi. pero ngayon, napagtanto ko na kailangan ko na uli kumunekta sa cyberworld, dahil kung hindi ngayon kailan pa uli di ba? kasi parang sa tagal ng bakasyon ko, nawala na rin ako sa agos ng panahon. ang masaklap pa, ang dami na palang bago sa mundong ito. pero nakakatuwang isipin na sa pagbabalik ko, parang ako pa ngayon ang baguhan sa mundong ito.

kaya iwelcome niyo naman uli ako… hehe.

gusto ko lang bigyan ng kabuluhan ang ilang mga litrato na kinunan ko nitong mga nakaraang araw.

tsinelas

nakunan ko ang mga pares ng tsinelas na ito nang kami ay nagkaroon ng storytelling at feeding na activity sa mga liblib na paaralan sa leyte. akala ko dati, ang proyekto ng rated k kung saan nagbibigay sila ng tsinelas ay sadyang palabas lamang. pero ng makita ko ang mga pares na ito, nabago bigla ang pananaw ko, na totoo palang marami pa ring mga batang pumapasok na hindi maayos ang sapin sa paa. habang kinukunan ko ang mga pares ng tsinelas na ito, narealize ko na maswerte pa talaga ako dahil hindi ako ang nagmamay-ari ng bakanteng espasyo.

sa buhay, matuto kang magpasalamat sa anumang kabutihang tinatamo, dahil di lahat ay katuladย  nang kinalalagyan mo.

matuto kang magpasalamat, dahil di kabilang ang tsinelas mo sa litrato.

at magpasalamat ka dahil mas pinagpala ka pa sa mga batang nagmamay ari ng mga tsinelas na ito.

sa buhay maraming dahilan para magpasalamat. kaya huwag nating sayangin ang bawat pagkakataon na pahalagahan at pasalamatan ang poong maykapal sa buhay na ating kinalalagyan.

may mga pagkakataon na may mga bagay na hindi natin inaasahan. mga bagay na sadyang nakakagulat at nakakapangilabot. kaya mahalaga na bago natin ma experience ang mga bagay na di inaasahan dapat handa tayo, handa tayong tanggapin na ang buhay ay sadyang maliit lamang. kung kaya’t sa inaraw araw natin na existence sa mundong ito gawin nating laging makabuluhan ang bawat araw.

ang bus na nagtakda ng ilang buhay

kahapon, matapos ang aking meeting sa WTC, Pasay City, minabuti kong sumaglit sa pinangyarihan ng malagim na hostage taking na eksena sa harap ng Quirino Grandstand. pababa pa lamang ako ng aming sasakyan ay tila ba nagsisistayuan ang aking balahibo. di ko maintindihan kung ano ang mga nararamdaman ko ng mga oras na iyon pero nang malapitan ko ang bus ay mas lalo akong nalungkot, at napaisip kung bakit kailangang mangyari ang ganun. pero tulad ng sabi ko, may mga bagay na di natin kontrolado at di inaasahan. kaya mahalaga na sa bawat buhay at bawat galaw natin ay sigurado tayo dahil di mo alam bukas o sa makalawa, tadahana na rin ang magtatakda ng buhay mo.

dagsa ng tao...

ang pagsalubong nila mayor lim sa mga kaanak ng biktima...

ang pagdating ng ilang kaanak ng mga biktima...

walang may gusto ng mga ganitong pangyayari, kaya wala ng dahilan para magsisihan. ang mahalaga maibigay ang hustisya sa mga biktima.

sa kabilang banda, maswerte ako dahil nakilala ko ang isang blogger. ayan, nagshoot ang rated k sa philrice at di ko aakalain na magtatagpo kami ng blogger na ito dahil kasama siya sa crew na nagpunta dito. cguro kilala niyo rin siya. ang bahay niya ay pinamagatang THE LADY IN GREEN RUFFLES. ayan, so ito ang pagtatagpo namin ni miss joyce agojo.

me and the lady in green ruffles

aside from that, siguro ung mga taga norte kilala nilaย  ito, news anchor ng abs-cbn dagupan, cris zuniga. ayan kanina lang yan. nagdocu siya ng rice production para daw sa show niya ng BAYAN NI JUAN. this will be aired on sat, 7am, channel 32.

abs-cbn dagupan news anchor

Believe that life is worth living and your belief will help create the fact. -William James

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, rice, trip | Tags: , , , , , , , , , | 38 Comments

Post navigation

38 thoughts on “buhay atbp…

  1. ang daming tsinelas. naisip ko tuloy baka nandyan si korina para magpamigay ng tsinelas. .hehe

    grabe yang pangyayari na yan. kakalungkot.

    teka.base yta ako.base!

    • wow base ka nga… ang galing galing…. hehe

      nwei, c korina ay nagpunta dito sa munoz. namigay din siya ng tsinelas… hehe sayang di lang kasya sa akin… hehe

  2. nakakalungot malaman ang katotohanan na may mga batang nag-aaral na naka tsinelas o naka-paa.
    pasalamat tayo at maswerte parin tayo kahit papano…

  3. bigla kong naisip yung bakanteng espasyo.sobrang makahulugan yung picture na kinunan mo yen lalo yung dun sa mga tsinelas.

    ang sapin sa paa ang bagay na nagpapaalala na nakatuntong pa rin ang lahat sa lupa.

    may pagkakataon pa ring masarap damhin ng talampakan ang mismong daigdig na walang namamagitan na kahit anong sapin.

    binuhay ng larawan ang maraming pakahulugan sa isip ko.

    salamat yhen at welcome back sa pagsusulat.

    • Salamat din po.

      Bagong insight din po sa akin ang iyong mga ibinahagi.

      Nakakalungkot lang po talaga minsan na may mga bata pa ring ganyan. Lets be grateful and thankful to Him dahil di niya hinayaang maranasan natin ang hirap ng may hindi kaayusang sapin sa paa. Let’s always remember na sometimes wala tayong karapatang magreklamo sa hirap na ating natatamo dahil may iba na nakakaranas ng mas matinding hirap sa atin…

      hughugs po…

  4. Hmmm na amaze ako sa pagkikita nyo ni ate joyce. hehe..
    At ang mga tsinelas, ang mga pag aagam agam. totoo. haiz. maswerte paren ako. maswerte paren tayo.
    Ang hostage taking. hai.. nakakalungkot.
    At sa huli, welkam bak ate yhen! hugs.๐Ÿ™‚ =P

    • hehehe.. yupyup… ako na amaze… dko nga din ineexpect ang pagtatagpo nmn ni joyce eh… hehe

      nwei tnx joan…๐Ÿ˜‰ hughugs

  5. Yhen! Welcome back! Pareho tayong nagbabalik sa masayang mundong ito. Medyo hindi ko rin naasikaso ang blog ko at ang bloghopping. Pero okay na ngayon. May panahon na uli para bumisita ako sa mga blog.

    Nang makita ko ang picture na yan, iisa lang ang naalala ko: ang kabataan ko. Ang mga panahong nakikipanood ako ng pelikula sa betamax sa kapitbahay namin na mabait dahil wala naman kaming betamax player sa bahay. Marami kaming mga batang pinapayagan niyang makipanood. At madalas, inihihilera namin ang aming mga tsinelas nang ganyan๐Ÿ™‚

    • miss n,

      hehehe… akalain mong sisipagin pa rin pala taung bumalik sa blogomosperyo…

      aba, mapalad ka at maganda ang ala ala mo sa tsinelas…๐Ÿ˜‰

      at nakaktuwa naman ang kwento mo na nakikipanuod pa kau sa kapitbahay, sa nanay ko lang kasi naririnig ang kwentong yan at di ko aakalaing sa panahon mo ay ganun pa rin hehe….

      hughugs miss n…

  6. another meetup with a blogger!๐Ÿ™‚

  7. Punong puno ng istorya yung tsinelas fotograpiya! A slipper that is supposed to be in the middle is missing. Probably, he went away. Far, far away.

    Lab, lab, lab!

    • hi ax,

      salamat naman at nakadalw ka uli sa bahay ko… ehhe…

      teka may bago ka na ba ring entry?

      at oo tama ka rin dun, posible ngang nagliwaliw o nagabsent ang batang nagmamay ari ng espasyo… hehehehe

  8. minsan nawawala ka sa serkulasyon pero tuwing babalik ka ang dami daming mong pasalubong na kwento yhen…๐Ÿ˜€

    • tama ka jan ms joyo… at para bang kulang pa ang isang entry minsan para ikwento mo lahat ng mga nangyari sa iyo…๐Ÿ˜‰

  9. ang galing naman nito ate yhen
    nakarating na din ako sa leyte, sa may leyte state university, sa isang natcon kasama sina kuya nevs, payak at simple ang buhay dun,
    at katulad mo naniniwala din ako sa adhikain ng Rated K na hindi lang yun gimik

    dun sa nangyaring hostage taking, katulad ng mga nauna kong koment sa may post tungkol dito ang masasabi ko lang ay hindi na ako makikidagdag pa sa injury na meron tayo ngayon bilang isang Pilipino at nagkakaisang bansa. Dalangin ko nalamang ang mabilis na paghilom ng mga ito.

    wow may EB pa at kilala ko nga yung anchor na si Chris, madalas siya sa Umagang Kay ganda di ba kapag sa regional news segment na.

    Marami tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos mapapalad tayo, pero hindi natin ikinatutuwa ang nangyaring pagkitil sa mga buhay ng dayuhan noong nakaraang linggo.

    WELKAM BAK ATE YHEN! be blessed!

    • ah yeah… i remember that… nakwento na dati ni kuya stoix ung pagpunta niya ng leyte for the natcon of LA…

      yup nag eb km ni joyce, r u familiar wd her blog? nwei, aun smol world, dko ineexpect na xa na pala un nung nagshoot na sila dito…

      thanks s pagwelkam pong…

      GodBless too… hughug…

  10. Yup maraming ipagpasalamat sa buhay. Dami mong experiences based sa mga pics mo. Welcome back sa cyberworld. Ako rin nagstop din muna magsulat noon, pero mas ok pa rin palang ipagpatuloy. Keep on writing.

  11. hala! may bakante talaga espasyo para sa nakapaa.. wala syang tsinelas.. =( sad..
    nung bata ako naranasan ko din magsuot ng butas na tsinelas yung halos malagot na tapos lusot na ung sakong sayad sa lupa, pero no choice, habang hindi pa nabibilan kailangang gamitin, simpleng buhay.. pero isa na siguru yun sa nagbigay inspirasyon sakin para mas magsumikap pa.. mas mag punyagi.. (ay tama na carried away nako hahah.. tsinelas lang topic eh,. hihi)

    sige na, WELCOME BACK! (group hug!)

    • ay tama ka jan kuya boni, sana sa mga batang nagmamay ari ng mga pares ng tsinelas na ito ganyan din ang maging realization nila sa buhay, ang magsikap para umasenso hindi yung aasa nalang na may magbbgay at magpapalit ng suot nilang tsinelas. dapat umasenso sa sariling sikap… un ang masarap…

      thanks thanks kuya boni… hughugs..

  12. ganda ng tsinelas bilang image ng buhay…..katulad mo ngayon na rin lang nagbabalik….busy?…ewan…pero sa totoo lang…napagod talaga ako lately….

    • yup, di naman din kasi masamang mamahinga minsan kuya blu… nwei, ipagpatuloy mo po ang pagbblog..๐Ÿ˜‰

  13. Ako rin Yhen, nagbabalik! Hehehe… Nice shot dun sa mga slippers…๐Ÿ™‚
    At nakita ko na rin si Ms. Joyce Agojo… Pero sadly, I have removed her in my links kasi naclose ng WP ang mga blogs namin kasi bawal ang “paidtoblog” na URL sa wordpress…๐Ÿ˜ฆ

    To more posts Yhen…๐Ÿ˜‰

    • hehehe, pinaalam ko naman kay ms joyce yan ang pagpopost ng larawan nya hehe… buti nalang pumayag siya hehe…

      welkam bak kuya…๐Ÿ˜‰

  14. guto kong magfocus sa mga tsinepen, ang ganda ng mga kulay, kala ko naman naminigay ka na din ng ganyan parang si Korina.

    gusto kong pansini ung pasasalamat, dapat palagi natin itong ginagawa kasi dun lang natin mas nalalaman kung gaano tayo kablessed kapag nagpapasalamat tayo.

    • hehehe infairness ano? tumatak kay korina ang pagbbgay ng tsinelas… pauso ang lola… kc bsta may tsinelas nai aasiate tlg sknya hehe

      salamat sa muling pagdalaw alvin…

  15. olryt!!! halos namiss ko ang iyong kagandahan ate yhen!!! tama!! kababalik ko lng din po. and sobrang totoo lang ng sinabi mo na parang naninibago ka dahiil ang daming bago. hahaha๐Ÿ™‚

    • hi mb, glad nakabalik ka na rin after 10 years hehehe…

      salamat at naalala mo parng dumalaw sa bahay ko…๐Ÿ˜‰

      hughugs

  16. sana nandyan ako para naman makakuha ng tsinelas๐Ÿ™‚.

    namamasyal lang po.

  17. ay ate yhen kawawa naman yung may ari nung butas na sinelas. gusto kong bigay ang akin๐Ÿ™‚

    grabe mga nangyayare ano? ang maganda lang today is walang ondoy-like na nangyari…

    let’s lok at the brighter side na lang para masaya ang life!!! ate yhen!!๐Ÿ™‚

  18. ate gising. padaan lang. timpla akong kape ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: