Posts Tagged With: Baguio City Market

traces…

its been so long na since umakyat ako ng baguio and it was only the other day (Dec8) and yesterday (Dec9) na nakagala uli ako.

siyempre ang una kong dinalaw (maliban sa pangalawang boarding house ko dati na SM) ay ang SLU. pero gang tanaw lang ako sa gate kasi mejo strict talaga mga guard dito… bawal talaga ang outsiders. wala lang, nakakamiss lang naman pala ang buhay kolehiyo… parang kelan lang!

SLU maingate

larawan466

yan, then of course di ko nakaligtaang kumain sa paborito kong kinakainan noon-ang Macsbox. ito literal fastfood ito. itong bisnes na ito ay nagsimula lang noon na project ng isang entrep na stud ng SLU. naisipan niya kasing ang mga studyante ay mahilig sa rice dahil nga nakakabusog ito kaya iyon nag experiment siya ng mga recipe’s para magkaroon ng lasa ang kanin. it comes in different flavors at ang paborito ko ay ang KKK (Thai bagoong rice) at Macsbox special. mala-chaofan ng chowking ang konseptong ito. pero sa maniwala kayo’t sa hindi mas masarap pa to kesa chowking.

larawan463

larawan465

napadaan din ako sa malapit sa palengke at centermall (pinaka-unang mall ata to sa baguio) at wala paring pinagbago ang senaryo… dami paring nagtitinda ng mejas at casing ng cellphone.

larawan469

bago naman ako umakyat ng sessionroad may nadaanan ako sa malcolm square (people’s park) na mga poinsettia (tama ba spelling?) at sunod-sunod ang tindahan ng halamang ito.

larawan470

sa dulo naman ng sessionroad ay ang matayog na pinetree na gang ngayon ginagawa parin siyang Giant Christmas Tree ng buong lungsod. maganda to pag gabi dko lang nakunan ng gabi… hehe!

torn between two towers

torn between two towers

tapos ang walang kamatayang sessionroad (bz street parin as usual). infairness sa christmas lights mukang paru-parong malalaki… hehe (gagambino ba ito).

SessionRoad

SessionRoad

pero ang nakakalungkot eh ang mga beggars na nasa gilid ng session. aba eversince ang-aral ako anjan na ang mga yan ha. ginagawa na atang karir ang pang hingi ng pera. haaay kung di lang pasko di talaga ako maghuhulog ng barya eh.

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

hindi rin nakawala sa aking paningin ang mga sale at ukay ukay. jan ata ako magaling ha. at infairness dami ko talaga nabili. sikat kaya ang baguio sa ganyan. kaya panalo talaga ang lugar na ito if bet mong magshopping galore!

larawan476

nilalangaw?

nilalangaw?

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , | 15 Comments

Blog at WordPress.com.