Posts Tagged With: Baguio City

places ive seen/been in the last 5months

ive been mobile this past few months and i barely have time to update my blog. anyway, here are the places i’ve been and seen in the past 5 months. di ko talaga hinayaang maging dayuhan ako sa sarili kong bayan hehe.

So here it is, a trip from the northern side down to the southern part of the country…

1. Blue Lagoon, Pagudpud, Ilocos Norte – I went to visit this place once again, this time with my officemate/friend together with his brother, sister, and cuz. this was during the holy week but it seems like a tourists week there hehe. coz tourists were all over the place. my woord.

enjoying the white sand

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, trip | Tags: , , , , , , , , , , | 11 Comments

On the spot…

im starting to count days, that aside from Christmas is coming, i will be celebrating my 24th birthday nxt week. yes, its next week, and that’s three days from now.

Larawan150 Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, faith, life, love, relationships, rice, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 62 Comments

U-Ber

September na… ang bilis ng panahon.

Kapag nag approach na ang September ibig sabihin nun malapit na rin ang pasko…

Parol - photo taken at SM City Baguio, December 2008

Parol - taken at SM City Baguio, December 2008

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , | 29 Comments

…dusk

I was so amazed how the heaven cleared the grounds after a heavy rainfall –  creating a majestic scene in the City of Pines, Baguio, last Saturday.

First, a raibow showed up in the sky symbolizing hope for everyone. I am always reminded of God’s promise that rainbow is a sign na hindi na niya hahayaang bumaha pa sa mundo. Kaya let’s thank Him everytime na may umagang nagigising pa tayo.

DSC04253 copymoreover, the picturesque view reminded me of how colorful my college life was. i miss the old days. i miss schooling, yeah i really do. i miss old friends. i miss my school, SLU. i miss the cold weather. i miss the smell of pine trees. i miss night lifes at session road. i miss coffee breaks. oh Gosh, i really miss this place. if there’s a place that i would always remember, it would be Baguio.

DSC04257 copyDSC04258 copyDSC04259 copy Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , | 54 Comments

simply POWERFUL!

matatapos na pala ang march… napakabilis ng panahon. malapit na ang panahon ng teambuilding, bakasyon grande, at sa iba summer classes. gayunpaman, gusto kong magbigay pugay sa mga 2009 graduates natin. nawa’y gamitin nila ang mga napag aralan nila sa pagunlad ng ating bansa.

sa kabilang banda nakalkal ko sa files ko ang isang souvenir page namin nung nag grad ako. habang tinitignan ko ito eh muling nagbalik ang mga ala ala ko nung colej. hindi ako yung tipong mahilig mag aral o nangangarir sa mga exams. ang mahalaga lang sa akin dati eh pumasa ako. naniniwala kc ako na kahit gaano ka kagaling nung nag aaral mo sa totoong buhay diskarte at tamang pag uugali lang ang kelangan para umasenso. pero di ko naman cnsbng wag pagbutihn ang pag aaral at lalong di ko sinasabi na wag itong seryosohin. ang sa akin lang mas masaya mag aral kapag hahaluan mo ng saya, kalokohan, at kaunting pagpasaway. hehe. aanhin mo kasi ang matataas na grades kung hnd ka naman marunong dumiskarte sa buhay di ba? hehe.

nwei, im proud to say that im a LOUISIAN. opo, graduate po ako ng Saint Louis University, sa Baguio sa kursong Mass Communication. hindi ako nagsisisi na ito ang kinuha ko dahil gusto ko ito. ang batch namin ang isa sa mga bibong batch at sa aking pagkakatanda ito ang aming paninindigan:

I am…

Sleepless…

Starving…

Stressed…

Broke…

…still POWERFUL!!!

n1042205914_30362596_4600139

dahil sa kursong ito, hindi ka masscom kung di mo na experience ang di matulog ng at kinaumagahn eh papasok ka pa ng walang ligo dahil sa paggawa ng mga projects. di ka masscom kung dika mauubusan ng pera sa mahal ng mga production cost. di ka masscom kung dika makakafeel ng pressure sa mga sobrang striktong professors mo na kulang nalang tumambling ka sa hirap ng pinapagawa. di ka masscom kung di mo kering makipagsabayan sa mga celebrity na nakakasalamuha mo. di ka masscom kung hindi makapal ang muka mo (dahil kailangan talaga ito). at dika masscom kung hindi kape ang dumadaloy sa mga veins mo… hahaha!

so ayan ano pa nga ba… para naman may challenge sa loob ng 20seconds tukuyin kung nasaan ako dun sa litrato sa taas. haha!

kaya kung tutuusin masaya talaga ang nag aaral. kaya wag nating itake for granted kung may pagkakataon tayo. ang mahalaga ineenjoy lang natin ito. yun lang naman ang mahalaga sa buhay eh ANG MAGING MASAYA KA SA LAHAT NG GINAGAWA MO. at ito pa ayon kay Bob Ong “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

ngayon pinapaalala lang sa atin na tayo mismo ang nagpapagalaw ng buhay natin. nasa sa atin kung pipiliin nating tahakin ang maayos na buhay o mananatili nalang sa kinalalagyan at hihintayin nalang ang panahong lalamunin tayo ng kahirapan.

for now, il be leaving you nalang with my grad pic THREE YEARS ago. hehe. malaki din ba pinagbago? hahahaha!

gp“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.” – Bob Ong

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 42 Comments

kids stuff…

im still not in the working mood kaya ito share ko muna…

my beloved got me a bear named little tracy. pero di xa little dahil sobrang laki niya. yung features ng muka ng bear na ito eh pareho nang nagbigay mejo suplado kaya i call him nalang jp jr. hehe! ayan sarap akap akapin kaso ang problema ko nagsisiksikan na kami sa bed. hehehe!

dsc00686

try niyo rin itong drink na ito sa 50’s diner sa baguio city. ang pangalan ng inumin na ito ay mickey mouse. sosyal noh? hehe! promise ang sarap lalo na yung creme/cream sa taas.

dsc00675

tapos lately, nawiwili akong magcolor yellow. kung sabi ni kris aquino ang kulay niya ngayong taon eh white, ako siguro yellow. maaliwalas kasi sa mata ang dilaw eh. pwede ding yellow green, yellow orange, basta may shade ng yellow siguro. hehe! kayo ba? ano ba kulay niyo dis year?

dsc00690

ito matutuwa kayo… mga propesyonal na kami ha pero para kaming bata na magkakaopisina/magkakaibigan. bakit? kasi kelangan pare pareho talaga kami ng damit noong christmas party ng division namin. hehe. we would like to thank collezione for our outfit, ganyan ang drama. pero infairness nagustuhan talaga namin yung design na may map ng Philippines. tangkilikin ang sariling atin yan! hehe

img_1875

ano pa nga ba? ito, maganda ang salubong ng taon sa akin, napromote/upgrade ako to a higher level pero diko alam if matutuwa ako dahil parang ang daming trabahong katapat. pero salamat parin kasi kahit papano eh tataas ng unti ang sweldo. mabuti nang mapromote/upgrade kesa hindi diba? hehe.. nag inarte… tnx bossing sa promotion! thank you din ke Lord siyempre! ayan CHEERS!

cheers

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , | 21 Comments

traces…

its been so long na since umakyat ako ng baguio and it was only the other day (Dec8) and yesterday (Dec9) na nakagala uli ako.

siyempre ang una kong dinalaw (maliban sa pangalawang boarding house ko dati na SM) ay ang SLU. pero gang tanaw lang ako sa gate kasi mejo strict talaga mga guard dito… bawal talaga ang outsiders. wala lang, nakakamiss lang naman pala ang buhay kolehiyo… parang kelan lang!

SLU maingate

larawan466

yan, then of course di ko nakaligtaang kumain sa paborito kong kinakainan noon-ang Macsbox. ito literal fastfood ito. itong bisnes na ito ay nagsimula lang noon na project ng isang entrep na stud ng SLU. naisipan niya kasing ang mga studyante ay mahilig sa rice dahil nga nakakabusog ito kaya iyon nag experiment siya ng mga recipe’s para magkaroon ng lasa ang kanin. it comes in different flavors at ang paborito ko ay ang KKK (Thai bagoong rice) at Macsbox special. mala-chaofan ng chowking ang konseptong ito. pero sa maniwala kayo’t sa hindi mas masarap pa to kesa chowking.

larawan463

larawan465

napadaan din ako sa malapit sa palengke at centermall (pinaka-unang mall ata to sa baguio) at wala paring pinagbago ang senaryo… dami paring nagtitinda ng mejas at casing ng cellphone.

larawan469

bago naman ako umakyat ng sessionroad may nadaanan ako sa malcolm square (people’s park) na mga poinsettia (tama ba spelling?) at sunod-sunod ang tindahan ng halamang ito.

larawan470

sa dulo naman ng sessionroad ay ang matayog na pinetree na gang ngayon ginagawa parin siyang Giant Christmas Tree ng buong lungsod. maganda to pag gabi dko lang nakunan ng gabi… hehe!

torn between two towers

torn between two towers

tapos ang walang kamatayang sessionroad (bz street parin as usual). infairness sa christmas lights mukang paru-parong malalaki… hehe (gagambino ba ito).

SessionRoad

SessionRoad

pero ang nakakalungkot eh ang mga beggars na nasa gilid ng session. aba eversince ang-aral ako anjan na ang mga yan ha. ginagawa na atang karir ang pang hingi ng pera. haaay kung di lang pasko di talaga ako maghuhulog ng barya eh.

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

hindi rin nakawala sa aking paningin ang mga sale at ukay ukay. jan ata ako magaling ha. at infairness dami ko talaga nabili. sikat kaya ang baguio sa ganyan. kaya panalo talaga ang lugar na ito if bet mong magshopping galore!

larawan476

nilalangaw?

nilalangaw?

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , | 15 Comments

i CRUSH you!

crushes… crushes… crushes…

sa edad kong ito (23) marami pa rin akong crush pero may mga natatangi lang talaga. cguro naman normal pa rin na sa edad kong ito ay magka crush ako divi? ewan ko ba, iba kasi ang feeling na kapag may crush ka tapos nagkakasalubong kayo parang may kilig factor ba. tama ba na ako ang mag sabi ng mga ganito? hehe! pumasok lang sa akin ang topic na ito dahil nakita ko sa friendster yung crush ko noong highschool. actually matagl ko ng sinusubaybayan ang buhay nito pero di niya alam. hehe! naging kaklase ko siya noon sa isang elective class namin. may pagkakataon sana na maging magka group kami sa isang project kaso mas pinili kong kagroup yung closefren ko na guy. alam ko din if cno mga naging jowa niya. alam ko kung may bago o nagbreak na. pero ang ikinaganda nito, hindi niya nalamang crush ko siya. hehe!

kapag may crush kc ako tapos nalaman niyang crush ko siya parang wala ng thrill sa akin di na ako kinikilig. hehe! nwei, itong highschool crush ko ipopost ko pix niya mamaya. wish ko lang di niya mabasa itong blog kong ito di ba? hehe!

ano ba ang mga tipo kong guy?

1. Hindi masyadong matangkad

2. Singkit o basta mgnda ang mata (kahit di na singkit)

3. Hindi masyadong maitim pero di dapat mas maputi sa akin (hehe)

4. Suplado (ayoko ng easy to get, walang challenge hehe!)

5. At may ANGAS (iba ang angas sa yabang ha)

Minsan attracted din ako sa mga guys na may badboy image, ewan ko ba. At madalas akong pinagbibigyan ng tadhana. Nagkajowa ako ng babaero, rakista, at emo. may mga nanligaw pa sa akin na may anak na at may isa pa na dalawa ang anak sa magkaibang babae. oh well, masyado talaga akong lapitin ng mga ganitong klaseng lalaki. sobrang FRAGILE din kc ako minsan eh. hehe!

Balik sa aking mga crush, noong bata ako natutuwa ako pag nakikita ko c billy crawford. sabi ng nanay ko pag sumasayaw na daw sa may telebisyon c billy eh ang saya saya ko raw. hehhee  akalain mong nagkacrush na ako noon. pero ngayon diko na xa crush.

billyjoe

noong elem ako ala akong maalalang crush eh… puro laro at aral lang nasa isip ko. at tulad ng pinangako ko, ito na ang pictures (ninakaw ko pa sa friendster niya ito) ng crush ko noong highschool. (hehehe pasensiya na sa jowa niya ha.) goodluck nalang talaga sa akin. pero i really find this person very interesting. (interesting lang ba??? hahaha)

keesen

keesen patrick

gym

ayan matapos kong ipost ang mga litrato niya pansinin pa kaya ako ng taong to pagnagkatagpo kami sa Ilocos. hmmm? cge bahala na… wish ko lang talaga di niya ito makita. hehhee

isa pang crush ko noon eh si japoy… cno ba naman ang hindi magkakacrush dito noh… galing pang magtaekwondo… ang room ko noon ang dami niyang litrato. at ultimo 5sec appearance niya or guestings niya sa mga tv shows di ko pinalagpas. nwei, asan na nga ba c japoy ngayon? bibigyan ko ng pabuya ang makapagtuturo sa akin sa kanya… harhar!

japoy

noong ako’y colej, nagkaroon din ako ng crush.. hehe… pero sa school paper ko lang nakita ito. gang litrato lang. at gang ngayon dko pa xa nakikita personally. nasa akin pa rin ang pix niya na ginupit ko mula sa school paper namin… ito na iyon…

larawan226

at ang pinakahuli at ultimate crush ko eh ang walang ibang ultimate starstruck survivor MARK HERRAS. gang ngayon crush na crush ko siya. grabeh. ilang beses ko na siyang nakita personally pero dpa rin ako nagsasawang makita siya. i also got the chance na maka picture siya yun nga lang nanginginig yung kaibigan kong kumuha kaya d masyadong magnda ang kuha. blurrd. haaaysh! ano bang nakita ko sa lalaking ito? feeling ko kc c mark eh yung tipong kaya kang ipagtanggol sa mga masasamang elemento at handang makipagbugbugan para sa iyo.. naks… hehe!

mark2

O kayo, share niyo naman cno ang mag crush niyo… hehe! wla namang masama sa pagakakaroon ng crush diba? 😉

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 19 Comments

Create a free website or blog at WordPress.com.