Posts Tagged With: ilocos norte

REMEMBER…

ah… holy wednesday, nice to be back home here in Batac. just had my dinner at riverside/empanadaan… grabeh i miss my home. to Christians, holy week is a time para gunitain ang ginawa ni JC, who died on the cross for our sins. this is also a time for reflecting. for me, this is a moment of resting… for sure most of us ito yung gagawin.

nwei, just a reminder WHEN TIMES GET HARD REMEMBER JESUS. WHEN PEOPLE DON”T LISTEN , REMEMBER JESUS.WHEN TEARS COME, REMEMBER JESUS.WHEN DISSAPOINTMENT IS YOUR BED PARTNER, REMEMBER JESUS.REMEMBER HOLINESS IN TANDEM WITH HUMANITY, REMEMBER THE SICK WHO WERE HEALED WITH CALLOUSED HANDS.REMEMBER THE DEAD CALLED FROM THE GRAVE WITH A GALILEAN ACCENT. REMEMBER THE EYES OF GOD THAT WEPT HUMAN TEARS. six hours one friday…

leaving you with this photo taken here at Batac by my little sister Myrtle, yesterday, April 7, 2009. according to PAGASA, this is a cloud formation that surrounded the sun. to the oldies, they call it a pangitain or a sign from above. and as for my own perception, it is again a wonderful and amazing work of art from Above. a message from Him, saying, “don’t forget me this lenten season.”

 

a sign

a sign

 have a blessed week and a meaningful season to everyone!

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 25 Comments

going NORTH…

for sure, sa mga panahong ito you are already planning a bonggang bonggang summer escapade. kung napag isipan ninyong mapadpad sa Ilocos Norte ang mga sumusunod ay ang mga lugar na huwag na huwag ninyong kaliligtaang puntahan. Ilan lamang ang mga ito sa mga historical places sa Norte.

Juan Luna Shrine

Location: Badoc, Ilocos Norte

Description: It is a reconstruction of the two-storey house where the famous Filipino painter, Juan Luna, was born. Makikita mo dito ang mga paintings ni Luna kabilang na dito ang kanyang sikat na work of art na Spolarium. May mga antiques o lumang gamit din sa loob nito na ginamit pa ng mga magulang ni Luna. Gayundin, may mga litrato ng orihinal na itsura nang nasabing bahay.

lunashrine08

lunashrine13

St. Augustine Catholic Church (Paoay Church)

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: This church was established by the Agustinian Fr Antonio Estavillo. Gawa ito sa corals and bricks. At sa maniwala kayo o sa hindi kabilang ito sa UNESCO’s world heritage list.

paoaychurch20

dsc00293

Marcos Mausoleum and Museum

Location: Batac, Ilocos Norte (my hometown yehey hehe)

Description: It showcases the memorabilla of the late Philippine President Ferdinand Marcos kasama ang kanyang labi na makikitang nakacover sa isang glass coffin. Kung nais pa siyang makilala, why not visit him one of this days.

marcos03

marcos10

imelda-1b

St. Williams Church and Sinking Bell Tower

Location: Laoag City

Description: This is one of the biggest cathedrals in the country and became the seat of diocese in Laoag. 85 meters away naman eh matatagpuan ang Sinking bell tower. Dati kasyang kasya pumasok ng kabayo kasama ang kanyang amo sa pintuan nito ngayon kailangan mo ng yumuko para makapasok. Ayaw mong maniwala? subukan mong pasukin ang tower na ito.

cathedral13

cathedral08

Malacanan of the North

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: Ito ang official na bahay ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matatanaw mula sa labas ng bahay ang mahiwagang Paoay lake. Ang salitang malacanang ay nagmula sa salitang tagalog na ang ibig sabihin ay “may lakan diyan.”

malacanangnorth12

malacanangnorth18

kung trip niyo naman ay mag beach o magsunset. di din papahuli ang Ilocos Norte jan.

Pangil

Location: Brgy. Pangil, Currimao, Ilocos Norte

Description: Dito makikita mo ang iba’t ibang rock/coral formations. Kung saan maari ka pang magtampisaw sa mala-pool na binubuo nitong form.

dsc00300

Suba Beach and Sand Dunes

Location: Paoay, Ilocos Norte

Description: Near the famous Fort Ilocandia is the famous Suba Beach. If ang trip mo eh payapang dagat na maitim na sand, ito ang sagot sa hinahanap mo. Sa kabilang side nito ay ang Sand Dunes. Hindi lang sa maiinit na lugar tulad ng Dubai may sand dunes, sa Paoay matatagpuan mo rin ito.

near_suba

Bangui Windmill

Location: Bangui, Ilocos Norte

Description: This is compose of 15 windmills kung saan lined up sa shore. Dito nagmumula ang kuryente sa ilang bayan ng Ilocos Norte. Ito ay may 70 meters high at ang blade nito o paling-paling sa ilocano ay 41 meters long. Ito ang natatangin at unang windmill sa buong Asya.

windf101

Pagudpud White Sand Beaches

Location: Pagudpud, Ilocos Norte

Description: Located ito sa pinakdulong part ng Ilocos Norte. Famous ang town na ito sa mapuputing buhanging handog ng kalikasan sa kanilang seashore. Maliban dito makikita din ang Patapat Bridge kung saan nasa pagitan ito ng dagat at bundok papuntang Cagayan, Paraiso ni Anton kung saan maaring akyatin upang maramdaman ang malamig na tubig mula sa bundok, at ang Blue Lagoon na kung saan madidiskubre ang hiwagang handog ng karagatan.

dsc00407

kung food trip naman ang hilig mo ito ang para sa iyo

Empanada

Where to eat: Riverside/Empanadaan, Batac, Ilocos Norte

Description: Ang Batac Empanada ay isa sa tinaguriang pinaka-best empanada sa buong Pilipinas kung kaya’t nagsagawa ng festival na nagbibigay pansin sa pagkaing ito. Binubuo ito ng kinayas na papaya, longganisa, itlog, at monggo.

dsc00269

Miki

Where to eat: Pick a Bun, Batac, IN or Jade Karla Foodhouse, Currimao, IN

Description: Maliban sa empanada anjan din ang Batac Miki. Homemade ang noodles nito na ishashape ng sobrang nipis ang flour. May kakaibang aroma at lasang Ilocano ang noodles na ito kung kaya’t dont miss to taste this also.

batac-miki

Bagnet

Where to buy: Batac/San Nicolas/Laoag Market

Description: Deep-fried pork belly. best served with KBL (kamatis, bagoong, lasona/onion). Parang lechon-kawali na mas prito. hehehe. basta ganun.

bagnet2

Cornik (chichacorn)

Where to buy: Paoay, IN

Description: A deep-fried corn-kernel delicay. Malutong na mais na masarap pang meryenda.

img_chichacorn

so what are you waiting for? bisitahin na ang Norte para sa mas exciting, mas challenging, at mas bagong adventure sa buhay.

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, food, life, love, relationships, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 22 Comments

i CRUSH you!

crushes… crushes… crushes…

sa edad kong ito (23) marami pa rin akong crush pero may mga natatangi lang talaga. cguro naman normal pa rin na sa edad kong ito ay magka crush ako divi? ewan ko ba, iba kasi ang feeling na kapag may crush ka tapos nagkakasalubong kayo parang may kilig factor ba. tama ba na ako ang mag sabi ng mga ganito? hehe! pumasok lang sa akin ang topic na ito dahil nakita ko sa friendster yung crush ko noong highschool. actually matagl ko ng sinusubaybayan ang buhay nito pero di niya alam. hehe! naging kaklase ko siya noon sa isang elective class namin. may pagkakataon sana na maging magka group kami sa isang project kaso mas pinili kong kagroup yung closefren ko na guy. alam ko din if cno mga naging jowa niya. alam ko kung may bago o nagbreak na. pero ang ikinaganda nito, hindi niya nalamang crush ko siya. hehe!

kapag may crush kc ako tapos nalaman niyang crush ko siya parang wala ng thrill sa akin di na ako kinikilig. hehe! nwei, itong highschool crush ko ipopost ko pix niya mamaya. wish ko lang di niya mabasa itong blog kong ito di ba? hehe!

ano ba ang mga tipo kong guy?

1. Hindi masyadong matangkad

2. Singkit o basta mgnda ang mata (kahit di na singkit)

3. Hindi masyadong maitim pero di dapat mas maputi sa akin (hehe)

4. Suplado (ayoko ng easy to get, walang challenge hehe!)

5. At may ANGAS (iba ang angas sa yabang ha)

Minsan attracted din ako sa mga guys na may badboy image, ewan ko ba. At madalas akong pinagbibigyan ng tadhana. Nagkajowa ako ng babaero, rakista, at emo. may mga nanligaw pa sa akin na may anak na at may isa pa na dalawa ang anak sa magkaibang babae. oh well, masyado talaga akong lapitin ng mga ganitong klaseng lalaki. sobrang FRAGILE din kc ako minsan eh. hehe!

Balik sa aking mga crush, noong bata ako natutuwa ako pag nakikita ko c billy crawford. sabi ng nanay ko pag sumasayaw na daw sa may telebisyon c billy eh ang saya saya ko raw. hehhee  akalain mong nagkacrush na ako noon. pero ngayon diko na xa crush.

billyjoe

noong elem ako ala akong maalalang crush eh… puro laro at aral lang nasa isip ko. at tulad ng pinangako ko, ito na ang pictures (ninakaw ko pa sa friendster niya ito) ng crush ko noong highschool. (hehehe pasensiya na sa jowa niya ha.) goodluck nalang talaga sa akin. pero i really find this person very interesting. (interesting lang ba??? hahaha)

keesen

keesen patrick

gym

ayan matapos kong ipost ang mga litrato niya pansinin pa kaya ako ng taong to pagnagkatagpo kami sa Ilocos. hmmm? cge bahala na… wish ko lang talaga di niya ito makita. hehhee

isa pang crush ko noon eh si japoy… cno ba naman ang hindi magkakacrush dito noh… galing pang magtaekwondo… ang room ko noon ang dami niyang litrato. at ultimo 5sec appearance niya or guestings niya sa mga tv shows di ko pinalagpas. nwei, asan na nga ba c japoy ngayon? bibigyan ko ng pabuya ang makapagtuturo sa akin sa kanya… harhar!

japoy

noong ako’y colej, nagkaroon din ako ng crush.. hehe… pero sa school paper ko lang nakita ito. gang litrato lang. at gang ngayon dko pa xa nakikita personally. nasa akin pa rin ang pix niya na ginupit ko mula sa school paper namin… ito na iyon…

larawan226

at ang pinakahuli at ultimate crush ko eh ang walang ibang ultimate starstruck survivor MARK HERRAS. gang ngayon crush na crush ko siya. grabeh. ilang beses ko na siyang nakita personally pero dpa rin ako nagsasawang makita siya. i also got the chance na maka picture siya yun nga lang nanginginig yung kaibigan kong kumuha kaya d masyadong magnda ang kuha. blurrd. haaaysh! ano bang nakita ko sa lalaking ito? feeling ko kc c mark eh yung tipong kaya kang ipagtanggol sa mga masasamang elemento at handang makipagbugbugan para sa iyo.. naks… hehe!

mark2

O kayo, share niyo naman cno ang mag crush niyo… hehe! wla namang masama sa pagakakaroon ng crush diba? 😉

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | 19 Comments

tawag ng sikmura…

kanina parang gusto kong kumain ng mga native na pagkain. nagsasawa na kc ako sa laging fastfood o kaya noodles o kaya hotdog… haaay… namimis ko sa probinsiya…

gusto ko kumain ng tinapa, tuyo, tapsilog, bagnet, buko, empanada ng Batac, longganisa ng Batac, pakbet, hilaw na mangga, isaw, tokneneng, tapos may KBL (kamatis, bagoong, lasuna o onion). hehehe parang naglilihi, nu ba yan! nakakamis lang talaga umuwi sa amin (Ilocos).

haaaysh… tama na nga…. naglalaway na ako.

ikaw ba? ano ba gusto mong mangyari sa buhay mo ngayon? naghahamon? hehe! hindi naman!

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , | 13 Comments

ILOKANA-AK! SIKA NGAY?

Isa kang Certified Ilocano/Ilocana kung:

  • Mahilig ka sa suka na may sili at ginagawa pang regular drink ito (nagimas!)
  • Paboritong mong sabihin ang Mangan Tayon!
  • May nakatanim na paria (bittergourd) o tarong (eggplant) sa iyong bakuran.
  • Tuyo ang iyong dinuguan o dinardaraan in Ilocano
  • Kumakain ng damo (term ng mga tagalog) tulad ng saluyot at kalunay
  • Kuripot ka o nakirmet (kuripot nga ba o matipid lang? Hehe!)
  • Mahilig ka sa sayawan o social life ika nga. (hindi lang naman Ilocano ang ganito diba? Hehehe)
  • Nagiging bati mo ang mura tulad ng “Ay Ukinnam nakapasyar ka!” o “Opalalam namiss ka!” (expression ba… but Ilocanos are used to it)
  • Pagnababad-trip ka madalas mong sinasabi ang “Anya metten!” o “Anya ki din aya!” (it’s the same as “ano ba naman!”)
  • Nangisit ka o maiitim ka (pero to mind you hindi lahat ng Ilocano maitim, marami ng mapuputing ilocano ngayon dahil na rin sa sobrang init ng panahon nasa bahay lang o di kaya may mga lahing Chinese at Spanish na)
  • May kamag-anak ka sa abroad. Pwedeng sa Hawaii, Italy, o Canada. (kaya maraming tinatawag na Italian village sa Ilocos dahil puro katas ng abroad ang mga naglalakihang bahay)
  • Nakapetition ka o kapatid mo sa ibang bansa (why not diba? Greener pasture ba.)
  • Nagtatabako ang lolo o lola mo (wanila bet magyosi kaya organic nalang tobacco, sosyal nels)
  • Nagbabasa ka o ang mga kasambahay mo ng Bannauag (ang pahayagang delayed pero mabenta parin sa mga Ilocano)
  • May kaunting angas (daw)
  • Kapag may bisita ipinapasyal sa Marcos Museum sa Batac (in fairness dami paring bisita si lolo) o di kaya mag Pagudpud o Vigan
  • Nakatikim ka na ng famous empanada at laging dumadayo sa pinakamalapit na bilihan kapag umuuwi ka (I recommend yung empanada ng Batac. The best yun promise)
  • Hindi mawawala sa diet mo ang pakbet o pinakbet at dinengdeng (bakit ang hindi diba? Nutricious kaya ito)
  • Maasim ang longganisang gusto mo hindi matamis
  • Laging may bagnet, igado, adobo, at pansit pag may kainan
  • Matigas ang dila mo. Ang sand dunes nagiging sand jones, amphitheatre nagiging ampityater, crossing ay krassing, etc. (wel ganun talaga hehehe)
  • Proud Ilocano/Ilocana ka (dahil narin maraming kilalang tao o persona ang Ilocano o mula sa Ilocos tulad nila Marcos, Biazon, Ricarte, Luna, at marami pang iba)

Ang aking mga nabanggit ay pawang mga obserbasyon ko lamang po. Maaring totoo sa iba maaring hindi sa iba. Masasabi ko pong ipinagmamalaki ko na may dugong Ilocano din na dumadaloy sa akin. Kung may nais pa po kayong idagdag sa listahan ay maari po niyong ipagkaloob. Nawa’y mabuhay tayong lahat! Agyamannak!

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, trip | Tags: , , , , , , , , | 8 Comments

Blog at WordPress.com.