Posts Tagged With: pag-ibig

On dating or getting in to a relationship….

Just a quick post to remind everyone bout this esp the youth. Here’s something from Jefferson Bethke:

58030_10151402737249315_1071106134_n

 

So when you enter a relationship, there are only two paths as to where it will lead: either you will break up or get married. So which path are you taking?

To all the guys and gals out there, pls lang, don’t date/court or get into a relationship with someone if you don’t have the intent of marrying the person okay. Ang pag-ibig di yan laro na dahil feel mo lang laruin eh lalaruin mo na. Ang pag-ibig sineseryoso yan, kaya kung di ka sigurado sa kanya wag mo nang ituloy yan pls. Basta sa mga girls eto lang, LOVE A GUY WHO LOVES JESUS MORE THAN YOU bcoz “Only when a man looks to Jesus, does a man know how to treat a woman.” 🙂 Maniwala kayo okay! Ayun lang!

Advertisements
Categories: accessdenied!, Blogroll, faith, life, love, relationships | Tags: , , , , , , , , , , , | 2 Comments

ano ba naman yan?!!!

Ang Modernong MU:

1. You stay together

2. You do things together

3. Spend time with each other

4. Share everything

except for one thing: COMMITMENT!!!

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 104 Comments

liham [na pagtingin]…

Since, malamig ang panahon itatake ko ang pagkakataong ito para ishare ang mga maiinit na sulat sa akin ng ilang mahahalagang taong naging parte ng buhay ko.

nakatutuwang basahin at balik-balikan. kung kasalanan ang mag keep ng mga ito kapag may bf /asawa ako cguro magiging guilty ako.

Larawan389 Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , | 60 Comments

usapang pag-ibig mula kay bob ong

sasabayan ko na ang lamig nang panahon sa mainit nating paksa. tutal naman nag papauso na rin lang yung ibang kapitbahay diyan tungkol sa pag-ibig eh makikiuso na rin ako, di narin naman nalalayo ang Pebrero. mahalaga kasi na bago tayo pumasok sa isang bagay kailangan muna nating matuto para di tayo sumasablay. kaya ito ilan sa mga salita, paalala at gabay sa pag-ibig mula kay master bob ong…

1122691707_eb6621416d

https://yhen1027.wordpress.com/2012/07/19/wordsquotes-to-live-by-on-love/

1). ‘Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..’
2). ‘Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.’
3). ‘Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.’
4). ‘Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.’
5). ‘Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.’
6). ‘Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.’ (*don’t mind the word, alter it to lalapit)
7). ‘Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.’
8). ‘Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.’
9). ‘Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.’
10). ‘Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.’
11). ‘Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.’
12). ‘Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.’
13). ‘Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.’
14). ‘Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.’
15). ‘Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.’
16). ‘Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala’
17). ‘Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan’
18). ‘Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!’
19). ‘Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.’
20). ‘Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.’
21) . ‘Ang pag-ibig parang imburnal…nakakata kot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.’

FOR THOSE WHO ARE INTO SERIOUS MODE PLEASE DO VISIT MY NEW ENTRY ENTITLED WHAT IF… Share your experience/s there if naranasan niyo ng mainlove, masaktan, at magmove on hehe… here’s the link https://yhen1027.wordpress.com/2011/11/13/what-if/ thanks guys :)

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, trip | Tags: , , , , , , , | 259 Comments

REPOST… (mahal mo nga ba? sigurado ka?)

Oo Nga.. Mahal Mo Nga Ba Talaga?!

Para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak
manligaw, nililigawan, naliligaw,
nag-iintay maligawan at nagbabalak lumagay sa
magulo…

Ang LOVE ay hindi minamadali…hindi pinipilit..
at lalong hindi kina-career…aray ko!

Unang-una…

PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA???…

Dahil ba natutuwa ka sa kanya???…
o kaya naman naaaliw ka???…
naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya???…
kinikilig ka ba pag nakikita mo siya???…
at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses
niya???…

Eh teka muna…
baka naman infatuated ka lang….
o kaya naman kagaya nga ng sagot mo…
Baka naaaliw ka lang…dahil kakaiba siya…
may spark na hindi mo maintindihan…

tsk!!!…ang saklap nyan!…

Pangalawa…

GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

Madali ba siyang mapikon???…
pano ba siya mabadtrip???…
madali bang mahalata na may topak siya???…
ano bang suot niya pag nasa bahay siya???…
shorts ba o pantalon???…
nakasando ba siya o naka-t-shirt lang???…
matagal ba siyang maligo???….
kumakain ba siya ng vegetables???…
tamad ba siya???…
mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa
ng libro???…
nagpe-play station ba siya???…
tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki???…
makukulit ba yung mga kamag-anak niya???…
green ba ang kulay ng gate ng bahay nila???…
sa village ba siya nakatira???…
may sakayan ba ng jeep na malapit sa
kanila???…
nagsisimba ba siya linggo-linggo???…
kasama ba yung pamilya niya???…
at nagdadasal ba siya bago matulog???…

In short…
alam mo na nga ba???…ang mga bagay-bagay…
ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya…
na nagdedetermine ng sarili niya…
as in kung sino ba talaga SIYA…

Pangatlo…

KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???…
as in TANGGAPIN ng buong-buo…

sa lahat ng trip niya sa buhay…
sa lahat ng katopakan niya…
sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya…
sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at
gagawin pa lang niya…
sa lahat ng naiisip niya… sa lahat ng sasabihin
niya… sa kilos niya..
sa pananamit pa pala niya… sa pagsasalita…
sa pananaw niya sa buhay…
sa pagtrato niya sa tao…
sa lifestyle niya…
sa uri ng pamilyang meron siya…
sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya…
sa style niya pagdating sa love…
sa kasweetan niyang natural…
sa paglalambing niya…
sa tawa niyang pagkalakas-lakas…
sa manners niya…
sa bisyo niya kung meron man…
sa mga pang-aasar niya sayo…
sa style niya pagdating sa pagsolve ng
problema…
sa problemang maaari ka ring masama…

Pang-apat…

KAYA MO BANG MAGING TOTOO???…

kaya mo bang makita yung sarili mo…
na kasama pa rin siya ha…
sa isang sitwasyong pag naisip mo eh…
mapapaiyak ka na lang sa sakit…
nang dahil din sa kanya???…

kaya mo bang magmukhang tanga…
as in umiyak ng dahil sa kababawan…
ibuhos ang mga nararamdaman mo…
kahit na puro kababawan nga lang naman…
as in kahit sa harapan niya???…

kaya mo bang maging barubal pag kasama mo
siya???…
yung tipo bang wala ka ng pakielam…
mawala man ang manners mo…
na wala ka naman talaga…

In short…

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA
SIYA???…

yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung
sino ka talaga…

dahil alam mong…

HINDI MO LANG SIYA TANGGAP…

TANGGAP KA RIN NIYA…

BUONG-BUO RIN…

MGA PEOPLE!!!…
tama na kasi ang trip…
tama na ang pagmamadali…
Oo, masarap ngang ma-involved sa isang tao…
pero di ba mas masarap yun…

LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN
MO….

kaya dapat, hinde tayo nagpapa-bulag sa akala
nating LOVE…. mag antay na
lang tayo…. wag natin unahan….

For all we know, nde pa pala cya ang para sa
atin……

Pero pag nasagot mo lahat ng nasa taas….
Baka nga… MAHAL mo na siya….

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships | Tags: , , , , , , | 2 Comments

Create a free website or blog at WordPress.com.