Posts Tagged With: SLU

simply POWERFUL!

matatapos na pala ang march… napakabilis ng panahon. malapit na ang panahon ng teambuilding, bakasyon grande, at sa iba summer classes. gayunpaman, gusto kong magbigay pugay sa mga 2009 graduates natin. nawa’y gamitin nila ang mga napag aralan nila sa pagunlad ng ating bansa.

sa kabilang banda nakalkal ko sa files ko ang isang souvenir page namin nung nag grad ako. habang tinitignan ko ito eh muling nagbalik ang mga ala ala ko nung colej. hindi ako yung tipong mahilig mag aral o nangangarir sa mga exams. ang mahalaga lang sa akin dati eh pumasa ako. naniniwala kc ako na kahit gaano ka kagaling nung nag aaral mo sa totoong buhay diskarte at tamang pag uugali lang ang kelangan para umasenso. pero di ko naman cnsbng wag pagbutihn ang pag aaral at lalong di ko sinasabi na wag itong seryosohin. ang sa akin lang mas masaya mag aral kapag hahaluan mo ng saya, kalokohan, at kaunting pagpasaway. hehe. aanhin mo kasi ang matataas na grades kung hnd ka naman marunong dumiskarte sa buhay di ba? hehe.

nwei, im proud to say that im a LOUISIAN. opo, graduate po ako ng Saint Louis University, sa Baguio sa kursong Mass Communication. hindi ako nagsisisi na ito ang kinuha ko dahil gusto ko ito. ang batch namin ang isa sa mga bibong batch at sa aking pagkakatanda ito ang aming paninindigan:

I am…

Sleepless…

Starving…

Stressed…

Broke…

…still POWERFUL!!!

n1042205914_30362596_4600139

dahil sa kursong ito, hindi ka masscom kung di mo na experience ang di matulog ng at kinaumagahn eh papasok ka pa ng walang ligo dahil sa paggawa ng mga projects. di ka masscom kung dika mauubusan ng pera sa mahal ng mga production cost. di ka masscom kung dika makakafeel ng pressure sa mga sobrang striktong professors mo na kulang nalang tumambling ka sa hirap ng pinapagawa. di ka masscom kung di mo kering makipagsabayan sa mga celebrity na nakakasalamuha mo. di ka masscom kung hindi makapal ang muka mo (dahil kailangan talaga ito). at dika masscom kung hindi kape ang dumadaloy sa mga veins mo… hahaha!

so ayan ano pa nga ba… para naman may challenge sa loob ng 20seconds tukuyin kung nasaan ako dun sa litrato sa taas. haha!

kaya kung tutuusin masaya talaga ang nag aaral. kaya wag nating itake for granted kung may pagkakataon tayo. ang mahalaga ineenjoy lang natin ito. yun lang naman ang mahalaga sa buhay eh ANG MAGING MASAYA KA SA LAHAT NG GINAGAWA MO. at ito pa ayon kay Bob Ong “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”

ngayon pinapaalala lang sa atin na tayo mismo ang nagpapagalaw ng buhay natin. nasa sa atin kung pipiliin nating tahakin ang maayos na buhay o mananatili nalang sa kinalalagyan at hihintayin nalang ang panahong lalamunin tayo ng kahirapan.

for now, il be leaving you nalang with my grad pic THREE YEARS ago. hehe. malaki din ba pinagbago? hahahaha!

gp“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.” – Bob Ong

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, relationships, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 42 Comments

prediksyon!!!

ayan kahapon nagdate kami ng pag-ibig ko at dahil wala kaming magawa naisip kong magkuhanan nalang kami ng pektyur gamit ang aking camphone. ito ipopost ko sabihin niyo kung bagay kami ha o kung magkakatuluyan ba kami base sa mga litrato namin. hehe! 😉 prediksyon ba?!!! hehehe!

larawan515

larawan518

larawan530

larawan524

larawan510

larawan509

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, relationships, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , | 18 Comments

traces…

its been so long na since umakyat ako ng baguio and it was only the other day (Dec8) and yesterday (Dec9) na nakagala uli ako.

siyempre ang una kong dinalaw (maliban sa pangalawang boarding house ko dati na SM) ay ang SLU. pero gang tanaw lang ako sa gate kasi mejo strict talaga mga guard dito… bawal talaga ang outsiders. wala lang, nakakamiss lang naman pala ang buhay kolehiyo… parang kelan lang!

SLU maingate

larawan466

yan, then of course di ko nakaligtaang kumain sa paborito kong kinakainan noon-ang Macsbox. ito literal fastfood ito. itong bisnes na ito ay nagsimula lang noon na project ng isang entrep na stud ng SLU. naisipan niya kasing ang mga studyante ay mahilig sa rice dahil nga nakakabusog ito kaya iyon nag experiment siya ng mga recipe’s para magkaroon ng lasa ang kanin. it comes in different flavors at ang paborito ko ay ang KKK (Thai bagoong rice) at Macsbox special. mala-chaofan ng chowking ang konseptong ito. pero sa maniwala kayo’t sa hindi mas masarap pa to kesa chowking.

larawan463

larawan465

napadaan din ako sa malapit sa palengke at centermall (pinaka-unang mall ata to sa baguio) at wala paring pinagbago ang senaryo… dami paring nagtitinda ng mejas at casing ng cellphone.

larawan469

bago naman ako umakyat ng sessionroad may nadaanan ako sa malcolm square (people’s park) na mga poinsettia (tama ba spelling?) at sunod-sunod ang tindahan ng halamang ito.

larawan470

sa dulo naman ng sessionroad ay ang matayog na pinetree na gang ngayon ginagawa parin siyang Giant Christmas Tree ng buong lungsod. maganda to pag gabi dko lang nakunan ng gabi… hehe!

torn between two towers

torn between two towers

tapos ang walang kamatayang sessionroad (bz street parin as usual). infairness sa christmas lights mukang paru-parong malalaki… hehe (gagambino ba ito).

SessionRoad

SessionRoad

pero ang nakakalungkot eh ang mga beggars na nasa gilid ng session. aba eversince ang-aral ako anjan na ang mga yan ha. ginagawa na atang karir ang pang hingi ng pera. haaay kung di lang pasko di talaga ako maghuhulog ng barya eh.

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

Kneeling (nagdarasal o nagpapalimos?)

hindi rin nakawala sa aking paningin ang mga sale at ukay ukay. jan ata ako magaling ha. at infairness dami ko talaga nabili. sikat kaya ang baguio sa ganyan. kaya panalo talaga ang lugar na ito if bet mong magshopping galore!

larawan476

nilalangaw?

nilalangaw?

Continue reading

Categories: accessdenied!, Blogroll, life, love, religion, trip | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , | 15 Comments

Create a free website or blog at WordPress.com.