Sa bawat isang kutsarang kanin na nasasayang kada araw ng bawat isa sa atin, katumbas nito ang libu-libong sako ng bigas kada taon.
Ibig sabihin lamang nito, na kung ang bawat Pilipino ay bibigyang halaga ang palay, bigas, at kanin, matutugunan natin ang problema sa kakulangan ng pagkain.
Kailan pa ba natin ito hindi sasayangin? kapag dumating na lang ba ang panahong wala na tayong makaing kanin?
Isipin lagi natin na sa bawat butil ng palay ay may buhay na nakasalalay.
Sana maging kaisa ka sa adbokasiyang ito.
Maari mong ilagay ang logo na ito sa sidebar ng blog mo. Salamat.
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa pagpapalay maaring buksan ang www.philrice.gov.ph
Para naman sa nais makibahagi sa National Rice Awareness Month na gaganapin sa Nobyembre maaring buksan ang www.riceawareness.multiply.com o i- add/i-like and Rice Awareness page sa Facebook.

















